TATAK DUTERTE: World – Class na Proyekto sa Tarlac, maihahalintulad sa ibang gusali sa ibang bansa - The Daily Sentry

Sunday, November 25, 2018



TATAK DUTERTE: World – Class na Proyekto sa Tarlac, maihahalintulad sa ibang gusali sa ibang bansa



Photo from Updatedtayo.info
Puspusan na ang pag – gawa sa inaabangang New Clark City Complex na matatagpuan sa gawing Tarlac kung saang inaasahang maghahatid ito ng libo – libong trabaho para sa mga Pilipino at higit na makaka – angat ng ekonomiya ng bansa.

Sa kabuo - ang 9,450 hektaryang kinasasakupan nito, inaasahang makokompleto sa Agosto ng susunod na taon ang naturang proyekto na nagkakahalaga lamang ng P13.6 Bilyon bilang isa sa mga “flagship projects” BUILD, BUILD, BUILD program ng administrasyong Duterte.


Ang New Clark City Complex ay bahagi ng Clark Freeport and Special Economic Zone na kinasasakupan ng lungsod ng Angeles, Mabalacat at Porac sa Pampanga at bayan naman ng Capas at Bamban sa Tarlac.

Dating nanguna sa isang groundbreaking ceremony ng naturang proyekto ang ilan sa mga matataas na opisyal ng bansa kabilang na sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano, Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President Vince Dizon kabilang na sina Tarlac Governor Susan Yap at Pampanga Governor Lilia Pineda.
Photo from MTD Philippines
Tampok sa ‘first phase’ ng proyekto ang 200 hektaryang nakalaan para sa National Government Administrative Center na magsisilbing “back – up offices” ng mga ahensya ng pamahalaan sakaling dumanas ng matinding pagkasira ang mga opisina nito sa Maynila nang dahil sa sakuna. Kaya nitong manatiling nakatayo at hindi gumuho sa kabila ng 8.5 magnitude na lindol.

Gayunman, kabilang din sa naturang proyekto ang itinatayong ‘World – Class Sports Complex’ na mayroong Aquatics and Athletic Center na magsisilbing ‘official venue’ ng bansa para sa 2019 Southeast Asian Games.

World - Class Stadium

Layunin ng pamahalaan na matapos ang pinagmamalaki nitong Sports Stadium sa loob ng New Clark City Complex ang na ‘World – Class’ ang dating para sa nalalapit na 30th South East Asian Games. Ipamamalas nito ang 9 – lane ‘world – class’ na Track and Field facility na may habang 490 – meter standard track kung saang kaya nitong mapagkasya ng aabot sa 20,000 panauhin.

Tampok din nito ang itinatayong Aquatic Facility na may high – tech Underwater Cameras na may nasa 2,000 ang seating capacity kabilang na ang Athlete’s Village kung saang ibabahay nito ang mga manlalaro sa tinaguri-ang palakasan.
Photo from MTD Philippines
Ito ang magsisilbing pangalawang Stadium sa bansa matapos ang mahigit 80 taon. Ang kauna – unahang Stadium ng bansa ay itinayo noong 1934 na ngayo’y kilala sa pangalang Rizal Coliseum.

Ang nasabing Stadium ay idinisenyo mula sa hugis ng Parol at Mount Pinatubo na magpapahiwatig ng marking - Pinoy, maging ang materyales na ginamit para mabuo ito ay nagmula sa lahar.

Chinese Industrial Park

Sa kabilang dako, walang nakikitang problema si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana sa hangarin ng bansang Tsina na magtayo ng Industrial Park sa dating US Airforce Base sa Clark na kasalukuyang ginawang base ng Philippine Air Force (PAF).

Aniya, isang magandang balita sa sektor ng negosyo ang alok ng mga Intsik sa bansa dahil mas marami ang magkakaroon ng trabaho.

Pumirma sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang China Gezhouba Group sa halagang $2 Bilyon o katumbas ng  P105.2 Bilyon sa pagpapatayo ng Industrial Park sa Clark. Kabilang ito sa pinirmahang 29 Bilateral Agreements noong nakaraang linggo sa pagitan ng bansang Pilipinas at Tsina.

“Maybe it is good, because they will put up an industrial park thereand put up manufacturing. It will generate a lot of jobs,” ayon kay Lorenzana.

Panoorin ang video sa ibaba:


****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.