Paring nagdasal na magkasakit si Duterte: “Patawarin sana ang pari ng Panginoon” - SAP Go - The Daily Sentry


Paring nagdasal na magkasakit si Duterte: “Patawarin sana ang pari ng Panginoon” - SAP Go




Photo from remate.ph
Sa kasagsagan ng kasong hinaharap ngayon ni Senador Sonny Trillanes kaugnay sa pagpapawalang – bisa ng Pangulong Duterte sa amnestiya nito, umepal naman ang isang pari na kilala sa pangalang Fr. Noel Gatchalian na nakuha pang ipag – dasal sa Panginoon na magkaroon ng sakit ang Pangulo.

Nangyari ito sa homily ng Pari sa ginanap na misa para kay Trillanes sa loob ng Senado kasama sina Fr. Robert Reyes at Fr. Flavie Villanueva.


Ikinatwiran pa ni Gatchalian na mismo ang Pangulo na ang nagsasabing PAGOD na ito at nais nang magpahinga kaya’t ipinagdadasal na lamang dapu – an ito ng sakit.

Aniya, “maraming mga kaguluhan ang nangyayari na winawalanghiya pati ang ating relihiyon, binabastos pati ang ating Diyos. Sinabi ng ating simbahan na magdasal. Kaya ipinagdasal ko naman na magkasakit si Digong. ‘Di ba sabi niya pagod na siya kaya magpahinga muna siya.”
Photo from Politiko
Agad namang nakarating sa kampo ng Pangulo na kasalukuyang nasa Jordan ang bahagi ng sinabi ni Gatchalian sa misa nito. Tinatayang mahigit $60 Milyon naman ang katumbas na investment deal na maiuuwi ng Pangulo mula sa Jordan.

Ikinadismaya ng Malacañang ang sinabi ni Gatchalian at agad ding tinugonan ng Special Assistant to the President (SAP) na si Bong Go.

Sa maikling mensahe nito na pinadaan sa Viber messaging, sinabi ni Go na “Patawarin sana ang pari ng Panginoon” sa kabila nang hindi kaaya – ayang mensahe nito alang – alang sa Pangulo.

Biglaan namang naglipana ang umano’y tiga – suporta ni Trillanes na nanggaling pa mula sa iba’t ibang lugar at sumugod sa Senado upang maipadama sa Senador ang kani – kanilang mainit na suporta.
Photo from Inquirer News
Malaki ang paniniwala ng mga ito na PERSONAL na pag – atake ang ginawa ng Pangulo kay Trillanes dahil kilala ito bilang isang bokal na kritiko maliban sa ngayo’y nakabilanggo na si Senator Leila De Lima.

Umapila naman si Fr. Robert Reyes sa sinumang may tapang na ilahad ang di – umano’y katiwali-an ng administrasyong Duterte na LUMANTAD NA at suportahan si Trillanes sa kanyang ipinaglalaban.

Basahin ang ilang reaksyon na mga netizens tungkol kay Fr. Gatchalian:

Yodno Au De Bers: Mga pari sa manila pwera lang sa matitino pero kadalasan nasaniban din ang utak ng dilaw..utak kalawang kaya habang nagmimisa sa simbahan isinisingit ang pamumulitika..mga demonyo

Alessia Rosella: San ka naman nakakita ng pari na pinagdadasal na magkasakit ang isang tao? This is too much! Horrible! I lose respect in this priest and all priests who are like him.

Jek De Jesus: kaya mas gusto ko na lang magpunta ng simbahan at personal na magdasal kesa umatend ng misa puro politoka ang sermon.

Johnny Canonigo Alejandro: Ikaw fr ang magkakasakit kasi salot kayo ng lipunan!! Kaya maraming katoliko ang umaalis sa relihiyon nyo dahil mali ang daan nyo(baluktot)papunta yata ng baba imbes sa taas.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  remate.ph