Usec Egco pinaburan ang diskarte ni Duterte sa China - “Parang nanalo tayo sa winner take-all sa karera” - The Daily Sentry

Sunday, November 25, 2018



Usec Egco pinaburan ang diskarte ni Duterte sa China - “Parang nanalo tayo sa winner take-all sa karera”



Presidential Communications Undersecretary Joel Sy Egco / Photo from Social Media Soapbox
Isang opisyal ng Media at batikan na Senior Reporter ng Manila Times at Online Political and Social News wire na Remate Online ang nagpahiwatig na hindi lugi ang Pilipinas sa pakikitungo nito sa bansang Tsina.

Mismong Executive Director na ng Presidential Task Force on Media Security na si Undersecretary Joel Sy Egco ang naniniwala at nagsabi na HINDI TAYO DEHADO sa pinirmahang kontrata nang dumayo ang Chinese President na Xi Jin Ping noong nakaraang linggo.


Ayon kay Egco, ang ginawang STATE VISIT ni Ping ay pagpapakita lamang ng pagsisikap ng bansang Tsina na mapanatili ang kapayapaan at katiwasayan sa rehiyon ng Asya partikular na sa Pilipinas.

Hindi gaya ng inaakala ng marami, ipinagpatuloy ng Tsina ang mabuting pakikitungo nito sa mga Pilipino sa paraan ng pagbigay ng malaking – tulong pang – ekonomiya sa layuning hindi lamang magpapagaan sa napipintong sigalot kundi palawakin pa ang RELASYON ng dalawang bansa.
Presidential Communications Undersecretary Joel Sy Egco / Photo from PCOO
Bunga din ito ng walang iba kundi ang maayos na diskarte ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil malinaw na nadale nito ang kooperasyon ng Tsina at Estados Unidos upang makuha nito ang simpatiya ng dalawang pinakamapangyarihang bansa sa buong mundo.

ANG RESULTA: “Bubuhos ng mga tulong pang-ekonomiya na makapagbibigay ng maraming trabaho sa ating mamamayan na umaasang makababawi rin sa hirap ng buhay,” ayon sa akda ni Undersecretary Egco.

Giit nito, dala rin ng Tsina ang mahigit ang katumbas na P750 Bilyon na halaga ng pamumuhunan na pakikinabangan naman ng bansa.

Nabanggit din nito ang naunang sinabi ni National Press Club (NPC) of the Philippines VP Paul Gutierrez na parang naka – chamba umano tayo sa WINNER – TAKE – ALL sa karera ng kabayo dahil nakuha natin lahat ng mananalong kabayo sa lahat bilang ng karera.
Philippine President Rodrigo Duterte and Chinese President Xi JinPing
Aniya, “nakuha niya sa diskarte gaya ng mga karerista na manalo, wala pang gulo na iginigiit ng marami kung tayo raw ay magpapaloko sa Tsina at Estados Unidos.”

Hindi mapagkakaila na alam ni Pangulong Duterte ang kahahantungan ng pagkapanalo ng bansa sa International Court Tribunal (ICT) na pawang nangangahulugan lamang na TAYO ang may karapatan sa teritoryong tinatangkang ‘sakupin’ ng Tsina sa West Philippine Sea. Bagama’t isa itong pormal na kasunduan, walang makapagpapatupad ng desisyon ng ICT at hindi naman ito RECOGNIZED ng Tsina.

Mga Banat Ni Sison Sa WPS Exploration, Dedmahin – Lacson

“Huwag nang pakinggan ang pinagsasabi ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison.”  - ito ang iginiit ni Senator Panfilo Lacson matapos sabihin ni Communist Party of the Philippines Jose Maria Sison na isang malaking ‘PAGTATAKSIL’ sa bayan ang ginawang pakikipag – areglo ng Pangulo sa bansang Tsina.

Ayon kay Lacson, natural na lang ang pagbanat ng gaya ni Sison sa sinumang namamahala sa bansa dahil sa kagustuhan nitong ibagsak ang gobyerno.

Wala naman umanong saysay ang pinaglalaban ni Sison dahil WALA na itong kontrol sa grupong makakaliwa, partikular na ang New People’s Army (NPA).


“What can you expect from Joma? Lahat ng gawin ng lahat ng Republika ng Pilipinas o lahat ng nakaupo sa Malacañang, kinokontra niya kasi iyan ang objective ng CPP-NPA-NDF, to toppe and take over. ‘Yan lang naman,” ayon sa Senador.

Dagdag pa ni Lacson, “Ako ang attitude ko, huwag na lang pakinggan (si Sison) kasi out of touch na rin siya rito. Wala siyang kontrol sa ground. Kasama lang siya sa partehan kapag may extortion sa mga minahan, telco, kapag nagtatayo ng cell sites, meron silang hinihinging halaga o kapag may campaign, nanghihingi sila ng permit to campaign, doon lang siya kasapi. Pinadadala sa Utrecht ang parte niya pero sa pakikipaglaban naroon lang siya. Sarap ng buhay niya roon.”

Nauna nang inimungkahi ni Lacson ang publiko na ipagliban muna ang anumang pagbabatikos sa Memorandum of Understadning (MOU) ng Pilipinas at China kaugnay sa West Philippine Sea hangga’t pormal nang ibahagi ang pamahalaan ang naging desisyon nito.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: remate.ph