The best way to explain how inflation works for easier understanding - The Daily Sentry


The best way to explain how inflation works for easier understanding



Islas Filipinas, a Facebook page that every now and then comments and shares opinion on matters of national and international importance, recently let out a post to simplify the understanding of how inflation works.
Photo from BusinessWorld and Facebook

According to the post, people must withhold judgement against the government for the inflation our economy is facing.

It added that inflation is not the only metric for our economy, and that there are other data as well that must be highly considered in order to wholly analyze the economic performance of the country.

It explained how inflation is simply the decrease of the value of the money, which results to the decrease of one’s purchasing power.

One of the negative effects is that people are unable to buy the same amount of good like they used to, which makes it harder for them to live their daily lives.

It then went on to say that there are two things that generally affect inflation.

One is demand pull inflation where consumers bid for good and services which leads to the increase of the prices of which. Because there are not enough goods to sustain the population, they would have to compete for it.

The second one is cost push inflation where the decrease of resources forces the prices to go up. 

Products that have high demand like food or oil will be increased in the market because they are the most sought out for so people will be forced to comply to these prices because they need it.

Aside from the causes, they also tried to explain the methods that the government should partake in order to subdue this.

The first is that the government can adjust its spending and redirect it to things that can induce cash flow within the economy to balance out the high prices and the ability of the people to purchase these through the money that they earn.

Or they can do the opposite and cut down on the expenses of the consumers, and force them to learn how to save their money.

The second action they suggest is either to increase or decrease the supply of money that is printed. Having control over this allows the government to control the money supply, interest rates, etc.
Photo from BusinessWorld

Ending its post, they said that it is important the every Filipino understands what is happening in the country in regards to inflation and what they can do in order to combat it.

Read their full post here:

"Para sa inyong kaalaman, paki-intindi. 

Madaming kumakalat sa social media tungkol sa pagtaas ng inflation rate sa ating bansa ngunit naiintindihan ba talaga ng bawat isa kung ano itong 6.4% inflation rate? Bago ninyo sisihin ang gobyerno o kung sino pa man mas mabuti muna na tignan ninyo ang mga posibleng dahilan kung bakit ito umabot sa 6.4%.

Bago ko simulan ito, ilagay mo sa isipan mo na HINDI lamang inflation ang natatanging sukatan ng ekonomiya ng isang bansa. Tandaan mo na madaming paraan upang sukatin ang ekonomiya ng isang bansa eto ay ang GDP, GNP, (Productivity), Unemployment rate, at Inflation rate. Isa lamang ang inflation sa mga ito at kahit isa itong panukat hindi ibig sabihin na kapag mataas ang % nito ay pumapanget na ang ekonomiya ng bansa. Tandaan din na madaming nakakaapekto sa inflation gaya ng pagtaas ng presyo ng produktong binibili pa ng bansa mula sa ibang bansa (pagbaba ng supply ng mga iniaangkat na produkto gaya ng Oil), nandyan din ang mga bagay na matatawag nating Acts of God tulad ng bagyo maaaring makaapekto un lalo na sa mga local na pamahalaan na tinatamaan ng bagyo.

Simulan na natin. 

Ano ba ang inflation? Ito ay ang pagbaba ng halaga ng pera mo (decrease ng purchasing power ng pera). Ano itong purchasing power? Ito ay kung gaano kadaming goods or services ang maaari mong bilhin gamit ang pera mo. Kung bumaba ang purchasing power ng pera mo malamang kakaunti nalang din ang mabibili mo. Gets? Tumataas ang presyo ng bilihin dahil sa pagbaba ng value ng pera mo. Kung dati madami ka nang nabibili sa halagang 20 pesos. Ngayon isang ice cream nalang.

Pano nalalaman itong inflation na ito? Maraming paraan upang malaman ang % ng inflation. Isang halimbawa ay ang pag track sa produkto at serbisyo na kadalasang binibili ng isang average consumer para sa isang taon. Ikukumpara ang mga datos na nakalap ng bawat taon sa isang base year upang makita ang porsyento ng pagbabago sa bawat taon.

Masama ba ang inflation? Masama ito kapag nagpatuloy ito sa pagtaas at naging sobrang bilis ang pagtaas nito. Kung magkaganun maaaring magkaroon ng hyperinflation. Isang malalang uri ng inflation. Pero ang paminsan minsan at gradual na pagtaas ng inflation ay hindi mo dapat ikabahala. Ang gradual na pagtaas ng presyo ay nagpapahiwatig ng pagganda ng isang ekonomiya dahil nagkakaroon ng economic activity mula sa private sector (encourages immediate spending). Kadalasan kapag umaangat ang ekonomiya ng bansa nagkakaroon ng inflation. Kaya magtiwala ka lang sa Diyos at ipagdasal ang ating gobyerno.

Ano ang nakakaapekto sa inflation? May dalawang (2) bagay ang nakakaapekto sa inflation. 

1. Demand pull inflation - Nangyayari ito kapag ang mga consumer/mamimili ay nagbi-bid ng presyo pataas. Halimbawa, si Juan at Pedro ay dalawang mamimili at balak ng bawat isa bumili ng nagiisang hamburger ni Anghel’s burger. At dahil kakaunti ang hamburger nagaagawan si Juan at Pedro sa nagiisang hamburger ni Anghel. Nag offer si Juan na bilhin ito sa halagang 20 pesos. 

Ngunit mas mataas ang offer ni Pedro sa halagang 25 pesos. Dahil mukang pera si Anghel ay binenta niya ito kay Pedro sa halagang 25 pesos. Dahil kakaunti ang supply ng burger at mataas ang demand nito, normal na ta-taas ang presyo ng mga burger. Ang tawag dito ay TOO MUCH MONEY CHASING TOO FEW GOODS.
Photo from Entrepreneur Philippines

2. Cost push inflation - Nangyayari ito kapag bumaba ang availability ng isang mahalagang resource na ginagamit para makapag produce (gaya ng Oil). Dahil kakaunti lang ang nabibilhan ng Oil na nagagamit bilang gasolina ay magmamahal ito sa merkado. Ta-taas ang presyo ng gas na makakaapekto sa mga businesses. (Mataas na presyo ng langis, mataas na presyo ng gas, mataas na presyo ng production ng mga goods at services, mababawasan ngayon ang goods at services na mapoproduce, magmamahal ngayon ang presyo ng bilihin) Tandaan mo mataas na demand para sa isang produkto at mababang supply ng produktong ito; ay magkakaron ng epekto na mataas na presyo ng produktong ito.

Mayroon ding mga outside factors na nakakaapekto sa inflation tulad ng mga bagyo o anumang sakuna. Ang mga ito ay maaaring makaapekto dahil maaapektuhan ang mga pananim ng ating mga magsasaka.

Anong maaaring gawin ng gobyerno sa inflation? Madaming bagay pwedeng gawin ang gobyerno. Magbibigay lang ako ng 2.

1. Baguhin ang spending ng gobyerno o baguhin ang taxes. Maaaring taasan ng gobyerno ang paggastos nila sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga istraktura gaya ng tulay, ospital, schools, etc. Bakit gagawin ng gobyerno ito? Upang lumikha ng mga trabaho para sa mga construction workers, nurses, doctors, teachers, etc. Dahil dumadami ang trabaho kumikita ang karamihan mula sa sweldo, ngayon naghihikayat ito ng paggastos mula sa mga sumesweldo (increase consumer spending). Maari ding gawin ng gobyerno ay pababain ang taxes. Bakit nila gagawin iyon? Upang magkaroon ng extra pera ang mga consumer, sa halip na sa taxes mapunta ay nagkakaroon ang mga consumer ng take home na pera, at ito ay maghihikayat na gumastos ang mga consumer (increase consumer spending). Maaari ding gawin ng gobyerno ang kabaliktaran ng mga ito. Bakit naman? Para bawasan ang paggastos ng consumers. Kakaunti lng ang naiuuwi ng mga consumer kaya hindi na sila nakakagastos pa. Bakit naman pipigilin ng gobyerno ang paggastos ng mga consumers? Para turuan kang MAG-IPON at mag-budget. Hindi ko na lalaliman ang discussion tungkol dito. Dumako na tayo sa pangalawang paraan.

2. Pataasin o pababain ang supply ng perang papel at barya. Ginagawa ito upang kontrolin ang money supply, interest rates, etc. Hindi ko na lalaliman ang discussion dito basta magipon at magbudget ka.

Maaari mong sabihin bakit hindi nalang mag print ng perang papel o gumawa ng mga barya. Ang pagpiprint ng labis labis ng pera at paggawa ng barya ay mas lalong hindi makakabuti sa ekonomiya ng isang bansa. Pwede mong itanong bakit hindi ba mas okay yun kasi magdedecrease ang interest rates at manghihikayat eto ng investments at spending? Oo, pero kapag masyadong madami ang supply ng pera, mas ta-taas ang presyo nun at magkakaron ng inflation. Ganun ang nangyari noon sa bansang Zimbabwe. Isa pang rason maaaring magkaroon ng tinatawag na liquidity trap at hindi bababa ang interest rates. Kung gusto mong maintindihan mabuti ang liquidity trap, i-research mo nalang.

Ano ang kahalagahan na malaman mo ang mga ito? Para mas makapag plano at makapag desisyon ka ng mabuti sa pera na hawak mo. Para matuto kang magtipid at pahalagahan ang pera. Para hindi padalos dalos ang iyong paggastos. Para sa susunod na magkaroon ng inflation hindi mo agad isisisi sa gobyerno.

Ayan lang. Paalam! Pagpalain nawa ang ating bansa ng Diyos na may likha."