Apo ni Tomas Morato, rumesbak kay Jover Laurio? 'Bongga sa kabobohan ang mga nagtatangkang may alam sa issue ng dayaan noong nakaraang halalan' - The Daily Sentry

Sunday, August 5, 2018



Apo ni Tomas Morato, rumesbak kay Jover Laurio? 'Bongga sa kabobohan ang mga nagtatangkang may alam sa issue ng dayaan noong nakaraang halalan'



Veteran jounalist Pia Morato and Blogger Jover Laurio, composite photo from Education Radio and Inquirer
Kilalang personalidad, beteranang mamamahayag, taga-suporta ng pangulo, at apo ng kauna-unahang Quezon City Mayor Tomas Morato, na si Pia Morato, binanatan ang mga nagrereklamo kaugnay sa mga kaganapan sa kasalukuyang administrasyon.

Sa isa sa kanyang mga Facebook post, isa-isang tinalakay ni Pia ang mga bagay na pilit ginagawan ng isyu ng mga taong kumokontra sa pamahalaang Duterte.


Hindi man direktang pinangalanan ang mga taong sangkot sa kanyang patutsada, matapang namang ginisa ni Morato, na ngayon ay news anchor sa PNA Newsroom, ang mga ito at nakatikim ng maaanghang na salita.

Una nyang binanggit ang Pederalismo, isa sa mga maiinit na usapin sa ngayon.

Ayon sa kanya, gusto ng mga tao na "pagaralan" o "suriin" ito, ngunit kapag nagtakda ang pamahalaan ng taong magpapaliwanag, magagalit ang mga ito.

"Pag dating sa Federalismo , gustong "pagaralan" o "suriin" ng mabuti Pero magagalit sa mga taong napiling magpaliwanag... Di ko gets !"

Maaalalang inatasan ng administrasyon si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson na ipaliwanag ito sa publiko sa simpleng paraan para matiyak na maiintindihan ito ng lahat.

Pangalawang banat ni Morato ay patungkol naman sa isyu ng bigas.

"Sa problema ng bigas , Mahina na nga sa arithmetic magagalit pa sa kabayang sumunod sa hiling ng Presidente... Di ko pa rin gets !"

Matatandaang noong nakaraan lamang ay napabalita ang 100,000 na sako ng bigas na nasabat ng Bureau of Customs mula sa Sta. Rosa Farm Products. Ang nasabing kumpanya ay pagmamay-ari ng isang negosyanteng si Jomerito “Jojo” Soliman.

Si Soliman, ayon sa isa pang Duterte supporter na si Mark Lopez, ay isa sa mga tumulong sa gobyerno para sa katuparan ng 911 at 8888 emergency hotline.

"Mr Jojo Soliman is the man behind Pureforce, the volunteer group which spearheaded the 911 and 8888 emergency and complaint hotline. I cannot overemphasize how important these facilities are to our daily lives."

Dagdag pa ni Lopez, si Soliman ay isa lamang sa mga negosyanteng nakinig sa pangulo na gawing available ang bigas sa mas murang halaga.

"And in this issue of our basic staple, Mr Soliman is one of those who immediately heeded the call of the President to make rice available, AT LOWER COST (At 34 to 37 per kilo)."

Paniwala ni Lopez, ikinakalat ang balitang ito para dungisan ang pangalan ng nasabing negosyante sa kadahilanang tumutulong sya admiistrasyong Duterte.

"Now it seems there are groups out there to make Jojo Soliman as the bad guy. All because he has been helping the President. And in doing so, Jojo Soliman has rattled the status quo and are upsetting a lot of vested interests. And we all know why."
Photo from ABS-CBN
Samantala, sa pangatlong pahayag ni Morato, nabanggit nya ang tila patungkol sa naging sagutan ni Aquino at Cayetano.

"Iba naman dyan , sa google pinaghahanapan ng sagot sa WSP ... juice ko Lord , I Kenat ."

Kamakailan lamang, naglabas ng open letter si Cayetano para kay dating presidente na si Noynoy Aquino. Mabilis naman itong sinagot ni Aquino sa pamamagitan ng isang statement.

Ayon sa sagot nito, sinabi nya kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano na mabilis masasagot ang mga katanungan nito sa pamamagitan ng pag-Google dito.

"I would have to say that an overwhelming bulk of the questions that you put forward could be easily answered through a quick Google search, which would reveal, among others, my statements, our actions, and the positions of the parties who were involved in the matter".

Sa sumunod na banat ng apo ng dating Quezon City Mayor, pinasaringan nya ang mga taong nagmamagaling, ayon sa kanya, "sa mata nila sila ang magaling pero puno naman ng hangin ang utak".

"Sa mga naghahanap ng pangkalawakang solusyon sa komunikasyon at impormasyon lalong lalo na sa mga taong halos walang "access" sa kanilang mga lugar , ang iba dyan walang ginawa kundi hanapan ng mali dahil sa mata nila , sila ang magaling pero puno naman ng hangin ang utak."

Panghuli, pinatikim ng sikat na mamamahayag ng mainit-init na sa salita ang mga taong, para kay Morato, ay mga "nagtatangkang may alam sa issue ng dayaan noong nakaraang halalan".

Patutsada ng PNA Newsroom anchor, sila ang mga taong "talagang bongga sa kabobohan".

"25% functioning brain ... 75% Di mapakali.", dagdag pa nya.


Ang pahayag na ito ay tila patungkol sa blogger ng Pinoy Ako Blog na si Jover Laurio. Ito ay dahil kahapon lamang, naglabas ng open letter si Laurio para kay Atty. Glenn Chong, sa kabila ng wala namang sinulat na liham ang abogado para kay Laurio.

Ang naturang open letter ay may kinalaman sa diumano'y naganap na dayaan noong nakaraang halalan.

Read the full version of Pia Morato's Facebook post below:

Ang Tao nga naman paminsan minsan ...

Pag dating sa Federalismo , gustong "pagaralan" o "suriin" ng mabuti Pero magagalit sa mga taong napiling magpaliwanag... Di ko gets !

Sa problema ng bigas , Mahina na nga sa arithmetic magagalit pa sa kabayang sumunod sa hiling ng Presidente... Di ko pa rin gets !

Iba naman dyan , sa google pinaghahanapan ng sagot sa WSP ... juice ko Lord , I Kenat .

Sa mga naghahanap ng pangkalawakang solusyon sa komunikasyon at impormasyon lalong lalo na sa mga taong halos walang "access" sa kanilang mga lugar , ang iba dyan walang ginawa kundi hanapan ng mali dahil sa mata nila , sila ang magaling pero puno naman ng hangin ang utak.

At sa wakas ... ang talagang bongga sa kabobohan ...

Ang mga nagtatangkang may alam sa issue ng dayaan noong nakaraang halalan ...

25% functioning brain ... 75% Di mapakali.



Sources: Pia Morato Mark Lopez CNN ABS-CBN

Read the Open Letter of Jover Laurio to Atty. Glenn Chong here

Hello avid readers! What are your thoughts on this? Let us know on the comments section below! Also, please share the article for more of this. Thank you for supporting us and may you continue to support us by visiting our page more often.