Truly a master strategist! Int'l Trade Expert explains the reason behind Duterte's move - The Daily Sentry

Saturday, August 31, 2019



Truly a master strategist! Int'l Trade Expert explains the reason behind Duterte's move



Photo from Rappler
After she was b@shed by some netizens who disagree with her point of view about Duterte's move, she made a powerful comeback by explaining further where the President is coming from.

Through a Facebook post, International Trade Expert and a staunch Duterte supporter MJ Quiambao Reyes elaborated the reason she sees behind Pres. Rodrigo Duterte's reaction on the sensitive issue involving the disputed waters.

Below is MJ Quiambao Reyes' complete Facebook post:

HINDI LAHAT NG "MAKABAYAN AT MAKATAO" AY PALALO AT ESTUPlD0

Sa mga nag aakusa na ako'y isang panatiko ng Pangulo, tuta ng China, duwag, b0bo, at hindi makabayan–

Sa mga nagsasabing wala ako'ng puso at walang awa sa mga mahihirap at mangingisda–

Naman! Hiyang hiya ako sa kagalingan, katapangan, at kabutihang loob n'yo. Kayo na! Kayo na ang brayt. Kayo na ang bida at sadyang pinagpala.
Mj Reyes. Image from Reyes' Facebook
West Philippine Sea
Sensya na po pero sadyang di talaga magka-level ang ating mga pananaw at pang unawa. Pero bago kayo ngumawa at manghusga, bakit di nyo tanungin muna ang mga sarili kung ano na nga ba ang inyong mga nagawa at hanggang saan ba ang kaya nyo'ng ibigay at handang gawin para sa bayan at sa kapwa?

Ang kaligtasan, kabuhayan, at kapakanan ng ating mga mangingisda ay mahalaga sa akin. Kung kaya hindi man ako sing-tapang at sing-yaman ninyo, ilang mga fishing boats mula sa sariling bulsa ang naipamahagi ko na sa ilang mga mangingisdang nawalan ng kabuhayan (matapos ang bagyong Yolanda). Higit pa sa salita: GAWA. Hindi puro porma. Hindi puro ngawa.

Kung nauunawaan ko man ngayon ang Pangulo at kung tulad niya ay pinili ko'ng maging mahinahon muna at huwag maging palalo at agresibo , ito ay dahil nasa puso at isip ko, hindi lang ang kapakanan ng 22 fishermen, kundi ang kapakanan din ng milyon milyong iba pa nating kababayan.

Paano na ang mahigit 340,000 OFW nating nagtatrabaho ngayon sa China? Kung ang bawat isa sa kanila ay may 3-4 dependents, that's almost 1.3 to 1.6M kababayan natin ang direktang maapektuhan. (Hindi pa kasama dyan ang marami pa'ng undocumented Filipinos na nasa teritoryo rin nila at nagtatrabaho.)

Paano na ang mga producers ng saging, pinya, niyog, at iba pa na ang pangunahing market nila ay China? Ilang milyon farmers/manggagawa na umaasa sa kalakalan ng mga produktong ito ang tiyak na tatamaan sakaling lumala ang alitan ng dalawang bansa.

Kaya n'yo ba'ng ipamahagi ang inyong kaperahan para bigyan ng pangkabuhayan ang milyon milyong mawawalan ng pinagkakakitaan?

At kung mauwi pa ito sa giyer@ (o di man giyer@ ay an@rkiya), habang kayong mga palalo at matatapang kuno ay may mga passports, visa, at kakayahang mangibang bansa, paano naman ang nakakararaming kababayan natin na wala man lang kalaban laban at kakayahang protektahan ang kanilang mga mahal sa buhay?

***

Salamat na lamang at di tayo pinahirapan ng China (HK) at hindi sinisi ang buong bansa bagama't namat@yan sila ng 8 nationals at nasaktan at na-tr@uma ang marami pa'ng iba matapos ang palpak na pag-handle ng Luneta h0st@ge-taking.

Salamat rin sa South Korea na napakataas pa rin ng respeto sa bayan natin at nakawagayway pa nga sa ilang mga tourist destinations sa Seoul ang Philippine flag bagama't namat@y ang isang S. Korean national sa kamay ng ilang Filipino r0gue cops sa loob mismo ng kampo ng mga pulis matapos kidn@pin at kolektahin ang ransom.
Image from CNN PH
Image from ABS-CBN
Kung tutuusin, mas matindi ang sinapit ng kanilang mga kababayan sa kamay ng ilang tiwaling pulis at mangmang na opisyal natin. Kung tutuusin, mas maunlad ang bansa nila sa atin at hindi tayo malaking kawalan sa kanila.

Mabuti na lamang at ang mga lider ng South Korea at China ay hindi palalo at hindi singkitid ng isip ng ilang mga pulitiko at kontrapelo sa bansa natin tulad n'yo–otherwise, san na kaya tayo pupulutin?

Mabuti na lamang at hindi rin lahat ng "makabayan" at "makatao" ay tulad nyo'ng palalo at estupid0.

Mabuti na lamang at may mga "panatiko" na may puso at gumagamit ng sintido.

Source: MJ Quiambao Reyes