TV5 Journalist shares story of criminal who turned his life around - The Daily Sentry

Saturday, September 8, 2018



TV5 Journalist shares story of criminal who turned his life around



Jen Calimon, a journalist from Tv5, recently met again with a subject whom she interviewed before, and was told of how he was given a second chance to have a better life, and has actually done good in turning his life around.
Adonis Ducot / Photo from Manila Flash

It was in March that Calimon covered the story of Adonis Ducot who was a suspect in an incident that involved burning of a motorcycle in Pandacan. During that time, Calimon said that Ducot was pushed to commit the crimes because of numerous unfortunate circumstances that happened in his life. When he was apprehended, he asked President Rodrigo Duterte and his administration for help, and a second shot to having a better life.

Calimon said that it was just recently, five months later, that he saw Ducot near Paco Market. She said that she saw Ducot carrying a basket of hopia, selling to pedestrians and commuters stuck in traffic.

The journalist recounts how she was doubtful if it was indeed Ducot whom she saw but then decided to go with her gut and approach the man. When she did, she saw Ducot smiling, saying that he remembered her and even tried to visit her in the station in order to thank her for covering his story.
Adonis Ducot holding his basket of hopia / Photo from Manila Flash

Ducot then shared to her how he was released from detention after the case filed against him was retracted. After which he sincerely decided to do something good with his life. He said that he got away from drugs and crimes, ad decided to help his family and himself by selling hopia, an honest way of living.

Calimon said that Ducot was proof that people can change for the better and decided for themselves to escape the hard life by just following the law and doing good.

Read her full post here:

"IBA ITO. Hindi patay, hindi droga, hindi krimen na karaniwan kong pinopost. Istorya ito ng pag-asa at pagbabagong-buhay. Sana ay panoorin niyo at i-share na rin para maraming makapanood.

Na-interview namin sa TV5 noong March si Adonis Ducot na suspek sa panununog ng motorsiklo sa Pandacan. Dahil sa labis na kalungkutan bunsod ng kawalan ng trabaho, pagtakwil sa kanya ng pamilya niya at pagkalulong sa alak at droga, nagawa niya ang krimeng iyon. Sa interview namin sa kanya ay nanawagan siya kay Pangulong Duterte na tulungan siyang mabigyan ng pangalawang pagkakataon at makapag-bagong-buhay.

Ngayong umaga, habang nasa Paco Market kami... nakita ko si Kuya Adonis. Nagta-traffic siya habang may bitbit na mga hopiang paninda. May kung anong nag-udyok sa akin para bumaba ng sasakyan at lapitan siya. Habang palapit ako sa kanya, medyo nagduda pa ako kung siya nga ba yung na-interview naming suspek noon dahil medyo nag-iba na ang itsura niya. Medyo tumaba at umaliwalas ang mukha niya. Malayo sa Adonis na nakilala ko noon-hopeless, madungis, malungkot.

Sinalubong niya akong nakangiti. Naaalala pa rin pala niya ako. Sinubukan daw niyang puntahan ako sa TV5 para magpasalamat. Pero sabi ko nga sa kanya, wala naman akong naitulong sa kanya. Ibinahagi ko lang ang kwento niya noon.
Adonis Ducot / Photo from News Sentinel

Kwento sa akin ni Kuya Adonis, Nakalaya siya agad dahil inurong daw ng complainant ang kaso laban sa kanya. Mula noon, nagbagong-buhay na raw siya. Tumalikod sa bisyo, bumalik sa pamilya at nagbenta ng hopia bilang hanapbuhay. Sinubukan daw niyang lumapit sa Manila City Hall para mabigyan ng trabaho kaso may mga dokumento siyang hindi naipakita. Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin daw siya sa gobyerno, lalo kay Pangulong Duterte, dahil nabigyan pa siya ng pagkakataon. Pinangako ni kuya na hindi na siya kailanman magbi-bisyo at mabubuhay na nang marangal.

Patunay si kuya Adonis na may pag-asa sa mga taong desidido talagang magbago. Lahat ng tao ay nagkakamali at nagkakasala. Sa panahon ngayon, mahirap mabigyan ng 2nd chance lalo kapag na-identify kang adik o pusher (at lalo na’t mahirap ka). Swerte na yata ang mga nakakalabas ng selda nang buhay. Sana ay sulitin ni Kuya Adonis at ng iba pang tulad niyang nabigyan ng 2nd chance ang pagkakataon para mabago at maayos ang mga buhay nila.

Hahanapin ko uli si Kuya Adonis para maibahagi ang kanyang kwento ng pag-asa sa TV. #warOnDrugs

Watch the videos below:

First video. 


Second video.


Third Video.