Biktima ng “Pre, kamusta?” trending ngayon sa social media - The Daily Sentry


Biktima ng “Pre, kamusta?” trending ngayon sa social media



Trending ngayon sa social media ang conversation ng mag-kumpare sa Facebook messenger kung saan ibinahagi ni netizen Ikade Abadiano ang pag-uusap nila ng kaniyang kumpare na itinago sa pangalang “Ray John”.


Base sa kanilang pag-uusap, siya ay kinamusta ng kanyang kumpare at saka nagpresinta ito na maging Ninong ng kanyang anak na bibinyagan sa darating na Pebrero. Ngunit, matapos siyang kamustahin, nagulat sya ng biglang nangutang sa kanya ang kanyang kumpare ng halagang 7,000 pesos para daw sa birthday ng kanyang girlfriend.


Photo not owned, credits to the owner


Narito ang buong kwento: 






Ayon kay Ikade, mayroon pang utang ang kanyang kumpare na halagang 12,000 na hiniram din ng dati nitong nobya sa kanya na hindi pa rin bayad hanggang ngayon. Itinangging bayaran ni Ray John dahil hindi naman daw sya ang nanghiram nito.


Tuloy-tuloy pa din ang palitan nila ng chat sa messenger hanggang tumawad pa si Ray John sa presyo ng hinihiram nya. Mula 7,000 pesos, tumawad sya ng 5,000 pesos dahil plano daw nilang mag-EK o Enchanted Kingdom ng girlfriend nya.









Matapos ang kanilang pag-uusap, ayon kay Ikade, nagdeactivate si Ray John ng kanyang account sa Facebook.



Kayo po mga kababayan, naranasan nyo na din po bang kamustahin at biglang utangan?