Atty. Chong, kinundena ang ‘patagong’ executive session ng COMELEC at JCOC: “Niluluto na nila ang pagmanipula at pagdaya sa darating na halalan.” - The Daily Sentry

Thursday, September 6, 2018



Atty. Chong, kinundena ang ‘patagong’ executive session ng COMELEC at JCOC: “Niluluto na nila ang pagmanipula at pagdaya sa darating na halalan.”




Composite photos from Atty. Glenn Chong (Facebook) and  Fact News Philippines
Dismayado ang dating Representante ng Lone District of Biliran at ngayo’y tumatayong Legal Counsel para sa Electoral Protest na isinampa ni dating Senador Bongbong Marcos na si Atty. Glenn Chong nang matuklasan nitong may naganap na di – umano’y ‘patagong’ executive session ng Joint Congressional Oversight Committee (JCOC) ng Senado at ng Commission On Election (COMELEC) kaugnay sa paghahanda nito sa darating na 2019 Elections.

Naganap ang naturang pagpupulong sa loob ng Manila Polo Club nito lamang Huwebes kung saang malaki ang paniniwala ni Chong na dito na ‘niluluto’ ang pag – mamanipula at pandaraya na gaganapin sa darating na halalan.


Dagdag pa ni Chong, ipinipilit pa ng ahensiya na muling ipagkakaloob sa isa na namang pagkakataon ang magaganap na Automated Elections sa kompanyang Smartmatic na nauna nang inakusahan sa paglaganap ng hindi maipaliwanag na ‘early transmission’ sa pagitan ng COMELEC at mga makinarya nito, isang araw bago maganap ang pormal na halalan noong 2016 na umabot sa 459 beses.
Photo from Atty. Glenn Chong
Nanggagala – iti sa galit si Chong ng maibahagi ang post kaugnay nito sa kanyang Facebook account at kinuwestiyon ang motibo ng mga ito kumbakit sa labas pa ng Senado ginanap ang naturang ‘session’.

“Dahil maraming magmamasid at maraming makakaalam kung doon gaganapin ang patagong session nila. Kaya playing safe sila, sa Manila Polo Club na lang,” sabi ni Chong.

Ayon kay Chong, nagawa ng mga ito na magkaroon ng patagong executive session samantalang sangkaterba pa ang mga isyung hindi pa nareresolba kaugnay noong nakaraang eleksyon. Aniya, “taktika talaga ito ng sindikato. Kapag nahuli sila sa public hearing, sa closed-door session sila tumatakbo. Nangyari na rin ito noong 23 March 2012. Ito na naman tayo ngayon.”

Iginiit ni Chong na si dating Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang nanguna sa naturang pagtitipon bilang Chairman ng Philippine Senate Electoral Reforms and People's Participation Committee.
Atty. Glenn Chong / Photo from Fact News Philippines
Hinimok din ng butihing Abogado ang mga Netizen na ipakalat ang kanyang post kalakip ang aktwal na litrato sa naganap na session upang mapigilan ang napipintong pagnanakaw ng mga boto.

Narito ang kabuo – an ng kanyang Facebook post:

PATAGONG EXECUTIVE SESSION NG SENATE COMMITTEE SA ISYU NG HALALAN GINAGANAP NGAYON

Tulad ng mga magnanakaw at mandaraya, kasalukuyang ginaganap ngayon sa Manila Polo Club, hindi sa loob Senado, ang patagong executive session ng Joint Congressional Oversight Committe ng Senado (closed to the public) upang malaman diumano ang paghahanda ng Comelec sa 2019 elections.

Bakit sa labas ng Senado? Dahil maraming magmamasid at maraming makakaalam kung doon gaganapin ang patagong session nila. Kaya playing safe sila, sa Manila Polo Club na lang.

Niluluto na nila ang pagmanipula at pagdaya sa darating na halalan. Ipipilit talaga nilang Smartmatic muli ang magpapatakbo ng ating halalan. Ipipilit nila ang kanilang dayaan. Kaya ayan, nagtatago at ayaw humarap sa publiko.

Ginagawa nila ito ngayon pero hindi pa nila sinasagot sa harap ng publiko ang sangkaterbang isyu ng dayaan sa nagdaang halalan. Taktika talaga ito ng sindikato. Kapag nahuli sila sa public hearing, sa closed-door session sila tumatakbo. Nangyari na rin ito noong 23 March 2012. Ito na naman tayo ngayon.

Sa executive session, hindi pinapayagang manood at makinig ang media at publiko.

Ipakalat po natin ito upang magkaisa tayong umaksyon ngayon at mapigilan ang napipintong pagnakaw muli ng atong mga boto.

Ako'y nanggagalaiti sa galit!!! 😠😠😠

Basahin ang ilang reaksyon ng mga netizens sa ibaba:

Dante Vergara: So Ano ba ang gagawin natin ngayon magmamasid na lang Atty.Glen?Paano na ang kawawang taumbayan at ang mga susunod na mga henerasyon?Ganito na lang ba tayo?Wala ba tayong gagawin Atty.?Saan na ba tayo patungo ang bayan nating Pilipinas😪😪😪😪

Merlyn W. Damuwon: Mga hinayupak na mga demonyo na nagmukhang tao ang mga to. Hinding hindi kayo magwawagi sa mga plano niyo. Laban lang po Atty. Glenn.


Eastern Kickers Hofuf: Tsk...tsk..tsk mayayari na naman si juan pag ganyan ng ganyan sir anak ng kulugo naman sabagay di na nakapagtataka karamihan sa mga nk upong senador produkto ng COMELEAK at SMARTMAGIC pweh ang labo talaga di na yata makakatikim si juan at maria ng matinong halalan

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  Glenn Chong