Atty. Glenn Chong's "Snipets of the Hearing" Explains it All! Says "Thank you!" to Tito Sen. - The Daily Sentry

Wednesday, August 1, 2018



Atty. Glenn Chong's "Snipets of the Hearing" Explains it All! Says "Thank you!" to Tito Sen.



Photo credit to Spot.ph and Rappler

Matapos ang isinagawang pagdinig sa senado noong nakaraang Martes, Hulyo 31, 2018 para sa diumano ay naganap na pandaraya sa eleksyon noong 2016, marami ang naglabasang mga nakakagulat na rebelasyon at ebidensya na magpapatunay na meron ngang anomalya sa nakaraang pambansang eleksyon.

Pinangunahan ni Senador Aquilino Pimentel III, ang pinuno ng Senate Committee on Electoral Reforms at People's Participation at ni Senate President Vicente Sotto III ang pagdinig at pagsilid ng mga katanungan sa mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec), ngunit tila wala diumanong naisagot ang mga ito upang linawin ang mga isyu ng pandaraya.



Samantala, ang dating kinatawan ng Biliran at election lawyer na si Atty. Glenn Chong ay isa sa mga nagpatunay at nagpahayag ng mayroon ngang naganap na anomalya noong panahon ng botohan.

Isiniwalat ng abogado ang mga ebidensya ng pandaraya na talaga namang ikinagulat ng sambayanan.

Ibat-ibang reaksyon ang naglabasan galing sa magkabilang panig at magkalabang partido, at manaka ay may lumabas pang balitang ipinatigil ang pagpapalabas ng video ng pagdinig na magsisilbing patunay sa anomalya.

Ngunit para kay Atty. Glenn Chong, tuloy ang laban at hindi sya titigil na patunayan na meron ngang nangyaring dayaan, upang managot ang sino mang maysala at sindikatong umano ay nagnakaw ng boto ng taong bayan.

Sa kanyang pinakabagong post sa Facebook, naglabas si Atty. Glenn Chong ng video at maikling buod ng mga pangyayari sa pagdinig ng senado noong nakaraang Martes.

Atty. Glenn Chong (Photo credit to Political Tidbits)

Dito kanyang isinaad ang buong kaalaman at kung paano nagsimula ang isyu ng dayaan sa halalan.

Ayon kay Atty. Chong, ang taong nagbigay ng "big break" sa napakalaking anomalyang ito ay walang iba kundi si Senate President "Tito Sotto".

Dahil dito, pinasalamatan ng abogado ang Pangulo ng Senado na humihingi sa Comelec ng paliwanag at listahan ng detalyadong mga kaganapan sa DNS server na kung saan diumano ay dumaan ang 459 voting machines na handa ng magtransmit ng resulta isang araw bago pa man ang halalan noong Mayo 8.



Sa huli, mariing sinabi ni Atty, Chong na kung noon ay umubra ang mga palusot ng Comelec, ngayon ay hindi na ito maaari sapagkat kitang-kitang na ng publiko ang kanilang kasinungalingan at wala na diumanong magagawa ang mga bantay ng Pangalawang Pangulong Leni Robredo.

Basahin ang kanyang buong pahayag sa ibaba: 
Screenshot of Atty. Chong's post (Credit to his Facebook page)


"SNIPETS OF THE HEARING EXPLAINED"

"(Kaalaman ang tanging susi ng ating kalayaan mula sa sindikatong nagnanakaw ng ating boto)

Si Senate President Vicente Sotto III talaga ang taong nagbigay ng big break upang lumabas ang isyu ng dayaan sa halalan. Maraming salamat, Tito Sen.

Hiningi ni Tito Sen ang DNS logs (listahan ng detalyadong mga kaganapan sa DNS server) kung saan unang dumaan ang 459 voting machines na handa ng magtransmit ng resulta isang araw bago pa man ang halalan o Mayo 8.

Walang dinala ang COMELEC. Merong nakita si Sen. Pimentel na bahagi ng logs pero Mayo 9 na. 5 buwan na itong hiningi ni Tito Sen pero kahit pa alam na ng COMELEC na hihingin itong muli sa hearing, hindi pa rin dinala.

Alam nila na mahuhuli talaga sila kaya ayaw ibigay o ipakita. Pero dahil na corner na sila nang ipinakita natin na may kopya na tayo, ibibigay na raw nila "bukas." Tingnan ninyo ang mukha ni Chairman Abas.

Nag-expect si Tito Sen na kompleto ng answers and ammunitions ang COMELEC pagdating sa hearing. Wala po sila nito dahil ang bitbit lang nila ay pawang mga palusot lamang. Umubra ito noon pero di na ngayon. Kaya ayan, kitang-kitang ng publiko ang kanilang kasinungalingan at walang nagawa ang mga bantay ni Leni Robredo."


***

Upang mapanood ang video, click this Video link


SourceGlenn Chong