Ito pala ang dahilan bakit hindi inilabas ng mainstream media ang nangyari sa senado kahapon: “Dumanak ang pera ng Smartmatic, kaya tatapalan nila ng pera ang media.” -Atty. Glenn Chong - The Daily Sentry

Wednesday, August 1, 2018



Ito pala ang dahilan bakit hindi inilabas ng mainstream media ang nangyari sa senado kahapon: “Dumanak ang pera ng Smartmatic, kaya tatapalan nila ng pera ang media.” -Atty. Glenn Chong



Atty. Glenn Chong on Smartmatic and COMELEC. Image credit to Innovation Philippines
The Senate investigation on affirmed election fraud in 2016 elections is not getting enough media attention because an individual from the media during the hearing is being guarded by the authorities of Smartmatic. Some individuals from the media are also being paid by the Smartmatic so they would not cover the hearing that could obliterate their validity as the official provider of voting machines in the Philippines said Chong. Hence, Atty. Chong did not reveal the names of the media companies that supposedly got fixes from Smartmatic.

According to Atty. Glenn Chong's post:

“Hindi lumabas ang live coverage o pinutol ang live coverage ng hearing dahil nakatutok sa labas ang pointman ng Smartmatic na nagbabantay sa media. Dumanak ang pera ng Smartmatic ngayong araw dahil ayaw nilang malaman ninyo ang katotohanan.” 
“Takot sila sa inyo na magalit at mapatalsik sila forever sa Pilipinas. Kaya tatapalan nila ng pera ang media upang hindi lumabas ang balitang ito at hindi ninyo malalaman. Lumabas ako, nagmura at pinarinig ko ang tao ng Smartmatic para lang malaman niya na alam ko ang ginagawa nila.” he added.
Followed by these, Atty. Chong also said that some of the Smartmatic officials are avoiding being caught by their superiors in Valenzuela.
“Sir nandoon po ang mga tao ng Smartmatic nagbantay sa media. Gumastos ng husto. Namula ang country head ng Smartmatic kasi nahuhuli sila habang nandoon din ang superior niya mula Venezuela. Kaya walang live coverage sa kanila.” Chong claimed.
He is also asking his followers to spread the news.
“Bumuhos ang pera ng Smartmatic ngayong araw maam upang patayin ang news. Kaya todo kayod talaga tayong ipakalat ang balitang ito sa social media.Malaking tulong po ang pagshare ng post na ito.” Chong said.

Read full post below:
BREAKING NEWS: BARKONG M/V LP-COMELEC-SMARTMATIC LUMUBOG SA KARAGATAN NG SENADO NGAYONG ARAW
(Pinakamahalagang bahagi ng video ay mula 19:50 hanggang 2:25:50)
ATTN: CLARE CATTLEYA AMADOR, Head for Public Police of Facebook Philippines - THIS POST IS NOT A SPAM. IT IS A PUBLIC INTEREST ISSUE VERY WELL WITHIN OUR CONSTITUTIONAL FREEDOM OF SPEECH. IF WE CONTINUE TO RECEIVE REPORTS OF FB TAKING DOWN THIS POST OR OTHER POSTS MADE BY OTHER PEOPLE INVOLVING THE SAME ISSUE, ESPECIALLY THE HEARING AT THE SENATE YESTERDAY, WE WILL TAKE LEGAL ACTION AGAINST FACEBOOK PHILIPPINES FOR DAMAGES UNDER ART. 32, CIVIL CODE OF THE PHILIPPINES.
Sa araw na ito, sa harap ng publiko ay napatunayan namin na totoo ang isiniwalat ni Senate President Vicente Sotto III tungkol sa dayaan, mga irigularidad at mga anomalya sa halalan noong 2016.
Hindi lumabas ang live coverage o pinutol ang live coverage ng hearing dahil nakatutok sa labas ang pointman ng Smartmatic na nagbabantay sa media. Dumanak ang pera ng Smartmatic ngayong araw dahil ayaw nilang malaman ninyo ang katotohanan.Takot sila sa inyo na magalit at mapatalsik sila forever sa Pilipinas. Kaya tatapalan nila ng pera ang media upang hindi lumabas ang balitang ito at hindi ninyo malalaman. Lumabas ako, nagmura at pinarinig ko ang tao ng Smartmatic para lang malaman niya na alam ko ang ginagawa nila.
Kaya kung maari, pakiusap kong lubos sa inyo, sama-sama tayo sa laban na ito at ipakalat natin ang video at balitang ito na nahuli na talaga ang kasinungalingan ng sindikatong Comelec-Smartmatic na nandadaya sa ating halalan. Isang share lang po ninyo, malaking bagay na po. Huwag nating hayaang manalo ang pera nila. Buhay, kinabukasan at pag-asa nating lahat ang nakasalalay sa laban na ito.
Malinaw sa aking mga ipinakitang presentation slides at mga ebidensiya mula sa Comelec mismo na totoong may 459 mga presintong nagtransmit na ng resulta buong araw hanggang magdamag ng Mayo 8, isang araw bago ang halalan.
Ang palusot ng Comelec ay Final Testing and Sealing diumano ang mga ito. Kaya tinanong ko sila kung ito ba ay FINAL ANSWER na nila. Pinag-CALL A FRIEND ko pa nga sila sa Smartmatic. Matagal bago sumagot ang Comelec at Smartmatic. Natakot ang sindikato na mabitag. At NABITAG nga!
Ipinakita ko na ang ebidensiya (audit reports mula sa mga makina mismo) mula sa lahat ng presinto ng Ragay, Camarines Sur kung saan wala ni isa sa mga makinang ito ang bukas sa araw ng Mayo 8.
Kung walang ni isa sa mga ito ay bukas sa araw ng Mayo 8, sino ang nagpadala ng query sa DNS server na naitala noong Mayo 8, 8.40 ng umaga, upang magtransmit ng resulta mula sa isang makina papuntang Ragay? Malinaw na hindi ito galing sa mga lehitimong makina dahil nakapatay silang lahat. Ang transmission na ito ay galing sa isang peke o cloned voting machine. Buking ang palusot ng sindikato. Natameme sila. Watch the video.
Pagkatapos ng hearing, nang lumabas na ang mga taga-Comelec, lahat sila, nakasimangot. At ang pinuno ng Smartmatic sa Pilipinas ay namula dahil nabuking na sila sa harap pa mismo ng kanyang amo na galing pa sa ibang bansa.
Abangan ang mga susunod na posts tungkol sa isyung ito.


****
Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.