Doktor from UP nagsalita na sa mga "modern day damasos" na kumakatawan sa mga kasinungalingan at panloloko sa sambayanan. - The Daily Sentry


Doktor from UP nagsalita na sa mga "modern day damasos" na kumakatawan sa mga kasinungalingan at panloloko sa sambayanan.



Dr. Francisco Pascual Tranquilino at mga paring Katoliko. Image credit to Facebook/Francisco Pascual Tranquilino
Isang doktor ang hindi na nakapagpigil at inilabas ang kanyang hinaing patungkol sa mga kaparian. Kung dati ay bihira tayo makarining ng mga pari na nakikisawsaw sa mga usaping tungkol sa mga kaganapan sa bansa, tila umikot na ata ang mundo.

Sa post ng doktor na ito na Francisco Pascual Tranquilino hinahalintulad niya ang mga pari kay "SOCRATES" at "DAMASO" ng dahil sa mga sinabi nito.


Dahil ayon kay Tranquilino, may isang pari na taga Caloocan na may pahaging patukoy sa mga taong inaangking na sila ay kristiyano ngunit hindi naman daw ito marunong magpahalaga ng buhay ng kanilang binibiktima. Ang pari na tinutukoy dito ng doktor ay si Padre Pablo.

“Dumanas nawa kayo ng kasawian kayong mga tumatawag na kristiyano sa sarili ngunit wala mang lamang ni katiting na pagpapahalaga sa buhay ng mga biktima ng pagpatay…”

Image credit to Facebook/Francisco Pascual Tranquilino
Bukod kay Padre Pablo, hindi din nakaligtas si Padre Pabillo ng Maynila na hinalintulad din kay Damaso at Socrates dahil sa kanyang sinabi patungkol sa Presidente.

“He did not give up. He returned to his knees and sobbed tears of shame and guilt. He heard a voice again, “Do you love me?” feed my people. Feed them the food of truth. Set my people free. I will wait, the Lord assured Art.” (referring to Arthur Lascanas, the alleged member of DDS).

“God did not give us Duterte to be our President. The 16 million voters chose him to be President and he is now President.”

“Edgar held on to God for love of his life. He asked God for security. He asked God for safety. Did God confront him or rebuke him for the murders he was paid for? Not at all! God just embraced him like the returning younger son in the parable of the prodigal son. Edgar did not even say “Lord have mercy.” He just said “Lord save me they will kill me.” (referring to Edgar Matobato, the admitted hitman used by Trillanes and De LIEma in the Senate hearing to portray Duterte as the leader of the Davao Death Squad (DDS) and a ruthless killer).

At kapag ang kapwa nila kaparian ang nagkakasala ay pilit nilang tinitikom ang kanilang mga bibig.
Image credit to Facebook/Francisco Pascual Tranquilino

Image credit to Facebook/Francisco Pascual Tranquilino

Image credit to Facebook/Francisco Pascual Tranquilino
Ayon kay Tranquilino na para bang mga ibang kaparian ngayon ay tila hindi naiiba sa mga nagdaang mga pari na nabilang sa kasaysayan ng Pilipinas. Dagdag pa nito na tila wala daw ipinagkaiba ang mga pari noon at ngayon dahil pare-pareho silang mapanghusga, malisyoso ang pag-iisip, walang katunayan ang mga paratang na binibitawan, higit sa lahat tinawag pa niya itong mga hipokrito.

Kinukwestiyon din ni Tranquilino ang mga reaksiyon at mga salitang binibitawan ng mga paring ito na puro si Pangulong Duterte ang kanilang pinupuna, tulad na lamang ang pagmu-mura nito, pagbibiro sa salitang rape at pagtawag sa panginoon ng stupid.

"Sus maryosep! Nagmura si Duterte at ginawang biro ang rape, walang respeto sa kababaihan tapos “God is stupid” daw. Kaya magtatawag ng rally at hihimukin ang sambayanan upang patalsikin ang Pangulo dahil nagmura at nang-insulto sa Diyos, subalit tikom ang bibig sa mga paring napatunayang nanggahasa sa mga bata o mga paring nakisampid sa asawa ng politiko at napatay." ayon sa doktor.

"Gayon na lang kung makapuna sa katiwalian ng kasalukuyang gobyerno, pero tahimik tungkol sa pandaraya sa halalan ni Robredo o sa kapalpakan ni Noynoy sa Mamasapano, o sa katiwalian sa PDAP o sa korupsyon ng Dengvaxia." Pagpapatuloy nito.

"Nasanay sa magandang buhay sa ilalim ng mga Dilaw, mula kay Cory hanggang kay Noynoy kaya nang maiba ang namumuno, nawindang at hindi titigil hanggang hindi mapabagsak. Nanisi pa sa 16 na milyong bumoto kay Duterte, hindi raw Diyos ang nagbigay kay Duterte sa sambayanan." Dagdag pa nito.

Ayon kay Tranquilino, na marahil ang ganito din daw si Padre Damaso noon na nagmamalinis samantalang sila din naman daw ang kumakatawan sa panloloko sa sambayanan.


Basahin ang buong post ni Tranquilino:

PABLO! ... PABILLO! ... SOCRATES! ... DAMASO! NASAAN KAYO? (read with emotion ala-Sisa)
Francisco P. Tranquilino, M.D.

6 September 2018

“Dumanas nawa kayo ng kasawian kayong mga tumatawag na kristiyano sa sarili ngunit wala mang lamang ni katiting na pagpapahalaga sa buhay ng mga biktima ng pagpatay…”
Padre Damaso, ikaw ba ‘yan? A, si Padre Pablo pala ng Caloocan.
“God did not give us Duterte to be our President. The 16 million voters chose him to be President and he is now President.”
Padre Damaso, ikaw ulit? Sus, si Padre Pabillo pala ito ng Maynila.
“Edgar held on to God for love of his life. He asked God for security. He asked God for safety. Did God confront him or rebuke him for the murders he was paid for? Not at all! God just embraced him like the returning younger son in the parable of the prodigal son. Edgar did not even say “Lord have mercy.” He just said “Lord save me they will kill me.” (referring to Edgar Matobato, the admitted hitman used by Trillanes and De LIEma in the Senate hearing to portray Duterte as the leader of the Davao Death Squad (DDS) and a ruthless killer)
Padre Damaso, ikaw na talaga ‘yan! Si Padre Socrates ka ng Lingayen?
“He did not give up. He returned to his knees and sobbed tears of shame and guilt. He heard a voice again, “Do you love me?” feed my people. Feed them the food of truth. Set my people free. I will wait, the Lord assured Art.” (referring to Arthur Lascanas, the alleged member of DDS)
Padre Damaso, ikaw na talaga yan, sure ako! Si Padre Soc pa rin? Grabe! Damasong-damaso ang dating mo, Pare, este Padre Soc, ang galling ah! Bilib!
Kay hirap palang matukoy kung sino si Padre Damaso mula sa ating mga kaparian ngayon. Wala kasing pinagkaiba ang mga Prayleng ito sa isa’t-isa. Mga mapanghusga, malisyoso sa pag-iisip, madaldal subalit walang tunay na sandigan ang mga paratang, mga hipokrito.
Nakakatuwang isipin, kung noo’y nababasa ko lamang sa mga pahina ng Noli ang mga paring gaya nila, ngayon, malaya na silang nakakagala sa paligid natin. Mga paring ang tingin sa kanilang sarili ay tagapagligtas ng sambayanan, nagkakalat ng mga kwentong akala mo’y totoo subalit salat sa katotohanan. Mga paring nagsisisigaw ng EJK at Duterte Death Squad, Digong mamamatay-tao kahit na walang pinanghahawakang pruweba. Sukdulan kung makadepensa sa mga adik at mamamatay-tao subalit walang pakialam sa mga biktima ng mga kriminal na ito.
Sus maryosep! Nagmura si Duterte at ginawang biro ang rape, walang respeto sa kababaihan tapos “God is stupid” daw. Kaya magtatawag ng rally at hihimukin ang sambayanan upang patalsikin ang Pangulo dahil nagmura at nang-insulto sa Diyos, subalit tikom ang bibig sa mga paring napatunayang nanggahasa sa mga bata o mga paring nakisampid sa asawa ng politiko at napatay.
Gayon na lang kung makapuna sa katiwalian ng kasalukuyang gobyerno, pero tahimik tungkol sa pandaraya sa halalan ni Robredo o sa kapalpakan ni Noynoy sa Mamasapano, o sa katiwalian sa PDAP o sa korupsyon ng Dengvaxia.
Mga hipokrito, nagmamalinis samantalang sila ang tunay na kumakatawan sa mga kasinungalingan at panloloko sa sambayanan. Maging dambana ng simbahan ay gagamitin upang mapalaganap ang kanilang pakikialam sa pulitika.
Nasanay sa magandang buhay sa ilalim ng mga Dilaw, mula kay Cory hanggang kay Noynoy kaya nang maiba ang namumuno, nawindang at hindi titigil hanggang hindi mapabagsak. Nanisi pa sa 16 na milyong bumoto kay Duterte, hindi raw Diyos ang nagbigay kay Duterte sa sambayanan.

Kahibangang tunay! Ganyan nga marahil si Padre Damaso noon.
KAYA PABLO, PABILLO, SOC, DAMASO, IISA NGA KAYO MULA NOLI HANGGANG NGAYON.
FPT
09/06/18

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.