Senador Kiko Pangilinan at negosyanteng si Dennis Uy / pinagsamang larawan mula sa Google |
Manila, Philippines – Duda si Senador Francis “Kiko”
Pangilinan sa pagpili ng gobyerno sa Mislatel consortium para maging
kakumpetensya ng PLDT-Smart at Globe Telecom sa bansa.
Magkasosyo umano sa Mislatel ang kompanya ni Dennis Uy na
negosyante mula sa Davao City at China Telecommunications Corporation na
pag-aari ng gobyerno ng China.
Anong alam ni Dennis Uy sa telco?
Nagtataka raw ang opposition senator kung bakit ang
mislatel lang ang nagkwalipika sa mga naging bidder.
Tanong din ng senador kung ano ang kakayahan umano ni Dennis
Uy sa telco industry at kung ano ang posibleng maging epekto sa seguridad ng
bansa ng pagpasok ng isang dayuhang kumpanya ng telco.
“Not only security concerns but legal and technology and
policy concerns as well. Why only one qualified bidder? What is Dennis Uy’s
expertise and what does he know about telcos?” pahayag ni Pangilinan.
Gobyerno, dapat maging maingat
Binigyang diin din ni Pangilinan na kailangan maging maingat
ang gobyerno sa pagpasok ng kontrata dahil baka mauwi ang lahat sa wala kapag
nabutasan ito sa batas.
“Government must be extremely careful that because of legal
questions this effort will go the way of other controversial China funded govt
contracts such as the ZTE NBN deal and the Northrail project which were
eventually scrapped due to irregularities,” diin ni Pangilinan.
Mislatel, pumasa sa pamantayan
Samantala, buwelta naman ng palasyo, nakatugon umano ang
kumpanya ni Uy sa pamantayan kaya ito ang napili sa bidding ng Department of
Information and Communications Technology (DICT) para sa ikatlong telco player
sa bansa.
Ang pahayag na ito ng Malacañang ay lumabas matapos
kwestyunin ni Pangilinan ang desisyon ng DICT.*
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, pumasa sa preliminary screening ang kumpanya ni Uy na Mislatel Consortium at may kulang na mga dokumento ang dalawang iba pa kaya si Uy ang nakakuha ng ikatlong slot.
“There are legal requirements for the entry of a third
player. In the preliminary screening,that particular corporation of the person
you mentioned Dennis Uy has passed it. From what I gather, the other bidders
lack certain requirements, that is why that particular corporation won over
them. But there is a provision that says those bidders who are not satisfied
can appeal to the committee,” Pahayag ni Panelo
Sinabi rin niya na bukas pa rin ang pintuan para sa dalawa
pang bidders kaya hindi pa rin sigurado na ang kumpanya ni U yang tuluyang
mapipili bilang ikatlong telco ng bansa.
Presidential Spokesman Salvador Panelo / file photo from ABS CBN |
Source: Abante