Inireklamong misis na pinay, iniwan daw ang Indiano dahil mabaho ang kili-kili at hininga nito - The Daily Sentry


Inireklamong misis na pinay, iniwan daw ang Indiano dahil mabaho ang kili-kili at hininga nito





Compiled photos from Raffy Tulfo in Action


Kamakailan lang ay dumulog ang Indianong si Roscoe D' Costa sa programa ni idol Raffy Tulfo na inirereklamo ang kanyang misis na umano’y salawahan at sinungaling pa.

Matapos mag trending ang balita ay minabuti ng misis ni Roscoe na mag sadya na rin sa program ni idol upang makapag bigay din ng kanyang panig at saloobin.


Mga dahilan ni Jocelyn

Ayon kay Jocelyn D’Costa, kaya daw nawala ang kanyang pagmamahal sa asawa dahil nananakit di umano ito, at madalas pa na pinipilit pa siyang makipag talik kahit pagod siya.

Maliban dito, sinabi rin ni Jocelyn na tinitipid siya ni Roscoe pagdating sa pagkain pati na ang pagpapagamot ng kanilang anak. Mas gusto pa daw nito na pumila sa emergency.

Nang tanungin ni idol Raffy kung siya ba ay may maipapakitang ebidensya para suportahan ang kanyang mga bintang, wala naman daw.

Mabaho ang kili-kili ni mister

Ayon sa misis ni Roscoe, mabaho raw ang kili-kili at hininga ng kanyang asawa kaya niya ito iniwan. Samantala, ayon sa Indiano, naliligo naman daw siya minsan nga ay twice a day pa.

Itinanggi rin ng Indiano na pinilit lang niya si Jocelyn na magpakasal sa kanya at tinakot na ilalabas ang mga larawan nila sa mga police noon sa Abu Dhabi. Ang bagay na ito naman ay itinanggi ni Roscoe.

Ibinunyag din nito ang mga sakripisyo niya dahil sa pagmamahal niya sa kanyang asawang si Jocelyn.

Sa kanilang paghaharap, hindi na napigilan ng parehong panig ang maging emosyonal. Hindi rin napigilan ni Roscoe maiyak.


Sinakripisyo umano ni Roscoe ang kanyang magandang trabaho niya sa ibang bansa dahil mahal niya si Jocelyn.

Pinayuhan naman ni idol Raffy si Jocelyn na makipag ayos nalang sa asawa dahil masyado umano mababaw na gamiting dahilan ang hygiene ng foreigner.

Source: KAMI