Ben Tulfo: Nagbida at nagpasikat lang si Gordon bilang chairman ng Blue Ribbon Committee - The Daily Sentry

Wednesday, August 15, 2018



Ben Tulfo: Nagbida at nagpasikat lang si Gordon bilang chairman ng Blue Ribbon Committee




Senator Richard J. Gordon and Ben Tulfo / Composite photos from Eaglenews and news.abs-cbn.com
Naghayag ng kanyang sama ng loob ang Production Company Executive ng BITAG na si Ben Tulfo kay Senator Richard Gordon kaugnay sa nangyaring Blue Ribbon Senate Hearing nitong Martes sa anomalyang kinababalutan ng PTV – BMUI sa Department of Tourism (DOT) sa programa nitong ‘Kilos Pronto’.

Tahasang sinabi ng may akda na tila nagpa – bida o nagpasikat lamang umano ang Senador sa buong oras ng hearing kasama pa aniya ng pagbubuhat nito ng bangko. Inamin din ni Ben na inantok daw siya sa pakikinig ng mga kwento ni Gordon tungkol noong araw sa panahon pa ni kopong – kopong.


Aniya, “ganoon nga ba talaga `pag tumatanda na? Sinasariwa ang mga bakas ng kahapon? Okay lang sana kung kausap ay mga apo at anak niya. Kaso, mga resource person na hindi interesado sa kanyang pagbibida.”

Giit ni Tulfo, dumalo ito kasama ang nakababatang kapatid at batikang journalist na si Erwin Tulfo upang magbigay – galang sa Senado at bigyang – linaw ang kontrobersiyang pinasabog umano ng mga ‘dilawang media’. Kung tutuusin umano, tanging kontrata at Certificate of Performance lamang ang hinihingi ng Comission on Audit sa naturang pagdinig.
Senator Richard J. Gordon / Photo from news.mb.com.ph
Hinaing pa ni Tulfo, “pinagduduldulan ang isyung conflict of interest na para bang ang kontrata ay galing sa DOT at diretsong ibinigay sa Kilos Pronto” na sa katotohanan ay ang PTV umano mismo ang kanilang principal sponsor at naglagay ng segment at ads placement sa programang Kilos Pronto.

Kaya’t tanging hiling ni Ben, “sana sa susunod, pagbigyan n’yo ang mga resource person na ma­kapagsalita. Kung hindi man tutugma ang kanilang mga paliwanag sa inyong pananaw o kaalaman, bigyan n’yo pa rin ng galang. `Wag n’yong patitigilin hanggat hindi pa natatapos” dahil hukuman naman daw aniya ang huhusga sa huli base sa pinanghahawakang dokumento ng mga akusado.

Kinumpronta din ni Tulfo si Senator Antonio Trillanes ukol sa pinakalat nitong pahayag na hindi umano isosoli ni Tulfo ang binayad ng PTV at sinabing, `kaya nga ayaw isoli, ninakaw nga eh!` Sa panahong iyon, biglang nanghimasok naman itong si Gordon at bigla nalang naputol ang kanyang pagtatanong.
 Ben Tulfo / Photo from ABS-CBN News
Matatandaang nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawang Senador nakaraang taon na napahayag naman ng media sa telebisyon at kasalukuyang nanatili sa Youtube.

Ang lalong ikinasama ng loob ni Tulfo kay Gordon ay ang ginawa pa nitong manawagan sa sinumang gustong tumestigo at maging state witness pa umano laban sa magkakapatid na tulfo gawa na rin sa kanyang buong pananaw, persepsiyon at pagdududa sa kanila sa naturang anomalya.

Panawagan nito sa Senador, “Sen. Gordon, sa Ombudsman din pala hahantong, bakit pa tayo nag-aksaya ng panahon? Ano ba talaga in aid of legislation or in aid of re-election? Mr. Chairman, I rest my case. Thanks for allowing me to talk to you this ways, unfiltered, so that somebody will bring this piece directly to you.”

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  philstar.com