Bilyonaryong si Ramon Ang, mariing itinanggi ang relasyon kay Julia Barretto - The Daily Sentry


Bilyonaryong si Ramon Ang, mariing itinanggi ang relasyon kay Julia Barretto



Larawang pinagsama mula sa Google
Kamakailan lamang ay itinanggi ng business tycoon at CEO ng San Miguel Corporation na si Ramon Ang, 65 taong gulang, ang spekulasyon at rumors na kumakalat na magkarelasyon sila ni Julia Barretto.

Ang bilyonayo din ay mariing umalma sa mga usap-usapan ng kaniyang pagkaka-link sa actress na si Julia Barretto, 22 taong gulang.

Ayon sa kaniya, ang mga rumors na kumakalat ay hindi totoo dahil hindi niya naman kilala ang actress ng personal at ito ay masyadong bata para maging karelasyon niya. Sinabi din niya na parang apo niya maituturing si Julia dahil sa murang edad nito.

Sa ipinadalang pahayag ni Ramon Ang nung October 22 sa Abante tabloid, sinabi niya na "malicious" ang nasabing balita na kumakalat na din ngayon sa iba't ibang social media platforms.
Screenshot mula sa YouTube/PUSH
Saad ng Presidente at CEO ng San Miguel Corporation,

"Never ko pa po nakilala si Julia Barretto. Nakita niyo naman po ang edad niya, parang apo ko na.

"Kaya ito pong mga istorya na ito ay 'malicous.'"


Sinabi din niya na dapat ang mga ganitong klaseng balita ay hindi na binibigyang pansin dahil mas maraming mabigat ang problema sa Pilipinas kumpara dito na dapat pansinin ng mga tao at wala din daw naitutulong ang mga ganitong uri ng balita sa sambayanan at sa bansa.

Aniya,

"Huwag na po natin pagbigyan ng pansin, at mas marami pa po tayong kailangang gawin para mapabuti ang bansa natin."

Gayunpaman, open naman si Ang ang kung magiging kaibigan ni Julia ang kaniyang mga apo sa hinaharap. Sabi ni Ang,

"Siguro, paglaki pa ng kaunti ng mga sarili kong apo, puwede silang maging magkakaibigan."

Kabilang si Ramon S. Ang sa listahan ng Forbes ng pinakamayaman sa Pilipinas at siya ay nasa pangalawang pwesto dahil mayroon siyang net worth na nasa $2.8 bilyon.
Larawan mula sa RMN
Nito namang October 22, sa naging panayam ni Karen Davila kay Marjorie Barretto sa TV Patrol, itinanggi niya ang kumakalat na balita na kaniyang inilalako ang mga anak na babae sa mga negosyante na mayayaman. Ito ay dahil na din sa pagkakaugnay ng kaniyang pamangkin na si Nicole, kaniyang kapatid na sina Gretchen at Claudine Barretto sa negosyanteng si Atong Ang.

Sa naunang ulat, si Julia umano ay mayroong lihim na relasyon sa bilyonaryong businessman na si Ramon Ang. Pagtanggi naman ni Marjorie,

"My children are not for sale. I don't even have very much wealthy friends to sell my children to. My children work very, very hard. My youngest daughter is a good student in college in Ateneo.

"Matitino po ang anak ko."


Source: PEP