A MUST KNOW: May mga paraan para makalusot si Trillanes ngunit hindi niya ito ginagawa - The Daily Sentry

Saturday, September 8, 2018



A MUST KNOW: May mga paraan para makalusot si Trillanes ngunit hindi niya ito ginagawa



Explainer: History of Trillanes' amnesty and his war with Duterte. Image credit to KAMI.com.ph
Ang Proclamation 572 ay naisapubliko na, ito ay pagsasawalang bisa mula umpisa na binigay na amnestiya kay Sonny Trillanes IV.

Ang mga sumusunod ay ang mga paraan upang masolusyonan ang kinahaharap ni Trillanes ngayon.
Senator Antonio Trillanes IV show relevant documents on his amnesty during a press briefing at the Philippine Senate in Pasay. Image credit to ABS-CBN News 
[A] Kopya Application form na may stamp na “received”

[B] Ang sworn affidavit of admission of guilt na mayroon ding “received” stamp.

Magpasa hanggang ngayon ay wala parin maipakita ang senador.

Ang mga posibilidad na rason kung bakit ito nangyayari:

[1] Maaarinf wala naman talaga application form at sworn affidavit.

[2] Hindi mahanap ang application form at sworn affidavit.

[3] Isa lamang general admission of guilt ang sworn affidavit, kumbaga, “okay sige ako ay guilty” pero hindi sinaad ng affidavid kung alin ang mga krimen na siya ay umaamin ng pagkakasala.
Sen. Antonio Trillanes IV taking an oath as he submits his application for amnesty at Camp Aguinaldo. Image credit to The Philippine Star
Hindi sapat ang general admission guilt lamang, kailangan ay partikular biyang aminin ang kasong isinampa laban sakanya, tulad nalang ng coup d’etat na nakasampa sa civillian courts, at mutiny na nakasampa naman sa military courts. Ito ay ayon kay Justice Secretary Guevarra.

Ang pang apat na posibilidad naman ay kung kumpleto ang kanya admission at mayroon din itong application form ay sadyang hindi niya lang ito isinisiwalat para magamit ng mga Dilaw ang kanyang sutwasyon para sa malawakang kilos propaganda.

Hindi masyadong malinaw ang ika-apat na posibilidad dahil noong araw ay hindi niya inamin ang pagkakasala ng kanyang kaso ukol sa coup d’etat.
Senator Antonio Trillanes IV's lawyer Rey Robles and fellow mutineer former Magdalo Representative. Image credit to Rappler
Si Atty. Rey Robles ng Chan-Robles ang abogado ni Trillanes, mula pa noon kaya naman malabong mangyari ang una at pangalawang posibilidad dahil sa napaka galing na abogado ni Atty. Robles and ito ay isa lamang sa basic task ng isang abogado ang recordkeeping.

Lumilitaw na ang ika tatlong posibilidad ang lamang, maaari nga naman na depisyentenang ginawang affidavit ni Trillanes, hindi niya inisa isa ang mga pag amin sa kaniyang mga pagkakasala sa mga kasong nakasampa sakanya, ito ay isang simpleng general admission lamang.

Ano ba ang naging problema at bakit hindi niya ito inisa-isa?

Ang proklamasyon ng amnestiya ay nangangailangan ng pagsang-ayon ng Kongreso, ang amnestiya sa sitwasyon ni Trillanes ang pagsang-ayon ay nakasaad sa Concurrent Resolution number 4 ng ikalabinlimang Kongreso.

Ayon sa resolusyong ito:

"No application for amnesty shall be given due course without the applicant admitting his guilt or criminal culpability of any or all of the subject incidents in writing as expressed in the application."

Ayon sa mga abogado, ang talatang ito ay ang nagsasabi na hindi maaaring mabigyan ng amnestiya ang isang aplikante sa kasi na hindi niya kailanman inamin.

Kung si Trillanes ay hindi umamin sa kanyang pagkakasala sa kaso niyang kudeta ay hindi siya maaaring magbigyan ng amnestiya para dito.

Sa Vera v. People (G.R. No. L-18184, https://bit.ly/2Cl58LF) ay ganito rin ang isinasaad "amnesty cannot be invoked, where the accused actually denies the commission of the offense charged."

Sa Tagalog ay “hindi maigagawad ang amnestiya kung hindi inaamin ng akusado ang pagkakasala sa krimeng nasasaad sa kasong nakasampa.”

Sa Proclamation 572 ito rin ang nabanggit na kaso, Vera v. People.

Kung hindi umamin ng kaniyang pagkakasala si Trillanes sa kaso ng Kudeta ay walang bisa ang iginawad sa kanyang amnestiya mula pa noon pinaka umpisa.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.