Lawyer slams Duterte critics: 'Trillanes amnesty voided, a diversion tactic? Gawain ng dilawan yan!' - The Daily Sentry

Wednesday, September 5, 2018



Lawyer slams Duterte critics: 'Trillanes amnesty voided, a diversion tactic? Gawain ng dilawan yan!'





Composite photo of Senator Antonio Trillanes IV (file from Inquirer) and Atty. Bruce Rivera (from riveraongdagumanlaw.com)

Martes ng umaga nang lumabas ang balita na “voided” na ang amnestiya na ipinagkaloob ng gobyerno kay Senator Antonio Trillanes IV noong 2010 sa panahon ng administrasyon ni dating pangulong Noynoy Aquino.

Si Trillanes ay humaharap sa mga kasong kudeta at sedisyon dahil sa Oakwood mutiny noong 2003 at Manila Peninsula incident naman noong 2007.


Argumento ng Proclamation No. 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay ang hindi paghain ng official amnesty application form at hindi umamin ng kasalanan si Trillanes kaya sa simula pa lang ay wala nang bisa ang amnestiya dito.

Kasabay ng pagputok ng balita ay dumipensa naman ang mga taga oposisyon at ibang mga kritiko ng pangulo.

Ayon naman sa ibang taga oposison ang ginawang hakbang na ito ng administrasyon ay isang “diversion tactic” lamang upang ilayo ang atensyon ng publiko sa pagtaas ng inflation rate sa bansa.

"Inflation hits above 6 percent for August and Duterte's response is to intimidate and arrest critics like Sen Trillanes," Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin said in a statement. 

"Everyone is fair game under this tyrannical regime. Duterte is trying to deflect his economic woes by hitting the opposition hard. High time that we revive people power," he added. 

Samantala, may banat naman ang isang batikang abogado at kilalang taga suporta ni Pangulong Duterte na si Atty. Bruce Rivera.

“At sabihin man natin na tumaas ang presyo ng bilihin at nagrereklamo ang mga Pinoy, hindi naman tumaas ang taong gutom sa bansa. Ibig sabihin, nakakabili pa din tayo ng pagkain. Yun nga lang, nagrereklamo tayo dahil mahal. Dun na tayo matakot kung ang reklamo ay hindi na nakakabili ng pagkain.” Ayon kay Atty. Bruce *

Dagdag niya, gawain umano ng dilawan o taga-oposisyon ang mag divert ng mga issues upang pagtakpan ang isang problema.


Ibinahagi rin ni Atty. Bruce ang kanyang pakikipag usap sa isang taxi driver na kung saan sinabi nito mas ligtas silang nakakapag hanap-buhay sa panahon ngayon at hindi nagugutom kahit nagmamahal ang bilihin.

Narito ang kabuuang Facebook post ni Atty. Bruce Rivera:

SABI NILA

Ginawa daw ni PRD ang pagrevoke (pagvoid, para walang magagalit) ng amnesty kay Trillanes para itago ang pagtaas ng presyo ng bilihin at inflation.

Teka lang? Gawain ng Dilawan yan hindi namin gawain yan. Andaming magandang nangyari sa Israel na hindi nalalaman ng Pilipino dahil sa dramahan sa Senado ha.

At sabihin man natin na tumaas ang presyo ng bilihin at nagrereklamo ang mga Pinoy, hindi naman tumaas ang taong gutom sa bansa. Ibig sabihin, nakakabili pa din tayo ng pagkain. Yun nga lang, nagrereklamo tayo dahil mahal. Dun na tayo matakot kung ang reklamo ay hindi na nakakabili ng pagkain.

Sabi nga nung taxi driver na nakausap namin, mas mabuti ngayon, hindi kami ang pinapatay kaya kahit gabi, nakakabiyahe kami kahit saan at di na kami namimili ng pasahero. Di katulad nung dati, kami ang pinapatay pero hindi naman kami pinagtatanggol ng mga nagtatanggol sa napapatay na adik. Oo, mataas ang bilihin at gas, pero mas okey na ito kasi nahahanap namin ang pera na hindi kami takot patayin ng mga adik.

Ako na sumagot...pero ang mahal ng bilihin ano? At sinagot niya ako...mas mahal ko po ang buhay ko.

Nagbigay ako ng tip. Natuwa lang ako.



Screen-capped image of Atty. Bruce Rivera's post