Prominent lawyer slams protesters on Xi Jinping's visit: 'Rally pa more, pa cutesy pa. Di nyo iniisip ang benefits ng diplomasya.' - The Daily Sentry

Tuesday, November 20, 2018



Prominent lawyer slams protesters on Xi Jinping's visit: 'Rally pa more, pa cutesy pa. Di nyo iniisip ang benefits ng diplomasya.'





Compiled photo of Atty. Trixie Cruz-Angeles from Facebook and Militant groups holding protest vs. Xi Jinping's visit via GMA News



Iba ibang grupo kahapon ang nagrally sa labas ng Chinese Embassy sa Makati City kasabay ng pagdating ni China President Xi Jinping na sinalubong naman ng red carpet at mainit na pagtanggap ng palasyo.

Layon ng pagbisita na ito ng lider ng China ay pagtibayin ang diplomatic at trade relations ng dalawang bansa.


‘hindi lang rally'

Ngunit hindi lamang rally ang naging tugon ng mga kritiko sa ma-diplomasyang paraan ng pangulo para lutasin ang usapin sa West Philippine Sea at mga business deals na hatid ni Xi Jinping sa kanyang pag bisita sa Pilipinas, kundi ang paglabas ng mga memes ni Winnie the Pooh.

Ang cartoon character na Winnie the Pooh ay naka ban sa bansang China matapos na paulit ulit umano itong ihambing kay Xi.

Sa social media tulad ng Facebook ay naglabasan ang mga larawan ni Xi katabi ang naturang cartoon character na ginawang meme ng mga kritiko, samantala ang iba naman ay ginamit ito bilang profile picture – paraan upang ipakita na hindi welcome sa kanila si Xi.

‘Hindi iniisip ang benefits’

Dahil dito ay hindi na nakatiis ang abogada at kilalang taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Trixie Cruz-Angeles at  nagpahayag ng pagkontra sa mga ginagawa ng mga taga oposisyon umano.

Ayon sa kanya, hindi iniisip ng mga ito ang benepisyong maibibigay sa atin ng ‘diplomasya’ at hindi rin umano ibig sabihin na kapag malapit ang diplomatic at trade relations ay isinusuko na ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea sa China.

“Closer diplomatic relations may help us solve our problems with China's aggressiveness in in the region. If trade is mutually beneficial, bakit tatanggi tayo?” Ayon kay Cruz-Angeles*

“Rally pa more. Pa cutesy paandar pa kayo ng cartoon character sa profile pic ninyo. Pero di ninyo iniisip yung benefits ng diplomasya.” Dagdag ng abogada

Submarine broadband

Samantala, nag salita rin si Cruz-Angeles patungkol sa partnership deal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa China Telecommunications Corporation laban sa  mga tumututol dito.

Ang naturang partnership ay naglalayon na makapag establish ang bansa ng submarine broadband infrastructure upang masigurado ang pagsusulong ng mabilis na internet connection sa pilipinas.

Ayon sa buong post ni Atty. Trixie Cruz-Angeles:

Hindi ko pa rin naiintindihan ang tutol sa pagpapalalim ng diplomatic relations sa China. Hindi naman ibig sabihin nito ay isinusuko natin ang sovereign rights sa exclusive economic zone. At lalong hindi ibig sabihin nito ay nangungutang tayo ng walang dahilan. Haller, 30 years nang behind ang public infrastructure natin. We don't have enough highways, mass transport and COMMUNICATIONS infra.

We need those things. We especially need better internet, dahil sa dami ng nawawalng business opportunities and pagkakataon na magdevelop.

So, ahem. Anyone here na may ayaw sa mabilis na internet?

screen-capped image of Atty. Trixie Cruz-Angeles' Facebook post