Albayalde, tiniyak na walang maka-Trillanes sa PNP - The Daily Sentry


Albayalde, tiniyak na walang maka-Trillanes sa PNP




Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde / Photo from The Philippine Star
Matapos hamunin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grupong Magdalo at mga pulis kasama si Senador Antonio Trillanes IV na ituloy ang tangkang kudeta laban sakanya, tiniyak naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na malabong mangyari na sumama ang kapulisan sa tangkang pagpapataksik kay Pangulong Duterte.

“Over and over and over, zero sa amin ‘yan rito sa PNP. Wala kaming namo-monitor na whatsoever giving support to Senator Trillanes,” giit ni Albayalde.


Sinabi pa ni Albayalde na kampante ito sa kanilang hanay kung kayat hindi na kailangan pang magkaroon ng loyalty check sa kapulisan.

“Just yesterday, I am in Zamboanga, kasama natin ‘yung mga SAF (Special Action Force). We need not loyalty check in our ranks,” aniya.
Photo from GMA Network
“We will always be loyal for the Constitution, to his administration and to the Filipino people. The President has our trust and confidence and we have his trust and confidence,” dagdag pa nito.

Matatandaang sa isang one on one interview ng Pangulo kasama si Presidential adviser salvador Panelo, nabanggit nito na tila may namumuong Kudeta.

Sa magkabilang pahayag, iginiit din ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang ginawang paghahamon ng Pangulo ay bahagi lamang ito ng ‘expression of confidence’.

“Hinamon niya ang militar dahil sigurado naman siya na walang suporta.So, pero, sinasabi niya ako’y hindi kapit-tuko. Kung gusto ninyo, gawin ninyo. But I think the President by saying so, he’s confident na walang banta sa kanyang administrasyon at wala namang sasama sa mga komunista at mga nagbabalak na patalsikin siya,” litaniya ni Sec. Roque.

Sinabi rin ni Roque na gusto lang ipakita ng Pangulo ng kailanman ay hindi magtatagumpay ang mga taga oposisyon na patalsikin siya sa posisyon.
President Rodrigo Duterte / Photo from Interaksyon
Base umano sa intelligence report mula sa foreign government, ibinulgar din ng Pangulo na may sabwatan sa pagitan ng komunista, Magdalo group at mga dilawan na ipa-assassinate sya sa September 21.

Dahil dito, sinabi naman ni Magdalo Representative Gary Alejano na pwedeng maharap ang Pangulo sa impeachment dahil sa ginawang pagtanggap nito sa intelligence report galing foreign government.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  remate.ph