Tiglao sa Dilawan: Kapag Diktador mula sa iba, ayaw. OKS basta ka – tropa! - The Daily Sentry


Tiglao sa Dilawan: Kapag Diktador mula sa iba, ayaw. OKS basta ka – tropa!



Photo fro CNN Philippines
Naging paksa ng batikang kolumnistang si Rigoberto ‘Bobi’ Tiglao nitong Lunes ang isyu ng mga dilawan kaugnay sa napipiling Pangulo upang mamuno sa bansa. Aniya, tila nauubusan na ng pambabatikos ang mga ito kung kaya’t paulit – ulit nalang ang paksang diktadurya ng laging nahahalintulad sa dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Tanong ni Tiglao sa kanyang inilathala, “kung diktadurya tulad ng kay dating Pangulong Cory Aquino, payag sila, hindi ba?” Ayon kay Tiglao, ipinawalambisa ng dating Pangulong Cory Aquino ang Konstitusyon noong 1986, pinawalambahala ang Kongreso at nagpasimuno ng umano’y ‘revolutionary government. Bagay na mas malinaw na mahahalintulad sa kwalipikasyon ng isang DIKTADOR.


“Yan ang hirap sa mga dilawan, kapag sa kampo nila galing ang diktador, gusto nila. Kapag hindi nila katropa, ayaw nila,” aniya.

Sang – ayon naman daw si Vice President Leni Robredo na PIGILAN umano ang paglantad pa ng diktaduryang katulad ng pinamunuan ni Marcos. Subalit, lingid umano sa kaalaman nito na “Golden Age” ang tingin ng karamihan sa mga Pinoy na personal na nakaranas sa pamumuno ng dating Pangulong Marcos.
Rigoberto ‘Bobi’ Tiglao / Photo from Google
Ang sikat na pahayagang New York Times mismo ang naging saksi nito nang nagpa – unlak ito ng isang panayam sa noo’y nalalapit nang matapos na termino ng umano’y ‘walang – kalatuy – latoy na administrasyong PNoy Aquino. Lahat ng nakibahagi sa naturang panayam ay nagsabing “panahon ng kapayapaan at prosperidad ang panahon noon ng dating Pangulong Marcos”.

Isa si Richard Negre sa mga napiling makipanayam at tahasang sinabi nito na “palagay ko, si Marcos ang pinakamahusay na presidente namin. Ang Pilipinas noon ang lider ng Asya. Respetado tayo”.

Ganun din ang saluobin ni Ginang Imelda Orduña, isang retiradong guro mula sa Caloocan na ipinagmalaki ang magandang daloy ng trapiko noon at ang madalang na kaso ng kriminalidad sa bansa. Aniya, “mas maganda ang buhay noon. May ‘peace and order’ at kaunti lang ang korupsiyon. Kailangang ikuwento natin sa ating mga anak at apo ang tungkol sa panahong ‘yun.”

Ipinagmalaki naman ng iba ang mga proyektong imprastraktura na hanggang ngayon ay napapakinabangan pa ng lahat kabilang na ang iilang ospital, kalsada at pangunahing lansangan.

Taliwas din sa paniniwala ng marami, DISIPLINADO naman daw ang karamihan sa mga Pinoy noong panahon ng Martial Law. Ultimo Jaywalking ay iniiwasan dahil sa takot na mahuli ng mga otoridad hindi katulad ngayon na wala nang takot ang mga kriminal.

Kaya’t wala umanong saysay ang pilit pang paninira ng mga dilawan sa umano’y diktadurya ni Marcos dahil malayo ang agwat ng pag – unlad ng ating bansa sa naging palpak na termino ng dalawang Aquino kumpara noong kay Marcos.

Isiniwalat din ni Tiglao ang pagiging Tuta ng dating Pangulong Ramon Magsaysay sa mga Amerikano na nag ugat lamang sa pangangampanya laban sa naunang Pangulo na si Elpidio Quirino. ‘Dokumentado’ umano ang ginawang pakiki – alam ng mga kano sa kasaysayan ng halalan sa bansa na lalong umiral noong ahente mismo ng tinaguriang Central Intelligence Agency (CIA) nito na kilala sa pangalang Edward Lansdale ang bukod – tanging ‘handler’ sa pangangampanya ni Magsaysay. Mula sa pag – akda ng mga talumpati nito hangga’t sa istatehiya at suportang pinansyal, si Lansdale daw aniya ang nasa likuran ng pangangapanya ni Magsaysay.

Tila naulit naman ang pangitaing ito noong 1986 sa pamamalakad ni Mark Malloch – Brown noong panahong si Cory Aquino na ang pumalit sa pinag – iwanang trono ni Marcos. Si Brown ngayon ay mas kilala na bilang Chairman ng Smartmatic, na ayon kay Tiglao ay “ang kumpanyang nagbenta sa atin ng mga palpak na makinarya para sa pagbilang ng boto.”

Nakabinbin pa umano hanggang ngayon ang electoral protest na inihain ng kampo ng dating Senador Bongbong Marcos laban kay VP Leni kaugnay sa mga anomalya ng mga boto nito noong 2016 National Elections. Kaya’t tanong ni Tiglao, “matatanggal kaya si VP Robredo kapag natapos na ang bilangan at pagtsek ng mga balota na ginagawa ng Presidential Electoral Tribunal?”

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  bulgaronline.com