Sobrang pagkain ng hotdog ng mga bata, maaaring magdulot ng kanser sa dugo't tiyan - The Daily Sentry

Wednesday, December 12, 2018



Sobrang pagkain ng hotdog ng mga bata, maaaring magdulot ng kanser sa dugo't tiyan



Photo from LIVEKINDLY
Isang pagsusuri ang ibinahagi kung saang pinapakita nito ang posibleng magdulot ng kanser sa dugo at tiyan ng mga bata ang sobrang pag kain ng paborito nilang Hotdogs.

Karaniwan sa mga kabataan ang kinahihiligang kumain ng hotdog at iba pa lalo sa almusal dahil bukod sa madali lamang itong lutuin, swak na swak din ito sa budget ng mga mommies lalo pag pangmaramihan ang bili.


Subalit, batay sa masusing pananaliksik, ang mga Hotdogs umano ay may nilalamang Sodium Nitrite na kung tawagin at napag - alamang nagdudulot ng peligro sa kalusugan nang dahil sa labis na pag -  konsumo nito.

Ang mga ‘Nitrites’ ay nahahalo sa mga Amines na karaniwang nakikita sa tiyan na bumubuo ng Carcinogen na nakakasama sa katawan, ayon sa The New York Times.
Photo from pinterest
Ang Nitrosamine ay ang pinakamatinding uri ng Carcinogen.                   

Nagdulot naman ng Cancer ang Nitrosamines na pinasbuok ni Dr. William Lijinsky, dating Director ng Research and Development Center for Cancer, sa mga hayop batay sa naging resulta ng pagsusuri nito.

Inimungkahi naman na ang mataas na bilang ng mga batang nagkakaroon ng Leukemia sa Los Angeles, California ay dahil narin sa Nitrosamines, ayon sa isa pang pananaliksik ng University of Southern California School of Medicine.

Bagama’t wala pa umanong sapat na research findings, sang – ayon naman ang mga eksperto na may malaking kinalaman ang Nitrosamines sa pagdulot ng Cancer cells.

Hindi pa rin nakukwenta sa kasalukuyang agham kung gaano karaming Nitrosamines ang masasabing safe kaya’t ang pinakamainam ay maging marahan lamang pag – konsumo ng mga pagkaing mga “instant”.
Photo from Flickr
FROZEN FOODS, DELIKADO DIN

Ang mga taong kinagiliwang kumain ng processed o preserved foods, partikular na ang tocino, bacon, ham at longganisa ay tatlong beses na mas mataas ang banta sa pagkakaroon ng Cancer, ayon sa isinagawang pag – aaral ng World Cancer Research Fund.

Sa bansang United Kingdom (UK), tinatayang umaabot sa 7,000 ka – tao ang nakitaang may Stomach Cancer, isang uri ng Cancer na mula sa Atay o Liver at Colon dulot ng mga ‘Carcinogenic Properties’ na meron sa mga processed o frozen foods. Kasabay nito ang pagiging ‘obese’ ng isang tao o sobra sa timbang.

Batay sa Cancer Research UK, sa pangkalahatan ay iniisip ng mga doktor na ang pasyente ay nasa mabuti pang kalagayan kung siya ay umabot pa nang dalawang taong buhay matapos ma-diagnosed na mayroong Advanced Stomach Cancer.

Ang mga natuklasan ng mga eksperto mula sa World Cancer Research Fund ay ‘groundbreaking’ at ipinakikita na may panganib ng pagkakaroon ng Stomach Cancer dulot ng pagkain ng processed foods kasabay ng malakas na pag-inom ng alak.

Ito ay makatutulong sa publiko upang higit na maunawaan kung ano ang maaaring makaimpluwensiya sa panganib na hatid ng Stomach Cancer na napakahalagang kontribusyon sa pag-iwas sa Cancer.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: kami.com.ph