Free health care sa lahat ng Pinoy, maisasakatuparan na - The Daily Sentry

Monday, September 3, 2018



Free health care sa lahat ng Pinoy, maisasakatuparan na




Photo from Philstar
Batas na nakapaloob sa Universal Health Bill na maglalaan ng libreng health insurance para sa bawat Pilipino, inaasahang maaprubahan na ngayong buwan (September).

Ito ang isiniwalat ni Senador JV Ejercito noong nakaraang linggo matapos di – umanong umapela mismo ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso sa mabilisang pagpasa ng naturang panukala.


Sa isang pahayag, sinabi ni Ejercito na, “Labis na karangalan ang magbuo ng panukalang ito--kasama ang ma­gigiting nating lingkod-bayan sa gobyerno--sa ngalan ng bawat Pilipino na karapat-dapat makatanggap ng serbisyong pangkalusugan na episyente, sapat, accessible, at abot-kaya, mula sa ating pamahalaan.”

LAHAT ng Pilipino ay kwalipikadong miyembro ng National Health Insurance Program bilang direct o indirect na contributor, ayon sa Senador. Dagdag pa nito, mas pinalawak din ang saklaw ng service coverage ng programa kaakibat ang mas pinatibay na preventive at promotive na aspeto ng serbisyong pangkalusugan.
Photo from philippine republic news
Dapat din aniya mabigyan ng sapat na garantiya ang pagkakaroon ng de – kalidad ngunit abot – kayang gamot at serbisyong medikal ang bawat Pilipino. Matatandaang dati nang nagkaroon ng ibayong konsultasyon ang komiteng pangkalusugan sa buong bansa kabilang na ang Albay, Cebu at Davao.

Ayon naman sa datos na nakalap mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang ‘health expenditure’ ng bawat pinoy ay bahagyang tumaas sa tinatayang 8.7 porsyento na may katumbas na P6,345 sa loob ng isang taon kumpara noong 2015 na umabot lamang sa P5,840.

Hindi pa kasali dito ang posibleng naigagastos ng isang pamilya sakaling magkaroon ng malaking ‘medical expenditure’ dahilan ng malubhang pagkakasakit ng isang miyembro nito.

Dahil dito. Lumalabas na mahigit 50% ng P342 Bilyong budget ng pamahalaan ang pinasan di – umano ng pamilyang Pilipino samantalang mahigit 34% naman o katumbas sa P216 Bilyon ang binayaran ng gobyerno noong 2016.
Photo from Politiko
Layunin naman ng Universal Health Care Bill na mabawasan ng P7,000 o higit pa ang taunang naigagastos ng mga miyembro nito sa pagpapagamot depende sa sakit o kondisyon, ayon sa paliwanag ni Ejercito.

Inaasahang matutugonan din ng panukalang batas ang higit na kakulangan sa mga hospital beds ng mga pampublikong ospital na umaabot naman sa mahigit 40,000 upang makamit ang layun na isang kama sa bawat 800 katao sa populasyon o 1:800, ayon naman sa isiniwalat ng Department of Health (DOH).

Tinaguri-ang isang ‘landmark bill’ ang isinasakatuparang health care bill dahil bukod sa magandang medical package na inihahandog nito sa mga Pilipino, maiaayos din ang mga pasilidad – medical at posible din umanong maghandog ng mas mataas na umento para sa mga pangkalusugang manggagawa.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: philstar.com