Radio Announcer: ‘Ang mas importanteng tanong eh kanino nagmula ang Pork Barrel na naging SCAM?’ - The Daily Sentry

Sunday, December 9, 2018



Radio Announcer: ‘Ang mas importanteng tanong eh kanino nagmula ang Pork Barrel na naging SCAM?’



Janet Lim Napoles and Mark Lopez / Composite photos from Wikipedia and Twitter
Pinabulaanan ng isang Independent Political Consultant at isa ding radio announcer ang pagkakaroon ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) na naging sanhi ng korapsyon mula sa hanay ng iilang mambabatas na siya ring humantong sa pagkakakulong ng dating Senador na si Ramon “Bong” Revilla Jr.

Mababatid na nadawit ang dating Senador sa tinaguri – ang pinakamalaking eskandalo ng kasaysayan ng pulitika sa bansa, ang tinawag na “PDAF Scam”.


Ayon sa isang post ng netizen at consultant na si Mark Lopez sa kanyang Facebook page nitong linggo, sinabi nito na, "So, ang mga legislators tulad ni Bong Revilla ang tumanggap. Baka ang mas importanteng tanong eh - SINO ANG NAGBIGAY? (Hindi si Napoles, ahente lang sya).”

Ano Nga Ba Ang PDAF At Paano Ito Naging Scam?

Upang mabigyan ng sapat pag – unawa, kilalanin muna natin ang PORK BARREL. Ano ba ang PORK BARREL?
Mark Lopez / Photo from Facebook
Sa literal nitong kahulugan, ang PORK BARREL ay ang “bariles ng karneng baboy”. Ito ay tumutukoy sa pagtatalaga ng pamahalaan sa pag - gasta na pangunahing pondo mula sa kabang-yaman ng bansa upang magamit sa distritong kinasasakupan ng isang mambababatas para sa mga lokal na proyekto nito.

Nagmula Ang Terminong Ito Sa Estados Unidos

Sa bansang Pilipinas, dumaan sa ebolusyon ang kahulugan ng “Pork Barrel”. Una itong tumukoy sa pondong nakalaan sa bawat Kongresista at Senador – na hindi na dumadaan sa normal na deliberasyon ng badyet at dinedesisyunan ng indibidwal na mambabatas.

Sa partikular, ginamit ang “Pork Barrel” bilang katawagan sa Countrywide Development Fund (CDF), na indibidwal na pondo ng bawat mambabatas para sa kanilang kinakatawang distrito.
Photo from Pork Barrel Primer
Batay sa naunang pahayag ni Senador Panfilo Lacson, ang isang mambabatas ay maaaring makakuha ng hindi bababa sa 20% commission sa paggamit lamang ng kaniyang taunang itinalagang pork barrel para sa inprastraktura at iba pang mga proyekto. Aniya, ito'y nangangahulugan na ang isang kurakot na Senador ay maaaring makapagbulsa ng P40 Milyon kada taon, P240 Milyon sa anim na taon at hanggang P480 Milyon sa loob ng 12 taong panunungkulan.

Noong taong 2000, pinalitan ng pangalan ng CDF at ginawang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ang bawat Senador (katulad ni Revilla noon) ay pinaglalaanan ng nasa P200 Milyon at ang bawat Kongresista naman ay pinaglalaanan ng P70 Milyong sa programang tinatawag na Priority Development Assistance Fund o PDAF.

Pork Barrel Scam

“KUNG ang budget ay para sa tunay na pagbabago, bakit hinahayaan ang mga mambabatas na magpanukala ng kani-kanilang proyekto sa planong paggastos ng salapi ng bayan na sila mismo ang maingat na mag-aaral at magpapahintulot nito?” – Senator Panfilo “Ping” M. Lacson Sr.

Ang Pork Barrel Scam ay isang malawakang kontrobersiya na unang naibunyag noong Hulyo 2013 na kinasasangkutan ng 5 Senador kasama ang 23 nitong mga kinatawan na naglipat ng kanilang Pork Barrel Funds na may kabuo - ang P10 Bilyon sa mga pekeng Non – Government Organizations (NGOs) para sa mga hindi umiiral na proyekto o GHOST PROJECTS. Ayon sa Commission on Audit, ang paglilipat ng mga mambabatas ng mga pondo sa mga NGO ay pawang illegal.

Ang mga nasangkot na dating senador ay sina: Bong Revilla Jr. (na naglipat ng P1.015 Bilyon sa pekeng NGO), Juan Ponce Enrile, (P641.65 Milyon), Jinggoy Estrada (P585 Milyon ), Bongbong Marcos (P100 Milyon) at Gringo Honasan (P15 Milyon).

Ayon sa mga naunang ibinalita, ang mga nasangkot na kinatawan ay kinabibilangan nina Rizalina Seachon-Lanete (P137 Milyon), Edgard Valdez at Rodolfo Plaza (P81 Milyon), Samuel Dangwa at Erwin Chiongbian (P62 Milyon).

Nang dahil sa “Pork Barrel Scam”, napansin na maling ibigay ng lump-sum o buong-buo ang mga pondong nasa solong pagdedesisyon ng mga pulitikong kumokontrol at tila umaangkin dito. At nakita ang ganitong depekto, hindi lamang sa PDAF kundi sa buong pondo ng gobyerno.


Ang nasabi namang "Utak ng Pork Barrel Scam" ayon sa whistleblower na si Benhur Luy ay si Janet Lim Napoles na CEO at Presidente ng JLN Corp.

Napoles, Inabsuwelto Ng Court Of Appeals

Pinawalang sala ng Court of Appeals (CA) sa kasong serious illegal detention ang tinaguri - ang Pork Barrel Scam Queen na si Janet Lim Napoles laban sa naunang isinampa ng whistleblower na si Benhur Luy.

Sa inilabas na desisyon ng CA 12th Division, pinaboran nito ang apela ni Napoles at ibinasura ang naunang desisyon ng Makati Regional Trial Court na nagkasala si Napoles.

Ayon sa CA, hindi napatunayan ng prosecution na beyond reasonable doubt o walang kaduda-duda na nagkasala nga si Napoles.

Si Napoles kasama ang kanyang kapatid na si Reynald Lim ay inakusahan ng SERIOUS ILLEGAL DETENTION kay Luy mula December 20 , 2012 hanggang March 22, 2013 upang mapigilan itong ibunyag ang kanyang mga nalalaman sa Pork Barrel Scam.

Reclusion Perpetua ang dating hatol ng Makati RTC kay Napoles samantalang hindi na nabasahan ng sakdal si Lim dahil hindi pa ito natatagpuan hanggang sa ngayon.

Bagama’t naabwelto sa kaso, mananatili sa kulungan si Napoles dahil sa kanyang mga nakabinbing kaso ng plunder sa Sandiganbayan na pawang NON - BAILABLE offenses.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Mark Lopez