Duterte sa publiko: Bantayan si Trillanes, LP at makakaliwang grupo - The Daily Sentry


Duterte sa publiko: Bantayan si Trillanes, LP at makakaliwang grupo




Photo from Pilipinas News
Hinimok ng Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na maging mapag – masid at kilatisin ang bawat hakbang na ginagawa nina Senador Antonio Trillanes IV, ang ka – alyado nitong Liberal Party at ang mga makakaliwa o leftist group.

Ito ay matapos makatanggap ng impormasyon ang Pangulo mula sa kanyang mga katiwala na nagsasabwatan di – umano ang mga ito kabilang na ang Politburo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa tangkang patalsikin ito sa puwesto.


“Yang tatlong yan, bantayan niyo ‘yan,” sabi ng Pangulo.

Inakusahan din ni Pangulong Duterte sina Trillanes at mga kasabwat nito na mariing ginagamit ang isyu kaugnay sa patuloy na krisis sa bigas at ang kasalukuyang inflation rate upang masiraan ang administrasyon at tuluyang maisakatuparan ang binabalak sa darating na Oktubre ngayong taon.
President Rodrigo Duterte / Photo from CNN Philippines
Bagay na itinanggi naman ni Trillanes at binaliktad ang isyu sa Pangulo. Aniya, kung mayroon mang ‘connivance’ o pakikipagsabwatan na nagaganap ay sa panig naman daw ito ng Pangulo nangyayari.

Pinaalala din ni Trillanes na mismong si Pangulong Duterte ang nagpasok ng mga dating miyembro ng mga makakaliwa sa kanyang gabinete kabilang na ang pagpapalaya sa mag -asawang Benito at Wilma Tiamzon ng National Democratic Front (NDF) matapos pagbigyan ng korte ang kanilang petisyon na makapagpiyansa upang makalahok sa dati nang naganap na Peace Talks sa pagitan ng pamahalaan at komunistang grupo na idinaos sa Oslo, Norway noong Agosto 2016.

Samantala, inihahanda naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang court martial proceedings o ang paglilitis nito para dinggin ang mga kasong hindi naisagawa laban kay Trillanes.

Pinawalang – bisa ng Pangulo ang amnestiyang pinagkaloob kay Trillanes noong 2011 ng dating Pangulong Noynoy Aquino sa pamamagitan ng Proclamation No. 572 na posibleng ikabilanggo ng Senador.
Photo from CNN Philippines
Ayon sa pahayag ng AFP, "The AFP is on the process of constituting the General Court Martial in compliance with the mandated task under Presidential Proclamation 572,”

Dagdag pa nito, alam din ng ahensya na tumakbo na si Trillanes sa Korte Suprema upang maharang ang bantang pagkaka – aresto sa kanya.

Sinabi naman ng dating opisyal ng Navy na wala na umanong hurisdiksiyon ang court martial sa kanyang kaso sapagkat sibilyan na ito.

Basahin ang ilang reaksyon ng netizens sa ibaba:

Jimin Duran: Nd lang dapat lp,trillanes at makakaliwa kundi ug iba mga cabinet secretary kc meron parin mga sumasabutehe ke tatay digong..ingat po palagi

Kim Chi Saranghaeyo: Yan ang matinding kalaban ng pilipinas dapat syan shoot to kill manlaban mang agaw ng baril para matahimik na ang pinas , ang gulo na ! Hawak nila malalaking negosyante Kaya nabubuta ang ekonomiya

Mark E. Ardnosil: Totoo tlga may sabwatan.. Asawa ni joma sison kamag anak ni laila delima.... Lahat ng mga pagsabog sa mindanao kagagawan ng LP....

****

Source:  remate.ph