VP Robredo sa pagpiyansa ni Imelda Marcos: ‘Hindi pantay iyong katarungan’ - The Daily Sentry

Saturday, November 17, 2018



VP Robredo sa pagpiyansa ni Imelda Marcos: ‘Hindi pantay iyong katarungan’



Vice President Leni Robredo / Photo from Manila Bulletin
Iginiit ni Vice President Leni Robredo na barya lang para kay dating Unang Ginang at ngayo’y Ilocos Norte 2nd District Representative Imelda Marcos ang piyansang binayaran nito na nagkakahalaga ng P150,000 – kung ikukumpara di – umano sa bilyong – bilyong pisong nakulimbat nito mula sa gobyerno.

Ito ang pahayag ng Pangalawang Pangulo matapos maglabas ng desisyon ang Sandiganbayan na payagan si Ginang Marcos na makapagpiyansa matapos bawiin ang naunang piyansang inilagak nito na muntik nang mauwi sa arestuhan


Bagama’t pinagpapaliwanag pa ng Sandiganbayan ang dating Unang Ginang sa hindi pagsulpot sa araw ng pagbaba ng hatol nito, pinayagan na itong magpiyansa sa halagang P150,000 na may katumbas na $ 2,846, isang linggo makalipas ang naturang hatol.

Bagay na ikinahihimutok ng maraming kritiko kabilang na si VP Leni.
Vice President Leni Robredo / Photo from Time Magazine
“Iyong P150,000 na bail, napakaliit considering the enormity noong ninakaw. Pangalawa, barya lang iyon sa kaniya eh. Barya lang iyong P150,000,” sabi ni Robredo sa isang panayam at idinadag, “Itong napakayaman, parang nilibre mo na lang,” ayon kay Robredo.

Pinuna rin ni Robredo ang paggawad ng hustisya alang – alang sa mga naging biktima ng karahasang pantao dulot ng batas militar na ipinatupad ng yumaong Ferdinand Marcos.

Aniya,”Ako, nakakalungkot. Masaya tayo kasi kahit napakatagal na panahon, nabigyan pa din ng katarungan iyong taumbayan. Pero iyong nakakalungkot, kasi pinapakita natin na hindi pantay iyong katarungan, iyong pag-dispense ng justice.”

Hinimok din ng Opisyal na dapat ay pantay ang pagtrato sa mga mayayaman at mahihirap na hinatulan nang dahil sa krimen.

Para kay Robredo, isang panlilinlang ang ginawa ni Ginang Marcos sa sistema ng hustisya nang hindi ito sumipot sa araw ng kanyang paghatol gayon at may halong galak at sya naman itong dumalo sa kinagabihang birthday party ng kanyang anak na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos.
Imelda Marcos / Photo from Rappler
Depensa naman ng mga abogado ni Marcos, hindi nakadalo ang kanilang kliyente dahil sa nakitang “multiple organ infirmities” na taliwas naman sa ginawang pag-amin ni Ginang Marcos na hindi niya alam na magbababa ang korte ng hatol noong Nobyembre 9 at dumalo nga ito sa party ng kanyang anak.

Direksyon Ng Kaso Ni Imelda

Nauna nang inihayag ni Senator Cynthia Villar na posible pa umanong magbago ang hatol ng Sandiganbayan para kay Ginang Marcos. Sa isang panayam, iginiit ni Villar na isa sa magiging basehan ang edad ni Marcos upang tuloyan itong ma-abswelto sa mga kaso.

“Pero 'di ba yang mga ganyang mga hatol, ang dami namang nahatulan ina - appeal 'yan. We have to see but, at saka sa age niya...85, 85 siya, more than, almost 90. 'Di ba sa ibang bansa 'Suspended Sentence na iyang mga ganyan. (Background: At dapat magkaroon ng humanitarian na reason). Im not familiar, too familiar with the rule pero alam ko at that age parang suspended sentence na.” ayon kay Villar.

Tinatayang nasa $5 Bilyon hanggang $10 Bilyon di – umano ang tagong yaman ng pamilya Marcos ayon sa datos ng Philippine Commission on Good Governance (PCGG). Narekober na ng gobyerno ang mahigit P150 Bilyon nito sa nakalipas na tatlumpong (30) taon.

Ang pagpayag naman umano ng Sandiganbayan na makapagpiyansa si Ginang Marcos ay hindi nangangahulugan na ligtas na ito sa anumang pag – aresto, ayon Albay Representative Edcel Lagman.

Aniya, “The grant by the Sandiganbayan of a post-conviction bail for the provisional liberty of Rep. Imelda Marcos does not liberate her as a prisoner of her own conscience. No conscience is so callous as not to be afflicted by guilt and remorse. The massive human rights atrocities and pillage during Marcos’ martial law will perpetually haunt the Marcoses and condemn them to the prison of history.”

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Abante