![]() |
Photo credit to RigobertoTiglao.com and BuzzFeed Now |
marami ang naglabas ng kanilang reaksyon ukol dito. Mayroong mga nagsabing ang pag-sisante kay Carandang ay ilegal, labag sa saligang-batas, at hindi tama.
Ngunit kung may mga hindi sang-ayon, mayroon din namang natuwa sa pagpapatalsik sa Overall Deputy Ombudsman, at isa na dito ang beteranong manunulat at Filipino diplomat na si Rigoberto Tiglao.
Sa kanyang column sa isa sa mga nangungunang media outfits at pahayagan sa bansa, ipinahayag ni Tiglao ang kanyang pagsang-ayon sa pagkakatanggal ng Malacañang kay Carandang mula sa serbisyo-publiko.
![]() |
Image of website where article was posted. (Photo credit to Bulgar Online) |
Dito, isinaad ni Mr. Tiglao ang dahilan kung bakit natangal umano sa puwesto si Overall Deputy Ombudsman at sinabing hindi dapat kaawaan ang nangyaring pagpapatalsik sa huli, sapagkat ang taong ito ay marami diumanong koneksyon tulad ng pinsan niyang dating tagapagsalita at propagandista ni Former President Noynoy Aquino.
"Mga pusong mamon diyan, huwag kayong maawa kay Carandang, mayaman ito at maraming ‘konek’ na mga dilawan tulad ng pinsan niyang si Ricky Carandang, dating tagapagsalita at propagandista ni ex-President Noynoy Aquino. Maraming kukuha rito na dilawang grupo para sa kanilang ‘operasyon destabilisasyon’ matapos makita ng lahat na magaling pala itong magsinungaling.", ani Tiglao.
![]() |
Melchor Arthur Carandang (Photo credit to ABS-CBN ) |
"Kaya kayong mga natitirang dilawan sa gobyerno, umalis na lang kayo kung ayaw ninyo sa administrasyong Duterte. Hindi ‘yung habang nasa loob kayo ay para kayong anay na naninira. Magsilbing babala sa inyo itong sinapit ni Carandang, isang taksil sa bayan.", aniya.
Basahin ang kanyang buong pahayag sa ibaba:
"NATUWA tayo nang husto sa balita na sinisante na ng Malacañang si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang dahil sa graft at korupsiyon, gayundin ang hatol na ‘betrayal of public trust’ o ang masamang pagtataksil sa bayan.
Sa ating nakalipas na kolum, ating iminungkahi sa bagong Ombudsman na si Samuel Martires na bantayan niyang mabuti kung nariyan pa si Carandang at baka magtraydor din ito sa kanya.
Ayon sa dismissal order na inilabas ng Malacañang, ipinag-utos nito ang pagtanggal kay Carandang mula sa serbisyo-publiko at papatungan din siya ng iba pang karampatang parusa. Banned din habambuhay si Carandang mula sa anumang posisyon sa gobyerno. Hindi pa malinaw kung kakasuhan si Carandang at kung gaano katagal. Maaari rin itong hatulan ng malaking multa dahil sa kanyang mga paglabag ng batas.
Umaksiyon ang Palasyo kay Carandang sa bisa ng mga reklamong administratibo na isinampa laban sa kanya ng mga abogadong sina Manuelito Luna, Eligio Mallari, Jacinto Patas at Glenn Chong. Si Executive Secretary Salvador Medialdea ang pumirma ng dismissal order ni Carandang.
Mga pusong mamon diyan, huwag kayong maawa kay Carandang, mayaman ito at maraming ‘konek’ na mga dilawan tulad ng pinsan niyang si Ricky Carandang, dating tagapagsalita at propagandista ni ex-President Noynoy Aquino. Maraming kukuha rito na dilawang grupo para sa kanilang ‘operasyon destabilisasyon’ matapos makita ng lahat na magaling pala itong magsinungaling
Hindi tayo nagsabing sinungaling siya, ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang nagsabi nito. Akala kasi ni Carandang ay dilawan pa rin ang paligid: Sinabi ba naman sa media na may dokumento raw siyang hawak na nagpapakita na may P1 bilyon sa bangko si P-Duterte. Agad na sinabi ng AMLC na kasinungalingan ito. Idiniin nila na wala silang sinasabing may perang ganito sa bangko ang pangulo at wala rin daw silang ibinibigay na anumang bank rekord kay Carandang o kahit pa kay dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Matapos pabulaanan ng AMLC ang kanyang mapanirang mga salita, humingi ba ng paumanhin si Carandang? Hindi. Nagpa-interview ba ito sa media para sabihing nagkamali siya? Hindi rin. Anong tawag mo rito? Ano pa kundi destabilizer! Ayon sa Palasyo, malinaw na gusto lang ni Arthur Carandang na bigyan ng bala ang oposisyon lalo na si Senador Antonio Trillanes IV sa mapanirang kampanya nito laban kay P-Duterte. May naniniwala pa ba kay Trillanes? Balita natin kapag umiikot ito abroad, iniiwasan at tinatalikuran na raw ito ng mga OFW.
Kaya kayong mga natitirang dilawan sa gobyerno, umalis na lang kayo kung ayaw ninyo sa administrasyong Duterte. Hindi ‘yung habang nasa loob kayo ay para kayong anay na naninira. Magsilbing babala sa inyo itong sinapit ni Carandang, isang taksil sa bayan."
![]() |
Photo credit to YouTube |
Source: Bulgar Online