NPA at MAGDALO, nag ‘Gate Crash’ sa Christmas Party ni Maharlika, Art Garcia nagpasimuno Ayon Kay Maharlika - The Daily Sentry


NPA at MAGDALO, nag ‘Gate Crash’ sa Christmas Party ni Maharlika, Art Garcia nagpasimuno Ayon Kay Maharlika



Screenshot image from Maharlika
"Nakakaloka! Kasi it's supposed to be a Christmas Party tapos may mga grupo rito na nanggugulo..." – MJ Quiambao Reyes, Blogger

Sa isang hindi – inaasahang pagkakataon, ilang miyembro ng umanoy New People’s Army (NPA) at Magdalo Group ang nagtipon at nilusob ang idinaos na Christmas party ng kontrobersiyal na Political Blogger at Youtube Personality na si Maharlika at mga kasamahan nito.


Makikita sa dalawang video na ibinahagi ng blogger sa kanyang Facebook post kung paano naantala ang tila mapayapang pagdiriwang ng grupo nang bigla na lamang bumulabog ang mga Rallyista sa labas ng kanilang kinatatatayuan.

Paliwanag ni Maharlika, isang pribadong okasyon ang idinaos ng kanyang grupo kung saang imbitado din bilang guest ang kapwa nitong blogger na si MJ Quiambao reyes. Gayunman, iginiit nito na walang halong politika ang naturang pagtitipon kundi pawang ‘rest and recreation’ lamang.
Screenshot image from Maharlika
Ayon sa kanyang post kung saang pinakita ang mga video ng pangyayari sinabi nito na, “Panoorin kung paano lumusob ang mga BASTOS at TANGANG RALLYISTA ng MAGDALO at NPA. Hindi naman ako pulitiko at walang pulitiko sa grupo namin. Kung hindi ba naman mga BALAHURA at SAKSAKAN NG TANGA, sa harap pa namin talaga nagdaos ng kanilang political rally. Sino ang nag-utos sa inyo na guluhin ang aming Charity Christmas Party? at magkano?”

Dagdag pa ni Maharlika, “Tumawag po ako sa 911, apat na LAPD police car at isang LAPD chopper po ang dumating. Pinalayas po sila, at nag mukha silang mga BASANG SISIW.”

Umani ang mga videos ng mahigit 14,000 views mula sa ibang Netizens at tiga suporta ng Maharilika.

Marami din ang umalma sa ginawang akto ng ‘pambabatos’ ng mga rallyista katulad na lamang ng netizen na si Zen Fagar na nagsabing, “Dios ko mga Bastos talaga, mga mukhang pera mga bayaran, ang hilig hilig mangulo ng mga dilawan, d lang gulo cila ung pumapatay, mga devil, cila ung devil sa lupa.”

Ayon naman kay Tes Garcia Noel, “nako naloko na naman sila sa salape kong gaano ba naman ang marami pang tanga sa bayad sa maliit lang na halaga nasira lang magandang administration ng Duterte.”

Kasunod naman nito ang isa pang ibinahaging post ni Maharlika na nagtuturo kay Arturo (Art) Garcia na umano’y nagpasimuno ng paglusob.’

Mapapansin sa video na kasama din si Garcia sa naturang protesta.

Ayon kay Maharlika, si Garcia umano ang ‘nag – udyok’ sa grupong Magdalo at NPA na maghasik ng kaguluhan at walang – awang panghaharass kabilang na sa mga kasamahan nitong nakatatanda o mga ‘senior citizens’.

Narito ang detalye ng kanyan post kalakip ang larawan ni Garcia:
Photo from Maharlika
Si Arturo (Art) Garcia ay isa sa mga lider na lumusob sa aming masayang Christmas Party.

Isa sya sa nag udyok sa mga grupong MAGDALO at NPA na puntahan ang aming event para GULUHIN, BASTUSIN at IHARASS kaming lahat pati na yung mga senior citizen na mga bisita.

Bago pumunta ay nagpadala muna sila ng SPY para alamin kung ilan at anong klaseng mga bisita ang aatend sa event. Pati seguridad sa area ay kanila ring inalam.

Nang malaman na maging pabor sa kanila ang gagawin na PANGGUGULO, dun na sila umatake.

Ang tatapang, dahil nakita nila na marami akong mga kasamang matatanda. Kung magkagulo man kokonti lang kaming puwedeng lumaban.

Mga utak NPA, utak MAGDALO at utak DILAWAN.

Panoorin kung paano lumusob ang mga BASTOS at TANGANG RALLYISTA ng MAGDALO at NPA.

Hindi naman ako pulitiko at walang pulitiko sa grupo namin.

Kung hindi ba naman mga BALAHURA at SAKSAKAN NG TANGA, sa harap pa namin talaga nagdaos ng kanilang political rally. 

Sino ang nag-utos sa inyo na guluhin ang aming Charity Christmas Party? at magkano?
____
Tumawag po ako sa 911, apat na LAPD police car at isang LAPD chopper po ang dumating. Pinalayas po sila, at nag mukha silang mga BASANG SISIW.

Panoorin ang video sa ibaba:


****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Maharlika