Former Miriam Santiago supporter shows support to Roxas: "Hindi ako bobo. Kaya ikaw ang iboboto ko" - The Daily Sentry

Wednesday, November 21, 2018



Former Miriam Santiago supporter shows support to Roxas: "Hindi ako bobo. Kaya ikaw ang iboboto ko"



Manuel “Mar” Roxas has been through many issues and controversies while serving the Filipino people, holding seats in public governance.
JC Dela Cruz and Former DILG Sec Mar Roxas / Composite photos from Facebook and Julian Abraham Wainwright

This coming 2019 elections, Roxas plans to take another shot in public service as he runs for a senatorial position.

There have been many messages addressed to Roxas. Some about the issue of the Yolanda funds, some about his run for president, and some about his links to the Liberal Party.

One particular open letter has circled Facebook. JC Dela Cruz, a netizen, recently wrote an open letter to Roxas explaining what he feels about him running for office again.

Amidst current support, Roxas was not voted for president

Dela Cruz admitted in the Facebook post he maid, that he did not vote for Roxas when he ran for president in the elections of 2016.
2016 Presidential candidate Mar Roxas / Photo from Getty Images

Instead, Dela Cruz said that he voted for the late Miriam Defensor-Santiago, whom he believed was better fit for office than Roxas. For this, the netizen feels regret for not being able to help in the campaign for Roxas.

Dela Cruz grew up a LP supporter

Dela Cruz grew up in Capiz where Roxas himself comes from. He says that his family has always been Liberal Party supporters and he grew up trusting and believing in the party. 

Which is why he believing that Roxas should have won as Vice President when he ran before. He also thinks that many people have attempted to ruin the name of Roxas and tarnishing his reputation.

Admiration for Roxas’ resilience

With all of the things that Roxas has experienced, Dela Cruz says that he has admired the way Roxas has dealt with continued criticism. He feels grateful that after a short break, Roxas has decided to get back into public service.

Dela Cruz promises that he will vote and campaign for Roxas this coming elections as he believes Roxas has the experience and heart to serve the Filipino people.

Read his full post here:

“An Open Letter to Mar Roxas

Dear Sec. Mar Roxas,

Inaamin ko na nung nakaraang Presidential Election hindi kita binoto. Hindi sa hindi ako naniniwala sa kakayahan mo, sa kaalaman mo, at sa magagawa mo, pero mas nanaig ang paniniwala ko sa kay Sen. Miriam Defensor-Santiago. Maaaring may kaunting pagsisisi ako ngayon dahil sana'y tumulong ako sa pagkampanya para sa iyo, pero alam ko na alam mo kung bakit may iilan kaming naniwala at binigyan sana ng pagkakataon si Inday Miriam na mamuno ng ating bansa. She was the best Philippine President we never had.

Taga-Capiz po ako. Oo, at hindi lingid sa ating kaalaman na maraming mapanirang kwento ang laban sa pamilya mo. Pero hindi ako naniniwala. Lumaki akong sa Liberal Party ang nakagawiang iboto ng pamilya ko. Alam kong ikaw talaga ang nanalo nung tumakbo kang bise-pangulo ng bansa. Pero pilit na nilalagyan ng yurak ang pangalan mo. Sa kaunti mong galaw, nilalagyan nila ng masama. At dito ko napagtanto na totoo pala ang kasabihan na "thinkers are doers".
2016 Presidential candidate Mar Roxas / Photo from RMN Ph

Marami na ang nagdaang pangyayari sa buhay mo. Pinili mong maging pribado na mamamayan pero binalikan mo kami at alam kong hindi mo na kayang makita na nalulugmok na ang bansang Pilipinas. Malayo na ang nalakad natin. At ang tinahak na landas ng bansang ito ay hindi tungo sa liwanag. Pilit nilang pinapaniwala ang mga Pilipino na sa haba ng paglalakbay na ito, mararating din daw natin ang inaasam na kaayusan. Pero sa loob ng mahigit dalawang taon, saan na ba tayo patungo?

Ngayon at bumalik ka, salamat. Alam kong hindi mo matitiis makita ang kababayan mong naghihirap sa araw-araw lamang na maitawid ang gutom at pangangailangan. Sa iyong pagbabalik, pilit din nilang ibinabalik ang pawang nga di totoong kwento sa likod ng mga litratong naglipana sa internet, mga videong pilit na ini-edit para magmukha kang masama. Habang buhay na sigurong nakakabit ang pangalan mo sa Yolanda, pero nasaan na nga ba ang pera? Hindi ba't malaki-laki rin ang iniwan ng administrasying Aquino? Hindi ba't nai-report na ng COA ang kalagayan ng mga perang donasyon? Ano pa ba ang kailangan ni Juan para maniwala sa katotohanan?

Nung tumakbo ka ng senador hanggang sa bise presidente, sa iyo ang boto ko. At ngayon, pinapangako ko, makukuha mo pa rin ang boto ko. Alam kong may plano para sa kabutihan ang administrasyong ito at mas makakabuti kung may nga taong katulad mo at ng mga kasama mo ang tumulong para mapaunlad ito.

Pasensiya na po kung hindi kita naboto nung tumakbo ka bilang Presidente. Pero naniniwala ako sa kakayahan mo. Naniniwala ako sa kaalaman mo. Naniniwala ako sa prinsipyo mo. Hindi ako bobo. Kaya ikaw ang iboboto ko. Tandaan mo, pilit binabato ang nga punong maraming bunga. Kaya maging matatag po kayo. Pinagbigyan na po natin sila. Tama na. Sa ngayon, panahon na natin ito. Alam kong mananalo ka. Mananalo kayo.

Naninindigan sa Katotohanan,
JC Dela Cruz