Lalaki, nakaipon ng 1M matapos iwasan ang yosi, online games at mag diet - The Daily Sentry


Lalaki, nakaipon ng 1M matapos iwasan ang yosi, online games at mag diet



Larawan mula kay Neil Ryan Lorenzo
Marami sa ating mga kababayan ang hirap mag-ipon ng pera dahil sa ilang kadahilanang tulad na lamang ng pagbili ng mga hindi naman importanteng bagay o kawalan ng pagpupursigi sa sarili para maka-ipon.

Gayunman, isang nakaka-inspire na kwento ang ibinahagi ng isang netizen sa kanyang Facebook post kung paano siya nakaipon ng malaking halaga ng pera. 

Ibinida ng isang netizen ang kanyang ipon sa pamamagitan ng pag-alis niya ng kanyang mga bisyo tulad ng paninigarilyo, paglalaro ng online games at sinamahan din daw niya ito ng wastong diet sa katawan.

Ayon sa netizen na nakilala bilang si Neil Ryan Lorenzo, isang OFW, nakaipon siya ng 75,400 Riyal at 2,700 Pesos o mahigit kumulang isang milyon sa pera sa Pilipinas sa loob lamang ng tatlong taon at kalahati.

Ayon pa sakanya, 21 taon na siyang nagbibisyo ng yosi kaya malaki ang pasalamat nito dahil sa wakas ay naiwasan na niya ito.

Kwento ni Lorenzo, dahil sa kagustuhan niya para makaipon,  malaki ang nagbago sa kanyang kalusugan katulad na lamang ng dati nitong 85 kilo na timbang at ngayon ay bumaba na sa 75.

Malaki din ang pasasalamat ni Lorenzo sa isang fanpage sa Facebook na "PESO SENSE" dahil ayon sakanya, dito raw niya natutunan kung paano mag-ipon at tanggalin ang kanyang bisyo. Nagpasalamat din ito sa Panginoon at sa kanyang pamilya.

Banggit pa ni Lorenzo, pag-uwi nito sa bansa ay magbibigay siya sa simbahan ng pera at mag-iikot ito upang mabigyan ng kaunting tulong ang mga pulubi sa lansangan.
Larawan mula kay Neil Ryan Lorenzo
Larawan mula kay Neil Ryan Lorenzo
Larawan mula kay Neil Ryan Lorenzo
Larawan mula kay Neil Ryan Lorenzo
Larawan mula kay Neil Ryan Lorenzo
Larawan mula kay Neil Ryan Lorenzo
Basahin ang buong post ni Lorenzo sa ibaba:

"Ito na ipon challenge ko 3yrs and half ko sya inipon nakita ko ito sa peso sense nag karoon ako ng idea sa sarili ko para mag ipon alam nyo ba ano ginawa ko pra dumami ipon ko po inalis ko po yosi ko nag diet pati games ko inalis ko sobra laki pala nagagastos ko sa yosi at pag kain ko pati na din games ko.

"Inalis ko lahat dami nag bago sa kalusugan ko 21yrs bago ko stop pag yo2si ko 85k ako dati now 75k nalang timbang ko diba naka ipon na ako na alis ko pa bisyo ko salamat sa pesonsense ikw dahilan kya nagawa ko ito salamat lord sa pamilya ko.. Sana makatulong sa inyo lahat pano ba talaga mag ipon. 

"Guys magbibigay po ako ng blessing sa inipon ko paki share nalang po at like mag share makaka sali po sa raffle ko sa dec 22 8pm po mag start raffle ko. tatlo po mananalo ng 500sr katumbas 6500php para po sa pasko pang dagdag sa handa malalaman nyo po sino manalo sa dec 23 8am magmessage ako sa mananalo di po pwede dummy account manalo dummy diko po bibigay prize nyo. 

"Naipon ko pala 75400k riyal + 2700peso total po sa pera natin 1 million mahigit po sobra happy talaga ako di ko akalain sobra laki pala na ipon ko.... At pag uwi q bibigay po ako sa church nanay ko po at mag iikot para sa mga pulubi para kahit papaano mabigyan ko sila konti pagkain para sa pasko salamat po sa lahat iloveu guys.

Panoorin ang kanyang video sa ibaba:


Marami naman ang natuwa kay Lorenzo at inulan ito ng magagandang mensahe galing sa mga netizens.

Ruth Ciata Congrats po , malki tlga naitutulong ng pagtitipid sana all mrunong at mtutong magtipid 😊😊 sana isa aq sa mabunot or manalo pra s png xmas ng mga anak ko,. Thank you very much godbless😊

Jovel Perez Castro Sir gnyn din po asawa ko ng stop npo sya sa sigarilyo ngaun ang ginagawa nya po e ng alkansya din po sya para po sa darating na 2nd baby nmn🤗

Vilma Ladaran Ranis Galamiton Wow ang galing nman po Sir. Stay healthy po and more blessings to come. God Bless you po.

StepNash Malinao Artajo Wow...God bless to you and your family sir..pasali po sa raffle nyo..sana mapili ako para may pang handa kahit kunti ngayong pasko..😊😊😊

****