Dahil sa reklamo ng mga pasahero, matandang lalaki sa jeep pilit pinapababa ng driver - The Daily Sentry


Dahil sa reklamo ng mga pasahero, matandang lalaki sa jeep pilit pinapababa ng driver





Larawan mula sa post ni Peng Contreras Campo



Agad nagviral ang post ng isang netizen tungkol sa isang matandang lalaki na pilit pinabababa ng driver sa jeep dahil sa reklamo na din ng ibang mga pasahero.

Ayon sa netizen na nag-upload, na si Peng Contreras Carpo, pagsakay nya sa nasabing jeep, napansin nyang mga nakatakip ng ilong ang mga pasahero. At nakita nyang nakasakay din sa jeep ang nasabing matandang lalaki.


Maya-maya pa ay naamoy na din nya ang di kanais-nais na amoy. At ayun na nga, napag-alaman nyang ang di magandang amoy ay galing sa matandang lalaki na kinilalang si tatay Bert, kaya naman inireklamo na ito ng iba pa nilang kasakay.

Dahil dito, huminto ang jeep, bumaba ang driver at pilit pinapababa si tatay dahil sa reklamo ng kanyang mga pashero dulot ng hindi kagandahan sa ilong ang amoy nito.

Mabuti na lamang at may nagmalasakit kay tatay, pinigilan ni Peng ang driver at sinabi nyang sya na lamang ang magbabayad ng pamasahe ni tatay. Labis na naawa si Peng kay sa matanda.

Agad na humingi ng paumanhin ang matanda sa iba pang mga pasahero at nagpaliwanang ito.

Kwento ni tatay Bert, halos isang linggo na raw siyang walang ligo. Mula pa siya sa Guimaras at namamalimos siya sa Iloilo.


Dala ng kanyang edad, kaya wala na raw tumanggap sa kanya na trabaho kaya naman naisipan na lamang niyang mamalimos.

Ipinakita pa niya ang laman ng kanyang bag na mga pagkain na binigay ng mga taong naawa sa kanya at damit na dadalhin niya sa kanyang pamilya. 

Ang bukod pa rito, may sakit pa ang kanyang misis na kailangan pa niyang mabilhan ng gamot.

Nang marinig ito ng mga pasahero, halos lamunin daw sa hiya ang mga ito dahil sa panghuhusga nila sa matanda dahil lamang sa amoy nito.

Habang si Peng naman ay pilit na pinipigil ang luha at halos madurog daw talaga ang kanyang puso sa kaawa-awang kalagayan ni tatay Bert.

Halos lamang sa loob ng 24 oras, naging viral ang post na ito ni Peng at umani na ng positibong mga reaksyon ang post na ito mula sa mga netizens.

Nais ni Peng na mamulat sa mapanghusga ang ating mga mata sa mga taong nangangailangan ng ating tulong. Nawa’y mag-iwan ng aral ang kwento ni tatay Bert sa mga nakabasa ng kanyang post.

Narito ang ibang mga reaksyon ng mga netizens:


"Wag tayong mag husga agad sa mga taong dipa natin kilala dapat intindihin nalang natin si tatAy at dapat bago kayo mag husga tanungin nyo muna" 

 "Ganyan ang nagulang sana lang sa sunod wag naman ganyan kasi yung ibang tao nauuna yung kaartehan eh eh ano kung may amoy di naman nakakamatay yun" 


"wahhhh habang binabasa ko naiiyak aq ang lolo ko at tito ko dating basurero" 

"God bless you tatay Bert. And God bless you beautiful soul. May love and kindness be with us all"