Ramon Tulfo laban kay Pangulong Duterte: ‘ang pumapatol sa baliw ay mas baliw pa’ - The Daily Sentry


Ramon Tulfo laban kay Pangulong Duterte: ‘ang pumapatol sa baliw ay mas baliw pa’



President Rodrigo Duterte and Ramon Tulfo / Composite photos from Philstar and Rappler
Sa isang Facebook post nito lamang Miyerkules ng gabi, nagpaandar naman ang kilalang TV host at Radio Broadcaster na si Ramon Tulfo kaugnay sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipasakote si Senador Antonio Trillanes IV matapos nitong ipa – walang bisa ang amnesty na ipinagkaloob sa kanya ng dating Pangulong Noynoy Aquino.

MALAKING PAGKAKAMALI umano ang ginawa ng Pangulong Duterte na sundin ang payo ng kanyang mga legal advisers na nagsabing nakaligtaan ng Senador ang mag – apply ng amnesty.


Sa katunayan, maayos naman di – umanong nag – apply ng AMNESTY ang Senador kung kaya’t ipinagkaloob sa kanya ito sa kabila nang direktang partisipasyon sa ginawang Oakwood Mutiny noong 2003 upang mapabagsak ang administrasyon ni Gloria Macapagal Arroyo noong panahon na iyon.
President Rodrigo Duterte and Ramon Tulfo / Photo from news.abs-cbn.com
Dahilan upang maging MARTIR si Trillanes sa mga mata ng tao ang ginawa ni Pangulong Duterte, ayon sa post ng nakatatandang Tulfo.

Iginiit pa ni Tulfo, ang taong pumapatol lamang sa mga baliw ay di – hamak na mas baliw.

Kamakailan lang ay umani ng samu’t – saring batikos ang ginawang pambabastos ni Ramon sa mga manggagawa ng Philippine General Hospital (PGH) kung saang pilit nitong ipinagagamot ang isang batang babae na aksidenteng nabundol ng kanyang driver sa Navotas habang kinukunan nito ng video gamit ang kanyang cellphone.

Bagay na mariing ipinagbabawal ng mga ospital kagaya ng PGH sa ilalim ng Privacy Policy ng mga ito dahilan upang mapagbawalan si Tulfo sa tangka nitong makunan ng video ang umano’y kawang – gawa, na naging sanhi na din ng iskandalong ikinasuklam ng marami, partikular na ng mga Doctor at Nurse ng naturang Ospital.
Ramon Tulfo / Photo from whynotcoconut.com
Nag viral naman ang video na unang ibinahagi ni Ramon Tulfo sa kanyang Facebook page na sinubaybayan naman ng ibang netizen at nagkaroon ng hashtag na #NoToDoctorShaming.

Samantala, narito naman ang Facebook post ni Ramon Tulfo tungkol kay Trillanes:

“Malaking pagkakamali ang nagawa ni Pangulong Digong sa kanyang utos na ipahuli si Sen. Antonio Trillanes IV.

Kahit na ang kanyang mga kaalayado si Senado ay hindi sumasang-ayon sa kanya.

Mali ang ipinayo sa Pangulo ng kanyang mga legal advisers na ibasura ang amnesty na binigay kay Trillanes dahil di naman daw ito nag-apply for amnesty.

In fact, Trillanes did apply for amnesty, that’s why he was granted amnesty for his participation in the Oakwood Mutiny of 2003.

Ginawa ni Digong na isang martir si Trillanes na noon ay pinagtatawanan lang ng taumbayan.

May kasabihan na ang pumapatol sa baliw ay mas baliw pa.

#montulfo #ramontulfo #mybigmouth”

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  Ramon Tulfo