Madre, tinawag na "brainless" ang mga jokes ni Pangulong Duterte - The Daily Sentry

Sunday, September 9, 2018



Madre, tinawag na "brainless" ang mga jokes ni Pangulong Duterte




Sr. Mary John Mananzan / Photo from Youtube
“BRAINLESS” – Yan ang mariing pagkakalawaran ni Sr. Mary John Mananzan, OSB, ang dating Co – Chairperson ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines, kaugnay sa mga ‘Duterte Jokes’ o mga usaping pabiro ng Pangulo.

Ayon sa panayam nito sa Radyo Veritas, sinabi ng Madre na isang malaking pag – aaksaya ng panahon lamang ang umano’y pag patol sa mga pahayag ng Pangulo na aniya’y ‘walang saysay’.


Ito ay matapos ang pinakahuling kontrobersyal na pahayag ng Pangulo ukol sa lalong pagtaas ng bilang ng kasong rape sa Davao City.

Pabirong sinabi ng Pangulo na maraming magagandang babae sa Davao City, dahilan  ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kababaihan na nagagahasa o naha – harass. Bagay na ikinadismaya naman ng iba’t – ibang sektor na sumusulong sa karapatan ng kababaihan.
Sr. Mary John Mananzan / Photo from All Evens in City
Paliwanag ni Sr. Mananzan, ang RAPE isang maselang usapin kung kaya’t nararapat lang na bigyang galang at wastong suporta ang mga naging biktima nito.

Ayon sa kanyang panayam, sinabi ni Sr. Mananzan na “we have always proclaimed that rape is not a joke and that women should be respected. Alam naman natin na ganun siya ... na hindi na siya magbabago kaya sa akin it’s such a waste of time to make an intelligent [reaction], hindi naman siya intelligent yung kanyang mga sinasabi naman is so mindless, brainless…”

Base naman sa datos na ibinahagi ng Philippine National Police (PNP) para sa ikalawang dako ng taon, ang Davao City ay nagtala ng may pinakamataas na bilang ng kasong rape sa bansa na umabot sa 42 kasunod ng Quezon City na 41, Lungsod ng Maynila, 32; Cagayan De Oro City, 24; at Zamboanga City na may 21 kaso.

Agad namang dumepensa ang Pangulo sa sarili nitong pahayag habang ito ay nagtatalumpati sa harap ng kapisanan ng mga Pilipino noong ito’y dumayo sa Israel kamakailan.
President Rodrigo Duterte / Photo from Manila Bulletin
Aniya, hindi naman niya pinagnanais makarinig na may nagagahasang kababaihan lalo pa’t sa sarili nitong balwarte sa Davao. Gingamit lang din nito ang karapatan ng ‘freedom of expression’.

Iginiit din ng Pangulo na sadyang marami lang talagang naaakit sa mga Davaoeña dahil sa likas na kagandahan ng mga ito.

Gayumpanan, hindi umano ito sapat na dahilan upang halayin ang mga kababaihan.

Basahin ang ilang reaksyon ng netizens sa ibaba:

Cornelia Andama: Madre k pnmn.kasali ba yan sa pinag aralanninyo sa kumbento na magalit kau ng bonggang bongga sa taong pag hindi ninyo kaberks.pero sa mga movies,sa biblia at kuwento ng buhay ng anak ng diyos,hindi kailan mn ito nagtanim ng galit sa mga taong nagpapatay sa kanya.sister,lumalabas ang tunay na color at pagiisip mo.Terorista.

Angelle Lyndsey Domanais: Kaya nakakatamad mag simba eh haysss kc mismong alagad ng simbahan dimo alam kung mapapagkatiwalaan pa. Minsan pati sa misa sinasama nila pangbabatikos kay pd30. Kakalungkot! Sa halip na ipagdasal nalang ng lahat ang kapayapaan ganito pa mga ginagawa ng akala mong magpapagaan at makakaintindi ng lahat😞Sa bahay nalang ako mag pray kaysa mas lumala pa kasalanan ko😞

Alvin Española: Hay nako. Isa na naman putang ina na naman ito. Anu ba naman yan. Kayo mga taga putang ina na madre, at padre. Please lang. Wag na kayo mag makialam nga sa administration ng PRRD, wala naman kayong naiitulong eh sa totoo lang. I pray ko nalang po na mauna kayong mamatay kasama yung padre mo, madre. Yan patas na kayo ni PRRD.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  kami.com.ph