Sydney based DDS Global coordinator slams Trillanes: "Nasisiraan ka na ba ng bait o sadyang niloloko mo ang Pilipino" - The Daily Sentry

Monday, September 10, 2018



Sydney based DDS Global coordinator slams Trillanes: "Nasisiraan ka na ba ng bait o sadyang niloloko mo ang Pilipino"



Rado Gatchalian | Senator Antonio Trillanes IV
The issue surrounding the recent Proclamation of President Rodrigo Duterte against the opposition Senator Antonio Trillanes IV voiding the amnesty extended to him from the former President Benigno "Noynoy" Aquino III has been continuously circulating around the social media as it has been the talk of the town.

The said issue has earned the attention of the Filipinos, some are expressing support to the Proclamation and has keep an eye on the developing issue.

While the opposition Senators, Liberal Party executives, several opposition coalitions and some church leaders are also supporting Trillanes camping outside the Senate building and demonstrating vigil to express disagreement on what they claimed as another political persecution to silent oppositions.


Duterte has invalidated the grant of amnesty to the mutineer-turned-lawmaker in 2011 for failure to comply with its basic requirements, such as filing an Official Amnesty Application Form and admitting guilt over crimes committed when he participated in military uprisings attempting to overthrow the Arroyo administration over alleged corruption.

Senator Antonio Trillanes IV | Photo from The Manila Times
One of Duterte's staunch supporter Rado Gatchalian - who is also one of the lead initiators of various DDS global events, DU30 Correspondent for Australia Blogger and organiser of RaDU30 Advocacy and The FILOsopher did not hold his punches on his recent Facebook post against Trillanes.

"Di na ako magpapaligoy-ligoy. Sa dami nang gustong sabihin ng mga Pilipino, sa Pilipinas man o nasa ibang bansa, laban sa iyo di ko na alam kung paano ilalahad lahat. Sa ilang araw kong pagmamasid dito sa social media - ewan ko kung magagalit pa ako sa iyo o maaawa na lang sobra. Ayaw ko mang sabihin pa pero sobra ang galit sa iyo ng sambayanang Pilipino na halos isumpa ka o gusto na nilang ibitay o mamatay ka." he said


His full Facebook post reads:

READ AND FEEL FREE TO SHARE)

MR. TRILLANES,

Di na ako magpapaligoy-ligoy. Sa dami nang gustong sabihin ng mga Pilipino, sa Pilipinas man o nasa ibang bansa, laban sa iyo di ko na alam kung paano ilalahad lahat. Sa ilang araw kong pagmamasid dito sa social media - ewan ko kung magagalit pa ako sa iyo o maaawa na lang sobra. Ayaw ko mang sabihin pa pero sobra ang galit sa iyo ng sambayanang Pilipino na halos isumpa ka o gusto na nilang ibitay o mamatay ka.

Sa puntong ito sisikapin kong maging diplomatiko sa abot nang aking makakaya. Kahit ang taguri sa iyo ay asong ulol — tao ka pa rin na may damdamin at mayroon ka ring pamilya na maaaring masaktan. Sana sa tuwing nagsasalita ka nang masakit laban sa Pangulo isipin mo rin na maraming nagmamahal sa kanya na masasaktan din.


Ang hirap kong simulan. Kasi di ko alam kung nasisiraan ka na ba ng bait o sadyang niloloko mo ang Pilipino. Sa totoo lang ikaw lang ang makakasagot niyan. Pero ang mga Pilipino hindi na mangmang: di na kami maloloko pa. Alam namin kung sino ang may pusong nagmamahal sa bayang Pilipinas. Iyong totoo, walang halong pagkukunwari.

Ang nakapagtataka kasi ay ito: noong bago magsimula ang halalan noong 2016 sinikap mong kausapin ang dating Mayor Rody Duterte at nangarap kang sana ikaw ang kunin niyang bise-presidente. Ito ay totoo at naibalita rin sa peryodiko o maging sa telebisyon. Wala namang masamang mangarap. ANG MASAKIT AY BAKIT KAILANGAN MONG MAGTANIM NG GALIT AT GAWIN ANG LAHAT NG MANIOBRA LABAN KAY MAYOR DUTERTE PARA LAMANG SIRAAN SIYA AT IKAW AY MAGSINUNGALING DAHIL LAMANG HINDI IKAW ANG PINILI NIYA BILANG KANYANG BISE-PRESIDENTE.

Senator Antonio Trillanes IV | Photo from ABS-CBN
Ganun na ba kababa ang iyong moralidad sa harap ng madla? Sa tingin mo ba hindi mapagtatanto ng Pilipino kung ano ang iyong hangarin? Sa akala mo ba ay mapapaniwala mo ang sambayanang Pilipino?

Subalit nais kitang bigyan ng benefit of the doubt. Kung talagang totoo ang iyong mga paratang sa ating Pangulo — siguro naman hindi kami bulag upang makita kung ano ang totoo at hindi. 

Kung matibay ang iyong ebidensya ako mismo ang mag-iingay upang tanungin ang ating Pangulo. Hindi totoong kami ay mga nagbubulagang-DDS o panatiko. Umiiral pa rin sa amin kung ano ang tama. Pero hindi lang tama kundi mas tama. Mas tama siguro na tulungan natin ang ating Pangulo sa hinahangad na pagbabago ng bayan. Sa halip na mag-ingay at siraan ang ating bayan — mas tama na magsumikap tayong lahat kung paano natin matutulungan ang bansa. Mas tama ito di ba? Tama naman ang pumuna at magbigay kritiko sa ating pamunuan kung may nakikita tayong hindi maganda. Checks and balances din ito. Pero mas tama rin na sa halip na nakatuon tayo rito ay meron din tayong alternatibo at tayo mismo ang kumikilos upang mabago natin ang ating bayan.

Ilang dekada nang naghirap ang Pilipinas. Hindi ba ikaw at ang mga kasamahan mong mga kawal ay nag-alsa laban sa gobyerno. Kung anuman ang hinanaing niyo noon ramdam din naman ng Pilipino ang poot natin sa mga magnanakaw sa gobyerno. Hindi ba at naihalal ka pa bilang Senador. Naniwala sa iyo ang mga Pilipino. Maging ikaw ay nagtapos sa PMA. Akala namin magaling ka. Pero malaking pagkakamali pala! Nasaan na ang iyong prinsipyo?

Masisisi mo ba ang madla kung ang tawag sa iyo ay asong kahol nang kahol. Ito iyong taong kay-ingay na parang lata pero wala namang laman.

Sana mabatid mo na sa tuwing may akusa ka sa ating Pangulong Duterte — milyon-milyong Pilipino ang sinasaktan mo. Hindi dahil sa diyos ang turing namin kay Tatay Digong. Tao pa rin siya. Pero iisa kasi ang damdamin namin sa aming taguring Tatay Digong — gaya ng tinitibok ng puso namin ramdam namin ang totoo at wagas na pagmamahal ng ating Pangulo para sa ating Inang Bayang ilang dekadang binaboy at niyurakan ng mga magnanakaw sa gobyerno at masasamang elemento sa ating bayan.

Kung kaya tuwing ikaw ay nagpaparatang nang hindi tama sa ating Pangulo — kami mismo ang nasasaktan.

Hindi ka ba napag-iisip at nagtataka kung bakit ganito na lang ang pagmamahal namin sa ating Pangulo?

Alam mo Mr. Trillanes — kung ikaw lang mismo ay magiging totoo at mapagmahal sa ating Inang Bayan hindi mo na kinakailangan ng endorso ni Mayor Digong. Ang sambayang Pilipino mismo ang susuporta sa iyo na kusa. Pag-isipan mo ito nang maigi. Hindi dahil “siya” ay si “Mayor Digong.” Kahit sinong Pilipino naman na may malinis na hangad para sa bayan — kung makita namin ito sa isang Pilipino, ibibigay din namin ang suporta at pagmamahal na binigay namin kay Tatay Digong. Baka mas higit pa.

Kahit pa ang apelyido mo ay “Trillanes” at hindi “Duterte” — kung malinis ang iyong puso, wala sa apelyido mo ang susi para makuha mo ang aming suporta.

Kung mabasa mo man ito sana pakinggan mo ang iyong konsensya at sigaw ng sambayanang Pilipino.

Hindi pa huli ang lahat. Harapin mo ang batas. Kung may tapang at paninindigan ka — huwag kang magtago sa saya ng Senado. Huwag mong hintaying ang sambayang Pilipino ang kumaladkad sa iyo palabas ng Senado.

Gaya ng asong kahol nang kahol hihintayin mo pa ba ang tanikala ng bayan laban sa iyo? Nasa iyo iyan pero tandaan mo na ang huling halakhak ay wala sa iyo o maging kay Pangulong Duterte: nasa sambayanang Pilipino.

At pakiusap kung kailangan mo ng dasal — huwag ka ng magpa-pray-over kay Father Reyes. Kausapin mo ang Diyos sa puso mo at maririnig mo rin ang sigaw ng Sambayang Pilipino.

At tandaan mo: Hindi kailanman magwawagi ang masama laban sa mabuti.

Kasama ang Sambayanang Pilipino,
Rado Gatchalian, isang volunteer at ordinaryong mamamayan

(Photo: CTTO)


Senator Antonio Trillanes IV | Photo grabbed from Rado Gatchalian post


****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Rado Gatchalian - Radu30 Advocacy