


Mga larawan mula sa Facebook at Instagram/Niah Selway |
Napakahirap ang pinagdadaanan ng isang dalaga dahil sa kanyang
kakaibang kalagayan, kung saan ay hirap na hirap syang maligo dahil sa
allergic reaction ng kayang balat sa tubig.
Ipinakita sa video ng isang 19-anyos na dalaga ang araw-araw
na kalbaryo na kanyang pinagdadaanan sa tuwing sya ay maliligo.
Nakilala ang nasabing dalaga na si Niah Selway, isang Youtube
vlogger, mula sa Engglatera.
Kalbaryo dulot ng allergy sa tubig
Ayon kay Niah, nagsimula ang kanyang allergy nang siya ay
limang taon pa lamang. Ngunit sa mga panahong iyon ay hindi pa gaano malala ang
pangangati ng kanyang katawan.
Ngunit di kalaunan habang siya ay nagdadalaga na. Dito na
nagsimulang lumabas ang mga sanhi ng allergy gaya na lamang ng sobrang
pangangati at pananakit ng buong katawan.
Ito ay dahil sa sakit at sobrang kati na kanyang nakukuha
dulot ng kakaibang kondisyon na tinatawag na "Aquagenic Pruitus".
Kaya naman mabilisan lang kung maligo si Niah sa kanyang
paliligo, kailangan ay hindi ito lalagpas ng limang minuto.
Ito ay dahil sa loob ng lima hanggang sampung minuto mula
nang siya ay mag-umpisang mabasa, magsisimula nang sumakit at mangati ang buo
nyang katawan.
Ang kanyang pangangati at pananakit ng katawan ay tumatagal
ng hanggang tatlong oras bago humupa ang sakit.
May lunas pa nga ba ang kondisyon ng dalaga
At kahit tuyo na ang kanyang katawan, patuloy pa rin ang
pangangati ng kanyang balat na syang nagiging kalbaryo sa kanyang pang-araw araw na
buhay.
Ang isa pa sa masaklap, ay di rin siya makaiyak dahil ang
mga luha nya ay magiging sanhi din ng pagsumpong ng kanyang allergy.
Iniiwasan din ng dalaga na pagpawisan o kaya naman ay Mabasa
ng ulan. Maging ang pag-aaply ng make up ay dapat walang water content ang
nasabing brand.
Ingat na ingat na hindi Mabasa si Niah, labis na naaawa na
sa kanya ang kanyang mga kaibigan at mga magulang dahil sa kanyang kondisyon.
Maging ang kanyang social life ay naapektuhan na kanyang kondisyon. Kaya nagpasya si Niah na ibahagi ang kanyang pinagdadaanan upang magsilbing kaalaman ito sa madla at huwag syang husgahan dahil dito.
Ang "Aquagenic Pruitus" ay isang kondisyon kung saan ang pagdikit o pagdampi ng tubig sa katawan ay nagbubunga ng matinding pangangati sa balat. kadalasan ay tumatagal isang oras at higit pa. ang nasabing kondisyon ay maaring namamana mula pa sa pamilya ng pasyente.
Sa ngayon ay wala pang tiyak na
lunas sa nasabing kondisyon. Maari lamang gawin ng taong mayroon nito ay
i-manage lamang ang pangangati sa pamamagitan ng pagpahid ng topical ointment,
anti histamine na syang pumipigil sa pangangati ng iba’t ibang parte ng
katawan.