PDU30 Bumwelta muli kina Trillanes, Alejano sa isyu ng korapsyon - The Daily Sentry

Thursday, November 22, 2018



PDU30 Bumwelta muli kina Trillanes, Alejano sa isyu ng korapsyon



Senator Antonio Trillanes IV and Rep. Gary Alejano
Hindi napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buweltahan ang numero unong kritiko nito na si Magdalo Representative Senator Antonio Trillanes kasama si Rep. Gary Alejano at ang Grupong Magdalo kaugnay sa alegasyong ibinintang umano nila sa kanya sa isyu ng katiwalian.

Ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talumpati sa Tanza, Cavite ang hamon nito para kay Alejano na ituro ang sinumang negosyante ang hiningan nito ng pera sa loob ng 23 taong pagiging Alklade ng Lungsod ng Davao.


Buwelta ng Pangulo, malamang at pamilya pa ni Trillanes ang posibleng sangkot sa umano’y “transactional government” dahil tahasang nag negosyo ang ina nito sa mga military habang aktibo sa serbisyo ang ama nito.
President Rodrigo Duterte and Senator Antonio Trillanes IV / Photo from news.abs-cbn.com
Dagdag pa ng Pangulo, NAGPAKASASA si Trillanes sa pera ng gobyerno mula sa tanggapan ng ama at negosyo ng ina nito sa military habang nagpapakahirap naman daw sa training ang iba sa Philippine Military Academy.

Hindi rin nakaligtas sa patutsada ng Pangulo ang ginawang kudeta ng grupo nina Trillanes at Alejano gayon at sumuko naman ang mga ito at may lakas – loob na humarap at magtapang – tapangan sa kanya.

Cavite Barge Terminal

Samantala, binuksan naman nitong Nobyembre 22 ang kauna – unahang Container Barge Terminal sa bansa na Cavite Gateway Terminal (CGT) kung tawagin, sa Tanza, Cavite.

Sinimulang itayo ang naturang terminal noong nakaraang taon sa ilalim ng BUILD BUILD BUILD Program ng administrasyong Duterte, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Layunin ng CGT na maibyahe ang mga kargamentong nagmumula sa International Port ng Maynila patungong Cavite, pabalik at sa mga nalalapit na Port Facilities sa Luzon gamit ang tradisyonal na RoRo o Roll – on , Roll – off operations.
Cavite Gateway Terminal / Photo from PTV
Inaasahang makakatulong itong maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila sa sandaling maging FULLY OPERATIONAL na ang Terminal dahil itatawid na sa dagat ang mga cargo at container trucks na kadalasang bumabaybay sa lansangan partikular na sa EDSA.

Ayon sa pananaliksik, inaasahang aabot sa 140,000 na biyahe ng mga truck ang mababawas sa kalsada taun – taon kapag nasimulan na ang operasyon ng naturang terminal.

Pinangunahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang inagurasyon sa Terminal na kinumpuni sa kolaborasyon ng Department of Transportaion (DOTr) at International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI).

Sa mensahe nito sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na, “By allowing the transport of cargo by sea instead of by land, this project is expected to result in 140,000 fewer truck trips per year. This will not only decongest our roads, but also address the long queue of trucks in the Port of Manila.”

“This terminal will promote inter-regional trade and development, provide greater access to South Luzon, and spur the growth of its thriving industries,” dagdag ng Pangulo.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: bomboradyo