Financial Advisor post tirades on media reports on inflation: "Huwag lang kayo mag-focus sa mga negatibong nangyayari." - The Daily Sentry

Wednesday, September 5, 2018



Financial Advisor post tirades on media reports on inflation: "Huwag lang kayo mag-focus sa mga negatibong nangyayari."



Netizen and financial advisor Harley David Blanco explains the inflation history in the Philippines. Image combined credit to Facebook and Rappler
Isang financial analyst ang hindi kinayang makapag pigil at inilabas ang kanyang saloobin ukol sa isang post na diumanong napaka negatibong opinyong tungkol sa inflation rate na tumaas daw ng 6.4.

Image credit to Facebook/Harley David Blanco
Sa kanyang post, binigyan diin niya na hindi dapat magpadalala ang mga mamamayan sa patuloy na pagtaas ng bilihindahil hindi lang naman daw ang Pilipinas ang nakararanas nito. Para patunayan ito ibinahagi niya ang link na ito "https://businessmirror.com.ph/monitoring-inflation/" kung saan maaring malaman ang buong katotohan kung bakit mistulang pataas ng pataas ang presyo ng mga bilihin.

Bukod sa panenermon sa mga mamamayan na dapat daw matutong magresearch at intindihin ang mga nilalaman ng mga bawat pahayag hindi din niya pinalampas na pagsabihan ang mga nagbibigay ng balita.

Image credit to Facebook/Joey Sarte Salceda

Image credit to Facebook/Joey Sarte Salceda
"Huwag lang kayo mag-focus sa mga negatibong nangyayari. Tignan nyo din naman yung mga mabubuting bagay na nangyayari sa Pilipinas. Mag-research kayo. Bakit ganito, bakit ganyan. Hindi yung kapag nakarinig kayo ng isang parte lang ng kwento. Ang reaksyon agad "Ay dahil sa Presidente yan!" Sa bagay hindi hindi naman lahat ng tao mababasa ito." Sabi nito.

"Kayong mga nagbabalita. Mapa-kahit anong network. Pakiayos niyo naman po ang pagbabalita at huwag namang negatibo ang pagkaka-deliver na parang wala ng pwedeng gawing paraan ang mga mamamayan ng bansa para makaahon. Yung nakaka-UPLIFT naman ha. PLEASE LANG MAAWA KAYO SA MGA FILIPINO. Puro si DUTERTE at DILAWAN ANG MGA SINISISI niyo. MEDIA tulungan niyo po kaming PAGBUKLURIN. Mga FILIPINO din kayo. At kapag kami ay BUMAGSAK. SAMA-SAMA tayo. Iba-iba na ang naging pangulo. Hindi pa din tayo makaahon. Kasi tayo-tayo din ang nagsisiraan." Pagpapatuloy niya.

At sa huli, ang financial analyst na ito ay nakikiusap na dapat ang lahat ng mga Pilipino ay magtulungan upang makaahon sa kahirapan ng bansa.

"Hindi ko kayang sabihin lahat dito ang nararamdaman ko. Inuulit ko. Hindi lahat ay nakasulat dito. Pero sana magtulungan tayo lahat mga Filipino. Gumawa tayo ng paraan para makaahon." Sabi nito. 

As of posting, ang nasabing post ni Blanco ay deleted na sa kanyang Facebook.

Read full post below:

Ipopost ko ito dahil medyo nanggigigil ako e ha. Yung may nag-post ng naka-focus ang inflation rate for this month na pinag-didiinan pa ang inflation ay tumaas ng 6.4. At napakanegatibo ng dating sa mga tao ha. Kakagigil lang ha. Napagawa tuloy ako ng QUICK info and research about inflation rate ng PILIPINAS ha. Kakagigil e. (inhale, exhale)

Mga tunay na FILIPINO. Mga ordinaryong mamamayan. Huwag po magpadala ang damdamin n'yo sa mga post about pagtaas ng bilihin. Ramdam ko din kayo. Dahil talaga namang tumataas ang mga presyo. Pero hindi lang tayo ang nakaranas niyan. Maging ang ibang bansa. Huwag na tayong lumayo. Maging ang mga ninuno natin. Itong mga sinasabi ko ay walang halong BIAS ha. Ako ay nasa NEUTRAL. Maka-FILIPINO ako. Isusulat ko itong nararamdaman ko kahit sino presidente. Iba na kasi itong ginagawa ng mga taong ginagawa tayong mga mukhang mangmang at kinokontrol ang damdamin natin. Dahil tumaas lang ang presyo ng mga bilihin.

FACT: Hindi lang po TRAIN law ang dahilan ng pagtaas ng mga bilihin. Dahil din ito sa mga nasa labas. O heto magbasa kayo. Pakakainin ko kayo ng katotohanan: https://businessmirror.com.ph/monitoring-inflation/

Image screenshot credit to Business Mirror
Ayon kay Villar yan. Hindi ako maka-Villar. Tama lang yung sinabi niya dyan. (Aba siyempre basahin at intindihin natin yung nasa link. Para may alam tayo). Marami pang dahilan bakit tumataas ang mga bilihin.

Huwag lang kayo mag-focus sa mga negatibong nangyayari. Tignan nyo din naman yung mga mabubuting bagay na nangyayari sa Pilipinas. Mag-research kayo. Bakit ganito, bakit ganyan. Hindi yung kapag nakarinig kayo ng isang parte lang ng kwento. Ang reaksyon agad "Ay dahil sa Presidente yan!" Sa bagay hindi hindi naman lahat ng tao mababasa ito.

Kayong mga nagbabalita. Mapa-kahit anong network. Pakiayos niyo naman po ang pagbabalita at huwag namang negatibo ang pagkaka-deliver na parang wala ng pwedeng gawing paraan ang mga mamamayan ng bansa para makaahon. Yung nakaka-UPLIFT naman ha. PLEASE LANG MAAWA KAYO SA MGA FILIPINO. Puro si DUTERTE at DILAWAN ANG MGA SINISISI niyo. MEDIA tulungan niyo po kaming PAGBUKLURIN. Mga FILIPINO din kayo. At kapag kami ay BUMAGSAK. SAMA-SAMA tayo. Iba-iba na ang naging pangulo. Hindi pa din tayo makaahon. Kasi tayo-tayo din ang nagsisiraan. Ang tagal ko nang nananahimik. Hindi ko na talaga makaya.

Disclaimer: Hindi ko kayang sabihin lahat dito ang nararamdaman ko. Inuulit ko. Hindi lahat ay nakasulat dito. Pero sana magtulungan tayo lahat mga Filipino. Gumawa tayo ng paraan para makaahon.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.