![]() |
Imelda Marcos and Senator Cynthia Villar / Composite photos from Daily Mail and Philippine Star |
Tampok sa naunang balita ng Political and Showbiz news site na POLITIKO.com ang pag depensa ni Senator Cynthia Villar kay Ilocos Norte 2nd District Representative Imelda Marcos na nahatulang “GUILTY” ng Sandiganbayan nitong Biyernes, Nobyembre 9, 2018 sa pitong (7) kaso ng GRAFT dahil sa pagsamantala ng posisyon nito noon upang mapanatili ang di – umano’y Swiss Bank Accounts nito.
"Wherefore, premises considered, this Court finds the accused guilty beyond reasonable doubt...," ayon sa 5th Division Clerk of Court habang binabasa ang hatol kay Marcos.
Kaso Ni Imelda
Tinatayang nasa $5 Bilyon hanggang $10 Bilyon di – umano ang tagong yaman ng pamilya Marcos ayon sa datos ng Philippine Commission on Good Governance (PCGG). Narekober na ng gobyerno ang mahigit P150 Bilyon nito sa nakalipas na tatlumpong (30) taon.
![]() |
Photo from The New York Times |
Pinaniwalaang ginamit ng pamilya Marcos ang mga Swiss Bank Accounts nito para maitago ang yaman ng mga ito na di – umano ay nakulimbat mula sa pera ng gobyerno.
Hindi bababa sa 6 na taong pagkakakulong ang haharapin ng Ginang kabilang na ang ‘perpetual disqualification’ nito mula sa pagkakaroon ng anumang posisyon sa gobyerno.
Mababatid na naghain ng kanyang Certificate of Candidacy si Ginang Marcos para sa darating na eleksyon bilang gobernadora ng Ilocos Norte.
Maari pa ring umapela si Marcos sa Korte Suprema laban sa naging hatol nito dahil wala pang nailalabas na Warrant of Arrest laban sa Ginang hanggang ngayon.
Nilinaw din ni Prosecutor Ryan Quilala na bagama’t may naipataw nang desisyon, maari pa ring tumakbo bilang gobernadora ng Ilocos si Marcos para sa 2019 dahil hindi pa naman FINAL at EXECUTORY ang naturang desisyon ng Sandiganbayan.
Humayo At Nagdiwang
Sadyang ikinatuwa naman ng maraming naging biktima ng pang – aapi ng Batas Militar ang naging hatol ng Sandiganbayan para kay Ginang Marcos.
Ang ilan sa mga ito, partikular na ang iilang guro at estudyante ng University of the Philipines (UP) ay nagsagawa pa ng BONFIRE bilang simbolo ng itinuturi nilang malaking tagumpay ng mamamayang Pilipino.
![]() |
Senator Cynthia Villar / Photo from Philippine Star |
Aniya, "I'm jumping up and down with joy, I'm so happy. Can you imagine, that’s 20 years of hard, hard work."
Nilinaw naman ng Palasyo na ginagalang ng Pangulong Rodrigo Duterte ang naging desisyon ng Sandiganbayan.
Panayam Kay Villar
Sa isang panayam, iginiit naman ni Villar na possible pang magbago ang hatol para kay Ginang Marcos dahil sa edad nito. Aniya, “Pero 'di ba yang mga ganyang mga hatol, ang dami namang nahatulan ina - appeal 'yan. We have to see but, at saka sa age niya...85, 85 siya, more than, almost 90. 'Di ba sa ibang bansa 'Suspended Sentence na iyang mga ganyan. (Background: At dapat magkaroon ng humanitarian na reason). Im not familiar, too familiar with the rule pero alam ko at that age parang suspended sentence na.”
****
Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.
Source: Politiko