Mga bata sa Maynila, nagsasaboy diumano ng asido sa mga motorista hindi nagbibigay ng limos - The Daily Sentry

Monday, December 10, 2018



Mga bata sa Maynila, nagsasaboy diumano ng asido sa mga motorista hindi nagbibigay ng limos



Mga batang nanlilimos sa may V.Mapa Street sa may Maynila. Imahe mula sa KAMI.com.ph
Pinag-iingat ng mga pulis Ka-Maynilaan ang mga motorista lalo na sa mga nagdadaan sa may V. Mapa Street sa may Maynila dahil sa diumao'y  mga batang nanlilimos sa mga nagdadaan na sasakyan lalo na kapag traffic, tapos kapag hindi nabigyan ng limos ay nagsasaboy diumano ng asido sa mga sasakyan.

Bukod pa sa pagsasaboy ng asido ay ginagasgasan pa diumano ang mga sasakyan na hindi nagbibigay ng limos.

Viral video na inupload ng isang concerned citizen

Makikita sa video na inupload ng isang motorista na si Cliff Irvine Aparicio, sapilitan na nililinis ng mga bata ang kanyang windshield para hingan siya ng limos.

“In-on ko na yung wiper para di na sila lumapit. Pero patuloy pa rin na nililinis yung harapan kahit natatamaan na yung wiper,” sabi ni Aparicio.

Sa kuha naman ng isang dashcam ay kitang-kita na sinipa ng dalawang bata ang isang taxi matapos itong hindi magbigay ng limos. Pumunta ang isang bata sa center island ng kalsada para may kuhanin na bote na ibinato sa taxi. Minsan pa nga daw ay nagsasaboy ito ng asido sa mga hindi nagbibigay ng limos.


Ayon sa police station na malapit doon ay hindi na daw bago ang modus ng mga bata na ito na nagsasaboy ng asido kapag hindi nabigyan ng limos. Wala naman daw silang natatanggap na reklamo kaya naman ang magagawa lang nila sa ngayon ay paigtingin ang pagbabantay sa nasabing lugar.

“Kung di mo bigyan, inii-scratch yung sasakyan,” sabi ng commander ng Manila Police District Station 8 na si Superintendent Ruben Ramos.

Nagbigay din sila ng babala sa mga motorista na maging alerto lalo na sa mga ganitong klase ng insidente lalo na nalalapit na ang Pasko.



****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: GMA