Erwin Tulfo, hinamon si Trillanes na sampahan ito ng kasong plunder - The Daily Sentry

Wednesday, August 1, 2018



Erwin Tulfo, hinamon si Trillanes na sampahan ito ng kasong plunder




Senator Antonio Trillanes and  Erwin Tulfo, photo from RMN.ph
Matapang na hinamon ng batikan na news anchor na si Erwin Tulfo ang Magdalo Partylist representative na si Senador Antonio Trillanes IV na sampahan na ng kaso ang mamamahayag at mga kapatid nito kung talagang TOTOO ang mga paratang ukol sa pagkakadawit sa kontrobersiyal na P60 Million sa nilagdaang advertising contract ng Department of Tourism (DOT) at state - run People’s Television Netwok (PTV) sa programang Kilos Pronto ng Bitag Media Unlimited Incorporated (BMUI).

Sa isang Facebook post nitong Martes ng umaga idinaan ni Erwin Tulfo ang pagkakasuklam nito sa ‘Baklang Senador’ kung kanyang tawagin at hinamon nitong subukan siyang bastusin sa pagdinig tuluyan na nitong kasohan ng kasong PLUNDER ang magkakapatid.


Inanyayahan din ni Erwin ang mga tagapakinig nito na antabayanan siya sa kanyang Live Video sa programa nito sa Radyo Pilipinas 738khz na ibabahagi din sa kanyang Facebook page.

Matapos ang mahaba at masiglang pagbati nito sa kanyang mga tagapakinig, agad namang bumungad ang pagpapakilala nito kay Trillanes at sinabing, “mayroon isa diyan na ayaw tumigil sa kapuputak ang hinayupak, alright! Ang tinutukoy ko ay itong si lintik na Senador Antonio Trillanes.
Erwin Tulfo, photo from Media Newser Philippines

“Hindi ko alam kung binabae itong hinayupak na ito o bakla lang talaga. Ha? Daldal ng daldal, putak ng putak itong tinamaan ng tigidig na Senador na ito.... Daig pa ang babae, susmaryosep, diyos ko po! Ang bunganga nito, akala mo bunganga ng (bakla) exactly!”

Umugong ang kontrobersyal na balita ng naglabas ng pahayag ang Commission on Audit (COA) ukol sa anomalya na wala di – umanong sapat na dokumentong maipakita ang BMUI sa mga ‘segment buy at spot placement ng mga ini – ereng commercial advertisements sa naturang programa para sa DOT kagaya ng Memorandum of Agreement at Certificate of Performance na labag naman sa Section 4 ng Presidential Decree 1445 at COA Circular No. 2012-001.

Ito na din ang naging dahilan kung bakit kinalaunan ay nagbitiw na sa kanyang pwesto bilang Tourism Secretary si Wanda Teo, ang isa sa mga kapatid ng mga Tulfo.
Senator Antonio Trillanes, photo from gmanetwork.com
Sa nauna na nitong pahayag, ipinaliwanag nito na wala umanong ugnayan o conflict of interest na naganap sa pagitan ng mga Tulfo at ng ahensyang pinanghahawakan nito dahil ‘government – to government’ aniya ang kontrata na dumaan sa maayos na bidding.

Ayon kay Wanda, “the contract was between PTV 4 and DOT, because the request of the President is that we support the government stations.”

Dagdag pa nito, “Because the contract was between PTV 4 and DOT, I don’t have a hand if they put it on my brother’s program. So there’s no conflict of interest because at the end of the day, the contract was between PTV 4 and DOT.”

Samantala, basahin sa ibaba ang buong Facebook post ni Tulfo:

“Mamaya sa TUTOK ERWIN TULFO...

“1. HINDI LANG PALA BINABAE ITONG SI SEN. TRILLANES KUNDI SAKSAKAN PA PALA NG BOBO.

“PILIT AKONG ISINASAMA SA CONTROVERSIAL DOT-PTV P60 MILLION ADVERTISING CONTRACT.

“HOY BAKLANG SENADOR, WAG PURO DADA...ISAMPA MO NA YANG KASO MO MAMAYA SA OMBUDSMAN O KAHIT SA KORTE PA NI LUCIFER PARA MAGKAALAMAN NA AT HINDI YUNG TRIAL BY PUBLICITY.

“SABIHIN MO RIN ATENG SA MGA KASAMA MO SA SENADO MAG-IMBESTIGA NA AT AKO ANG UNANG IPATAWAG.

“GUSTO KO RIN IKAW ANG MAGTANONG SA AKIN AT TRY MONG BASTUSIN AKO SA HEARING TULAD NG GINAWA MO SA IBA, PARA MALAMAN MO “WHAT I AM REALLY MADE OF”!!! Gets mo Triling?

“CANT WAIT TO SEE YOU FACE TO FACE AT THE SENATE HEARING.

“Ngayong 10am na sa Radyo Pilipinas 738khz at LIVE VIDEO dito sa Erwin Tulfo FB page


“please tune in and share...

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.