Kiko Pagilinanan, ikinababahala ang muling pagbangon ng ‘Alsa Masa’ - The Daily Sentry

Monday, November 19, 2018



Kiko Pagilinanan, ikinababahala ang muling pagbangon ng ‘Alsa Masa’



Senator Franscis “Kiko” Pangilinan / Photo from Inquirer.net
Nais pigilan ni Senator Franscis “Kiko” Pangilinan ang Philippine National Police (PNP) sa muling paglunsad ng “Alsa Masa” upang puksain ang problema ng kriminalidad sa bansa.

Aniya ang pamamayagpag ng “Alsa Masa” noong dekada 80 ay nauwi lamang sa pang – aabuso ng mga kapulisan.


Hinimok noon ng Philippine National Police (PNP) ang ilang grupo ng sibilyan upang tulungan ang gobyerno  sa pagtugis ng mga kriminal subalit nauwi lamang sa pang – aabuso ng marami.

Ayon kay Kiko, “Alsa Masa in the 1980s became notorious for rampant violations of human rights, widespread atrocities and abuse all in the name of anti-communism and law and order.”

“Reviving it may in fact be a recipe for rampant atrocities and abuse. The PNP should seriously reconsider this approach,” dagdag ng Senador.
Photo from CNN Philippines
Nagbabala din ang Senador na posible itong gamitin ng mga abusado at tiwalang pulis bilang pruweba upang gumawa ng masama laban sa mga sibilyan.

Pinangangambahan rin ni Senator Risa Hontiveros na lalo pang dadami ang bilang ng kasong mauugnay sa Extra Judicial K*ll*ngs o EJK na higit pang makakasira sa reputasyon ng mga awtoridad sa bansa.

Ipinaalala din ni Hontiveros na ang Alsa Masa ay isang Paramilitary Group noong 1980 na naging talamak sa pagsagawa ng iba’t - ibang paglabag sa batas at pagpaslang.

Ganito rin ang ikinabahala ni dating PNP Chief at Senator Panfilo Lacson kung saang iginiit nito na kung walang ilalatag na maayos na plano o EXIT PROGRAM ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mga kapulisan, posbile umanong mauwi sa paggawa ng mga krimen ang mga ito.

Dahil dito, hinimok ng Senador ang PNP na pag – isipan muli ang panukala na aniya’y posibleng magbigay daan pa para lalo lamang lumaganap ang mga krimen na kinasasangkutan ng Pulis.
Senator Franscis “Kiko” Pangilinan / Photo from abs-cbn news
Panimula Ng ‘ALSA MASA’

Naipatupad ang Alsa Masa o ang MASSES ARISE noong 1984 sa Barangay Agdao, Davao City  na kinatawan ng mga grupong VIGILANTE sa pamumuno ni Barangay Captain Wifredo “Baby” Aquino upang tugisin ang mga naglipanang rebeldeng komunista.

Naging matagumpay si Aquino sa adhikain nito dahilan upang tuluyang sumuko ang mga rebelde kung saang kinalaunan ay tinawag itong “Nicaragdao” mula sa bansang Nicaragua ng Latin America na sumailalim din sa parehong karanasan.

Naging kontrobersyal ang ginawa ni Aquino kaya’t naibahagi pa ang kanyang kwento sa librong “Inside the Philippine Revolution” ni William Chapman at tinawag itong “Political Overlord” ng Agdao.

Ang “Alsa Masa” ni Aquino ay lumaganap sa ibang bahagi ng bansa at "became notorious for its own lawless activities, including liquidations of suspected rebels," ayon sa nakasaad sa report ng Lawyers Committee for International Human Rights.

Subalit, naging dahilan din ito sa likod ng pagpaslang ni Aquino mula sa mga kamay ng NPA.

Sumunod ang balita na muling inayos at binuo ang plataporma ng grupo noong 1986 na pinamunuan na ni Rolando “Boy Ponsa” Cagay na pinaniniwalaang dating miyembro ng bandidong NPA.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Abante