UP alumnus on inflation: twice itong pumalo sa 5.2 noong panahon ni Pnoy, na nagsabing "buhay pa naman kayo di ba?" - The Daily Sentry

Saturday, July 7, 2018



UP alumnus on inflation: twice itong pumalo sa 5.2 noong panahon ni Pnoy, na nagsabing "buhay pa naman kayo di ba?"






Photo from Ben Bañares Facebook profile


Isang UP Alumnus na si Ben Bañares, na nakilala sa kanyang "NewskuPow” news items ay muli na namang bumanat sa mga kritiko ng administrayong Duterte.

Sa kanyang Facebook post, ibinunyag ni Bañares na dalawang beses umano pumalo sa 5.2 ang inflation rate ng bansa, ito ay sinamahan din niya ng kaukulang katibayan mula sa Philippine Statistics Authority (PSA)

Ayon sa pinakitang datus ni Bañares, umabot sa 5.2 ang inflation rate ng bansa noong June at October taong 2011, sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Bengino “Noynoy” Aquino III.

Ipinaalala rin niya ang mga katagang binitawan noon ng dating pangulo sa kasagsagan ng parehong issue – “Buhay pa naman kayo di ba?”

Narito ang kabuuan ng kanyang Facebook post:

NAG PIPIYESTA NA NAMAN ANG MGA HITARDS dahil sa pumalo sa 5.2% ang inflation rate natin.

Puro batikos na naman!

Ang hindi nila sinasabi (o malamang, hindi nila alam), noong 2011, panahon ni PweNoy, TWICE ding pumalo sa 5.2% ang inflation rate ng bansa!

Napanganga ba kayo?? Eh kasi, masyadong atat bumanat eh!

LET US REMEMBER THE IMMORTAL WORDS THE PWENOY THE GREAT: “Buhay pa naman kayo, di ba?”

ANO BA ITONG INFLATION RATE NA ITO??

Ito yung pagtaas ng presyo ng bilihin, base sa mga halaga ng ilang produkto. Iba-iba ang produktong pinag babasehan nito, depende sa bansa.

Sa Pilipinas, kasama sa mga ito ang: food and beveragestobacco, clothing , footwear, housing, water, electricity, gas / fuels, furnishing, household equipment, health, transport, communication, recreation, culture, education, restaurants, miscellaneous goods and services, atbp.*

TIGNAN NGA NATING ANG HISTORY ng inflation rate na ‘yan:

Mula 1958 to 2018, ang AVERAGE inflation rate ng Pilipinas ay nasa 8.41%.

ANG PINAKAMATAAS AY 62.80% in September 1984. *

ANG PINAKAMABABA AY -2.10% noong January 1959.

KAYA SIGURO NASABI NG GOBYERNO na walang dapat ikabahala. We’ve been there before.

At hindi pa naman pumapalo sa 2 digits ang inflation rate.

NOTE: In 2008, three times nag-double digits ang inflation rate natin
(see chart).

Buhay pa naman tayo, di ba?


SO, HITARDS, SA SUSUNOD…bago kayo magngangangawa…mag-research muna kayo, hane? Muntanga lang kasi kayo eh.

Kung mag-panic naman kayo, parang end of the world na eh! Mga O.A!

AYAW N’YONG MANIWALA?
.
Ito o…


Year-on-year na inflation rates mula sa PSA, taong 2007 hanggang 2011, kasama ang lahat ng klase ng produkto 

Note:  Kasama sa ibaba ang link ng PSA kung saan makikita ang kumpletong report ng Statistics office.