Babae, nag-dilim ang paningin kay BF matapos hindi bilhan ng ice cream at tawaging mataba - The Daily Sentry


Babae, nag-dilim ang paningin kay BF matapos hindi bilhan ng ice cream at tawaging mataba



Larawan mula sa Lucis Philippines
Sa isang relasyon ng dalawang magkasintahan, minsan ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa mga bagay-bagay o di kaya naman minsan ay nauuwi na ito sa pisikalan.

Ganun pa man, payo ng mga eksperto, ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang magkasintahan ay dapat pinag-uusapan ng maayos at mahinahon ang kanilang problema kapag parehas ng humupa na ang init ng ulo ng bawat-isa.

Sa isang kabanata ng artikulong ito ay matutunghayan ang kakaibang away ng dalawang magkasintahan na nauwi sa trahedya.

Sa isang nakalap na artikulo mula sa "Lucis Philippines", ibinahagi nito ang nakakalungkot na nangyari sa isang lalaki matapos itong madisgrasya ng kanyang nobya dahil hindi daw umano nito binilhan ng ice cream.

 Ayon sa balita, namamasyal ang dalawang magkasintahan na parehong nasa edad 20's nang magpabili ng ice cream ang babae.
Larawan mula sa Lucis Philippines
 Maliban sa hindi pagpayag ng lalaki na bilhan ng ice cream ang kanyang nobya ay tinawag pa umano nitong mataba.

"You are already fat, still want to eat ice cream?" ayon sa lalaki.

Dahil dito, nag-dilim ang paningin at nawala sa mood ang babae kung kaya nakaisip ito ng hindi maganda.

Ayon sa balita, pumasok ang babae sa isang tindahan para bumili ng gunting na siyang ginamit nya para wakasan ang buhay ng kanyang nobyo.

Apat na beses na tinusok ng gunting ng babae ang kanyang nobyo sa gitna ng kalsada at marami ang nakasaksi sa pangyayari.

Nag-dilim umano ang paningin ng suspek kung kaya naman nagawa niya ang hindi kanais-nais sa kanyang nobyo.

Dahil dito ay agad itinakbo sa pinaka-malapit na hospital ang lalaki ngunit hindi na nailigtas ang kanyang buhay.

Nagtangka pang tumakas ang babae sa mga otoridad ngunit hindi ito nagtagumpay at agad din siyang nahuli.

Umani naman ng ibat-ibang reaksyon mula sa netizens ang nangyaring ito, basahin sa ibaba.

Joanne Gonzales Kung talagang mahal mo kahit mataba pa sya hindi mo siya pagbabawalan kumain ng ice cream hello...
Larawan mula sa Lucis Philippines
Joan Gracela Stodomingo Naku po! Grabe naman si gf problema ba ang pagiging mataba compliment kaya yon na hindi ka ginugutom ng magulang mo, dapat nga matuwa ka dahil di ka binilihan ng ice cream nkakataba kaya yon, kung  ka mag diet kna lang pra pag  kna saka mo iwan bf mo wag mo nmn 

Merlita Abareno madami ngang bbae pgdating sa size nila o.a..sabihan lng ng mataba nagiging hindi maganda ang mood..kung ayaw nyung sabihan ng mataba wag kayong lumamon ng malaki..

Vic Mones hhindi yan magagawa ng isang taong nasa matinong pag iisip,my deperensya lng sa pag iisip ang gumagawa nyan...b4liw yan

****