The ungrateful besh! OFW at kaibigan nito ng 8 taon, nasira ang pagkakaibigan dahil lamang sa mamahaling bag - The Daily Sentry


The ungrateful besh! OFW at kaibigan nito ng 8 taon, nasira ang pagkakaibigan dahil lamang sa mamahaling bag






Photo courtesy of Facebook/Lynne Cherrie



Sa tuwing makakabalita tayong mga Pinoy na may papauwi tayong kamag-anak o kaibigan na OFW, tiyak na excited tayo, dahil alam nating may inaasahan tayong pasalubong mula sa kanila.

Kadalasanan pa nga ay kahit na isang chocolate lang o key chain o ref magnets lang ay tuwang-tuwa na tayong maka-tanggap nito. Isa nang karangalan ito para sa atin.

Ika nga eh, ‘it’s the thought that counts’, wala sa halaga ng pasalubong, kundi ang maalala lang tayo ng ating kaibigan o mahal sa buhay at isa ng kagalakan ito para atin. Minsan pa nga ay ang makita lang silang muli ay sapat na.


Ngunit salungat ang kaso ng isa nating kababayan na magbabalik mula ibang bansa ang nagshare ng kanyang experience.

Kwento ng isang OFW tungkol sa kanyang karanasan sa kanyang matalik na kaibigan. Walong taon na silang magkaibigan nito.

Ngunit sa hindi inaasahang dahilan, nasira ang kanilang pagiging matalik na magkaibigan, na balewala ang walong taon nilang pinagsamahan bilang magkaibigan.

Kwento Lynne Cherrie, isang OFW, nakakalungkot man isipin ang ginawa ng kanyang bestfriend ng walong taon sa kanya.


Agad nagviral ito sa social media ang kwentong ito. Napag-alaman ng KAMI, nag-message si Lynne sa ilang mga kaibigan niya para pumili ng bag na type nila para ipasalubong sa kanila.

Kaya naman nagsend ng pictures ng mga bag si Lynne na maaari nilang pagpilian mula sa mga nabili nyang bag.

Ngunit sa di inaasahan, ang isa sa mga kaibigan niya ay nagde-demand ng designer na brand gaya ng Gucci or Michael Kors (MK) at wala raw siyang gusto sa mga bags na pinakita ni Lynne sa kanila.*

Ngunit paliwannag ni Lynne sa kaibigan, hindi na sya makakabili ng bags na hiling nito, dahil sa nakabili na sya ng pasalubong para sa pag-uwi nya.

Humirit pa ang kaibigan, na kung hindi daw sya mabibilhan ng Gucci o MK bags, ibigay na lang daw ni Lynne ang isa sa kanyang mga collection.

Nang hindi mapagbigyan ni Lynne ang kahilingan ng kaibigan na bigyan sya ng branded na bags, agad daw sya nitong blinock sa Facebook.

Samantala, samu’t sari naman naging reaksyon ng mga netizens at iba pang mga kaibigan ni Lynne sa kanyang karanasan.


"Nang dahil lamang sa material na bagay, nasira ang pagiging magkaibigan nila ng kanyang kaibigan ng walong taon."

"Halaka... Ka swerte if maka friend nga sendan ug bag kay ipapili... Panuhak wa ko kasagang saiming jumega che... Naglagot kog basa, ka pamati ba!"

"Demanding masyado, ang mamahal ng collection tapos mamimili pa! wag nang bigyan dapat yan.
Ako nalang bigyan mo ma’am, hinding hindi ako mamimili! Hehehe."

"Eto ang perfect example ng ungrateful bitch.. mka windang ang pgka demanding."