Kulungan ni Sen. Trillanes nakahanda na sa Kampo Aguinaldo – defense spox Andolong - The Daily Sentry

Tuesday, September 4, 2018



Kulungan ni Sen. Trillanes nakahanda na sa Kampo Aguinaldo – defense spox Andolong




Senator Antonio Trillanes / Photo from South China Morning Post
Inihayag ni Defense Spokesperson Arsenio Andolong na nakahanda na ang kulungan ni Senator Antonio Trillanes sa AFP Custodia Center sa loob ng Kampo Aguinaldo kung sakaling aarestuhin na ito.

Binawi ng Malacañang ang amnesty na ibinagkaloob kay Senator Trillanes ng dating administrasyon kaugnay sa kaniyang mga kasong sedisyon at kudeta dahil sa Oakwood mutiny noong 2003 at Manila Peninsula incident noong 2007.


Sinabi naman ni Andolong na nakahanda ang DND at AFP na tanggapin si Trillanes kung sakaling mapunta sakanilang kustodiya ang naturang senador.

“Nakaready na yung kanyang detention facility, I believe the same one that, where he was committed to before, but we will ensure that all of his rights are protected once he is taken to custody,” pahayag ni Andolong.
Arsenio Andolong / Photo from Radyo La Verdad
Napagalaman namang meron ng mga tauhan ng CIDG at military police ang pumunta sa senado upang damputin si Trillanes matapos ang inilabas na Proclamation ni Pangulong Duterte na bawiin ang amnesty sa Senador.

Sa isang mabush interview naman kay Trillanes, tinawag nitong duwag at diktador ang Pangulo dahil isinabay pa nito ang pagpunta sa Israel at pag-utos ng pagaresto sakanya.

"Hindi ka bibigyan ng amnesty kung wala kang application. Maliwanag yun. Kaya nga ito it's a clear case of political persecution dahil wala silang mahanap na kaso sa akin so kailangang mag-imbento," aniya. 

Sinabi rin ni Sen. Trillanes na handa itong makulong o handa siyang magpaaresto kung sakaling damputin ito ng mga owtoridad.

"Kung papaaresto ay sasama ako at mag-eempake...I will not resist arrest...Hindi ako magtatago definitely," aniya.

"My lawyers are exhausting all legal remedied to avoid this stupid [proclamation]. Walang basis at all," giit ng senador.
Senator Antonio Trillanes / Photo from Rappler
Basahin ang ilang reaksiyon ng mga netizens sa ibaba:

Penoy Balut: nagtatago sa senado.. alam nya na hindi siya maaaresto sa loob ng senado... duwag din

Edimar Castle: Way to go DU30. Get these varmints out. Drillon your next. Grand finale Lugaw queen and its yellow tards and the money hungry comelec.

Eloisa Ramos: Master of strategy talaga president digong kya pala tinawag nya ng mababang IQ si trillanes dahil d nya naisip from the start null n void ang kanyang amnesty.

Myn Roque: Null and void from the start..paktAy ka ngayon sundalong kanin...wala kasi kokote ngbigay sayo ng amnesty....fake din pala yung binigay sayo haha

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  bomboradyo.com