Jericho Rosales, tutol sa pagtayo ng Coal – Powered Plant sa La Union: ‘My heart goes out to my beloved La Union’ - The Daily Sentry

Sunday, November 18, 2018



Jericho Rosales, tutol sa pagtayo ng Coal – Powered Plant sa La Union: ‘My heart goes out to my beloved La Union’



Composite photos from EurActiv and Amazetify
Tutol ang tanyag na aktor na si Jericho Rosales sa pagpapatupad ng aniya’y isang Coal Power Plant sa lalawigan ng La Union.

Inilahad ni ‘Echo’ ang mungkahi nito sa isang Instagram post at iginiit na may masamang epekto sa kalusugan lalo na sa mga kabataan ang paglanghap ng kemikal na posibleng manggagaling mula sa planta. Aniya, malubha pa umano ang epekto nito sa paninigarilyo ng isang pakete kada araw.


Saad ng Aktor, “It is said that it’s worse for children to be breathing air near a coal-fired power plant ash bin than to smoke a pack of cigarettes a day.”

May malaki din umanong epekto ang pagsusunog ng coal o uling sa kalikasan lalo na sa katubigan nang dahil sa mercury content na posibleng maidulot nito sa prosesong nagmumula sa planta. Hindi rin aniya makakaligtas sa pagkakalason ang mga yamang – dagat partikular na ang mga isda sa sandaling dumaloy din ang naturang lason sa tubig.
Jericho Rosales / Photo from One Music PH
Paliwanag ni Echo, “Burning coal (karbon mula sa bundok) releases mercury in the air (a cause of asthma [and] other respiratory illnesses and damages the nervous system) then goes to [the] ocean and is eaten by fish that we also eat.”

“Did you know that there is a plan to build one in Luna, La Union? My heart goes out to my beloved La Union,” pakli ng aktor.

Nakatakdang magbukas ang 41 – ektaryang planta sa bayan ng Luna sa taong 2022 na umabot sa halagang P65 Bilyong Piso.

Himutok Ng Mga Residente

Maliban kay Echo, buong residente ng Barangay Carisquis at lokal na pamahalaan ng Luna ang TUTOL sa naturang proyekto. Kinatawan ng mga ito ang environmental groups na ‘Save Luna’ at Koalisyon Isalbar ti Pintas ti La Union (Save the Beauty of La Union Coalition) upang himukin ang pamahalaan na abandunahin na lamang ang plano.
Photo from greentechmedia.com
Ayon sa deskripsyon ng planta, kaya nitong sipsipin ang 111 Milyong Litro ng tubig dagat na katumbas ng mahigit 40 Olympic – sized Swimming Pool sa loob lamang ng isang oras! Dahil dito, posibleng maglaho ang ‘coastal water nutrients’ na pinamamahayan naman ng mga coral reefs at iba pang marine resources na sumalsalalay sa natural na nutrina ng tubig – dagat.

Ang resulta: kaya din nitong magpakawala ng nakalalasong ‘hot marine water waste’ sa dalampasigan.

Bukod sa masamang epekto nito, ayaw rin ng ilang residente na maraming dumadayo sa kanilang lugar dahil tiyak na mawawala ang nakagawian nilang katahimikan at payak na pamumuhay.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Abante