Anyare Maynila? | 14.8-B budget, bakit ito lang ang mayroon sa Lungsod ng Maynila? - The Daily Sentry

Sunday, August 12, 2018



Anyare Maynila? | 14.8-B budget, bakit ito lang ang mayroon sa Lungsod ng Maynila?




Composite photos from Rappler and Facebook
Kasunod ng pananalanta ng Bagyong Karding na pinalakas pa ng hanging Habagat at nagdulot ng matinding pagbaha sa malaking bahagi ng Luzon lalo na sa kalakhaang Maynila nito lamang Biyernes, isiniwalat ng online political blog page na “Gising Maynila” ang mga larawang nagpapakita ng umano’y sinapit ng mga lumikas sa iba’t – ibang Evacuation Centers partikular na sa siyudad ng Makati, Marikina at Maynila.

Malinaw na pinapahiwatig sa larawan ang animo’y hindi makatarungang kalagayan na sinapit ng mga evacuees sa siyudad ng Maynila kumpara sa maayos at tiwasay na katayuan ng mga evacuees naman sa Makati at Marikina.


Di – hamak naman na mas mas organisado ang isinagawang Rescue and Evacuation procedure ng dalawang siyudad kumpara sa Maynila kung saang hindi man lang nangalahati ang kalahatang bilang ng mga lumikas.

Ayon sa post, “sa laki ng pondo ng ating lungsod na nasa P14.8 BILLION noong 2017. Bakit, ito lang ang mayroon sa Lungsod ng Maynila? Capital City pa naman ito ng ating bansa, at dapat ito ang magsilbing halimbawa sa mga karatig nating lungsod, bakit tila tayo pa ang nangungulelat?”
Manila evacuation center / Photo from Joseph Ejercito Estrada (Facebook)
Ang pinakitang larawan ng evacuation center sa Maynila ay nadiskubre lamang sa ipinangalandakang post ng mismong Alakalde nito na si Mayor Joseph Ejercito Estrada sa kanyang Facebook page.

Aniya, “TULUNGAN SA PAGPAPA-LIKAS. Sa gitna ng masamang panahon at pag-ulan, nilikas ng pinagsanib na pwersa ng Office of the Mayor, MDRRMO, MDSW at mga opisyal ng Barangay 649 sa pangunguna ni P/B Diane Espinosa, ang mga pamilyang Manilenyong naninirahan sa mapanganib na lugar at dinala sa Baseco Evacuation Center upang doon muna manatili. 

“May inihandang pagkain para sa kanila ang MDSW at ang mga bata'y pinapanood ng mga kiddie movies upang hindi mainip. Patuloy na naka-antabay ang iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan para sa madaliang pagpaparating ng tulong sa mga nangangailangan.”
Marikina City evacuatioan center / Photo from Philstar
Napag – alamang nasa may P14.8 Bilyon ang halaga ng naaprubahang budget nitong 2017 para sa Lungsod ng Maynila kung saang P1.2 Bilyon nito ay nakalaan para sa Manila Health Department, P265 Milyon para sa Manila Traffic and Parking Bureau at P149.8 Milyon para sa Manila Tricycle Regulatory Office. Kabilang din dito ang mga naikabit na poste ng ilaw sa mga lansangan sa halaga lamang ng P100 Milyon habang ang natitirang P300 Milyon ay inilaan para sa ‘Lighting Initiative’ nito lamang nakaraang taon.

Ang tanong: “Handa ba talaga ang Lungsod ng Maynila para sa mga kalamidad?”

Ayon sa natitirang bahagi ng post ng Gising Maynila, “Nakakalungkot man sabihin, pero tunay nga na napag-iwanan na ang Lungsod Maynila ng mga karatig nating lungsod. Ang larawan ng evacuation center ng Maynila ay inupload kahapon Saturday, August 10, 2018 at galing sa facebook page ni Manila Mayor Erap.”

Basahin ang buong post ng Gising Maynila sa ibaba:

“EVACUATION CENTERS OF MAKATI, MARIKINA VS. CAPITAL CITY OF THE PHILIPPINES

“Anong nangyari sa "Capital City" ng bansang Pilipinas? Handa ba talaga ang Lungsod ng Maynila para sa mga kalamidad?

“Sa laki ng pondo ng ating lungsod na nasa P14.8 BILLION noong 2017. Bakit, ito lang ang mayroon sa Lungsod ng Maynila? Capital City pa naman ito ng ating bansa, at dapat ito ang magsilbing halimbawa sa mga karatig nating lungsod, bakit tila tayo pa ang nangungulelat?

“Nakakalungkot man sabihin, pero tunay nga na napag-iwanan na ang Lungsod Maynila ng mga karatig nating lungsod.

“Ang larawan ng evacuation center ng Maynila ay inupload kahapon Saturday, August 10, 2018 at galing sa facebook page ni Manila Mayor Erap.

“Narito ang link ng post: https://www.facebook.com/33618156143/posts/10156155557786144/

“2017 BUDGET OF MANILA:
https://www.manilatimes.net/p14-8-b-2017-manila-budget-p…/…/

Basahin ang komento ng mga netizens sa ibaba:


****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.