Alan Cayetano hinamon ng Debate ang dating Pangulong Noynoy Aquino - The Daily Sentry

Thursday, August 9, 2018



Alan Cayetano hinamon ng Debate ang dating Pangulong Noynoy Aquino



Dating Pangulo Noynoy Aquino at DFA Sec. Alan Peter Cayetano. Image credit to Rappler
Dahil sa pagsasalita tungkol sa patakaran ng gobyerno sa West Philippine Sea ay hinamon ni Alan Peter Cayetano sa isang debate ang dating pangulong Noynoy Aquino. Ayon kay Noynoy ay walang ginagawa ang pamahalaan sa problema. Sinagot naman ito ni Cayetano ng isang tanong “saan nagmula ang problema kundi sa nakaraan niyang administrasyon?” Ayon pa sakanya ay sa ayaw at gusto man nating ang bagong nakahalal na pangulo na si Duterte dapat siya ay pagkatiwalaan at umasa na mapabubuti ang pagbunga ng kanyang mga patakaran sa mga problemang namana niya lamang sa nakalipas na administrasyon. Ang pagtuligsa ay hindi naman problema kung kinakailangan ngunit dapat ay mag bigay din ng remedy upang malutasan ang kinahaharap nating geopolitical problem.

Scarborough Shoal ay pag-aari ng Pilipinas. Image credit to Asia Sentinel
Ang mga atake ni Aquino na walang ginagawa ang pamahalaan tungkol sa usapin ay sinagot ni Cayetano sa pamamagitan ng mga katanungan para maging malinaw kung saan nag simula ang problema na ating kinakaharap sa Scarborough Shoal noong panahon ng administrasyon ni Aquino. Ang nagiisang tugon ni Noynoy rito ay hindi niya pwedeng ibunyag kuno ang  kanyang tinatawag na “intelligence playbook” sapagkat makikita raw ng China ang kanila stratehiya. Ang nagsimula ng pagbatikos sa administrasyon ni Duterte ay si Aquino at tama lamang na sagutin niya ang mga katanungan sakanya upang magbigay linaw sa usaping ito. Makakabuti rin ito kung ang lahat, nakaupo man sa oposisyon o hindi ay magbigay tulong sa kasalukuyang administrasyon sa paglikap ng sapat na solusyon upang maiwasang maisakripisyo ang papel nito na fiscalizer. 


Ano nga ba ang totoong nangyari sa Scarborough Shoal? Yan ang matagal nang tanong na hindi pa nasasagot magpasa hanggang ngayon. Bakit kinailangan ng backchannel talk sa China? “itanong mo na lang kay “Google” ang mga totoong nangyari nung panahon ng girian sa Scarborough Shoal noong 2012.” Ito nalamang ang naging sagot ni Cayetano. Sana ay mapagbigyan ng dating pangulo sa isang debate si Cayetano para makapagbigay ng kalinawan sa isyu na ito.



****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: PhilStar