Gordon: “We have the right to tell our Priests, "Uy, wala ka sa lugar!” - The Daily Sentry

Sunday, December 9, 2018



Gordon: “We have the right to tell our Priests, "Uy, wala ka sa lugar!”



Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard “Dick” Gordon / Photo from Philippine Canadian Inquirer
Nakuha nang makisawsaw ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard “Dick” Gordon kaugnay sa mga umaalingawngaw na isyu ng Simbahang Katolika.

Ito ay nang dahil sa patuloy na kaliwa’t – kanang giri – an ng Palasyo at ng Simbahan kasunod parin ng huling maanghang na pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte.


Sa isang panayam, sinabi ni Gordon na may karapatan ang bawat mamamayan na pabulaanan ang Simbahan kung nagiging mapang – abuso na din ito.

Iginiit ng Senador na ang paguturo ng Simbahang Katolika ay dapat nakalaan para sa pangkalahatang paniniwala.

Aniya, “We are the Catholic Church, we are Universal. The Catholic Church is Universal. We have the right to tell our Priests, "Uy, wala ka sa lugar!”
Richard “Dick” Gordon / Photo from Manila Bulletin
Dagdag pa nito, banggit ni Gordon na, “For that matter, when I was Mayor, there was this Priest there, walang ginawa kundi siraan tayo. Susulatan ang buong mundo na tayo raw ay mga "prostitutes", you don't go overboard. The thing is civility, and constant dialogue and consultation”.

Samantala, todo – panawagan naman ngayon ang isa sa mga opisyal ng maimpluwensyang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Pari at Obispo na iwasan nang patulan pa ang mga patutsada ng Pangulo.

Iginiit ng CBCP Public Affairs Committee Executive Secretary na si Fr. Jerome Secillano na hindi dapat maging padalos – dalos ang Simbahan sa paglalahad ng mga salita na posibleng magpalala lamang ng masalimuot nang sitwasyon.

Naniniwala si Fr. Secillano na hindi na kailangan pang makipag – talo o idaan sa ‘Word War’ ang kasalukuyang ugnayan ng Simbahan at nang Palasyo dahil wala naman aniya itong maitutulong para maresolba ang mga usapin sa lipunan.
Members of the CBCP / Photo from CBCPNews
Higit sa lahat, hindi na rin aniya kailangang patulan ang mga pasaring ng Pangulong Duterte dahil lalo lamang hahaba ang isyu na sadyang walang katapusan.

Simbahang Katoliko At Palasyo: Away Aso’t Pusa

Dati nang umapela ang Malacañang sa publiko na dapat tanggapin na lamang ang katotohanan na sadyang hindi “click” para sa isa’t – isa ang ugnayan ng Pangulo at ng Simbahang Katolika.

Banggit ng dating Presidential Spokesman na si Harry Roque na huwag nang makipag – plastikan dahil sadyang totoo na hindi magkakasundo ang pananaw ng bawat panig.

Ayon kay Roque, hindi naman puwedeng lagi na lamang mag – babangayan ang Pangulo at ang Simbahan dahil apat (4) na taon pa ang nalalabing termino bilang pinuno ng bansa.

Aniya, tanging magandang gawin ay magkaroon ng civil ‘working relationship’ ang Simbahan at Administrasyon kung hindi tuluyang magkasundo o mapaglapit man lang.

Iginiit pa ng kalihim na kung tutuusin ay may ‘common ground’ naman ang dalawang panig sa ilang kontrobersyal na isyu.

Halimbawa umano rito Absolute Divorce at same – sex marriage na tinutulan ng Pangulong Duterte maging ng Simbahan.

Depensa ni Roque, wala umanong makapagpipigil sa Pangulo na maipahayag ang kanyang saluobin laban sa dokrtina ng SImbahang Katolika.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: politics.com.ph