Radio Announcer sa Duterte Administration: ‘Makinig po kayo kay Mar Roxas’ - The Daily Sentry

Saturday, December 15, 2018



Radio Announcer sa Duterte Administration: ‘Makinig po kayo kay Mar Roxas’



Mar Roxas and Mark Lopez / Composite photos from News5 and Twitter
Humingi ng maliit na kahilingan ang Independent Political Consultant na si Mark Lopez sa administrasyong Duterte na bigyang pansin o dinggin man lang ang mga panawagan ng dating Senador at ngayo’y muling kumakandidato na si Mar Roxas.

Ito ay matapos maibalita ng network news and information na News5 ang ginawang pagbabatikos umano ni Roxas sa gobyerno dahil nabigo itong maipasa ang 2019 budget sa lalong madaling panahon.


Ayon sa mensahe ni Roxas na nasagap ng pahayagan, sinabi nito na, “Government had 6 months to pass a budget that would help our fellow Filipinos as they struggle with problems of traffic, inflation, and joblessness. It failed, Walang excuse para sa kapalpakan na ito.”

Mababatid na bahagyang naantala ang pagtalakay sa panukala matapos umugong ang isyu tungkol sa pagpasok sa P55 bilyong pork barrel funds sa 2019 budget kamakailan.
Photo from News5
Dagdag pa ng dating Interior Secretary, “Budget delayed is government services denied. Walang bagong proyekto sa pagpasok ng bagong taon para sa mga Pilipinong gutom, pagod sa traffic, at nalulunod sa nagtataasang presyo.”

Bagay na ikinantiyaw naman ni Lopez sa isang Facebook post.

Ayon sa kanyang post, pabirong iminungkahi ng netizen na damang – dama umano ni Roxas ang dinadanas nating mga Pilipino sa problema sa trapik, polusyon at kakulangan sa pag – unlad ng ekonomiya dahil siya mismo, kabilang na ang kanyang mga ka – alyado ang may kagagawan nito.

NARITO ANG BUONG DETALYE NG KANYANG POST:

“Dear Duterte Administration,

Makinig po kayo kay Mar Roxas.

Dahil kung meron po isang politiko na eksperto sa KAPALPAKAN, si MAR ROXAS po ang PINAKA...
Mark Lopez / Photo from Facebook
Alam na alam ni Mar Roxas ang mga dinanas nating mga Pilipino, lalu na patungkol sa trapik. Dahil sya po ang may kagagawan nyan.

Kung kapalpakan po talaga ang pag uusapan, talagang MAR ROXAS ang Number One!!! 

*Cue music : “Hari ng Sablay”

Mar Roxas: ’”Nabigo Ang Daang Matuwid’”

Dati nang umamin ang noo’y kalihim ng Interior and Local Government Department na si Mar Roxas na isang malaking kabiguan lamang ang itinahak ng ipinangakong “Daang Matuwid”.

Ang ginawang pag amin ni Roxas ay ikinatuwa namang ng partidong United Nationalist Alliance (UNA).

Ayon sa dating UNA Spokesperson na si Mon Ilagan, sinabi nito na, “Sa wakas at inamin din ni Mar Roxas ang alam na ng lahat ng mga kababayan natin, na bigo at isang malaking kasinungalingan ang ‘Daang Matuwid’ sa mga pangako nitong reporma,”

Dagdag pa nito, bagama’t ipinangako ang slogan na “Daang Matuwid” sa isang mabuting pamamahala, hanggang salita laman ang kinahantungan nito lalo na pagdating sa sektor ng ekonomiya.

Banggit din ni Ilagan na inamin ni Roxas na sadyang may mga ahensiya nga ng gobyerno kagaya ng Bureau of Customs, BIR, Airport, Immigration, Barangay Officials, Kapulisan at maging Local Government units ang nananamantala sa  mga investors kaya’t nagpupumigil ang mga itong mamuhunan sa bansa.

“Bigo rin si Mr Roxas na ayusin ang mga problemang ganito sa mismong mga ahensiyang pinamunuan niya,” wika ni Ilagan.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Mark Lopez